Bumalik ako sa dati kong pinapasukan sa bayan matapos ang mga nangyari. Hindi na ako nagpatagal pa sa pagmumokmok dahil hindi ako mabubuhay kung habang buhay akong iiyak sa sulok at magpapaka lungkot sa mga nararanasan ko.
Hindi pwedeng pati sarili ko pabayaan ko, hinding hindi ako gagaya sa papa ko. Hinding hindi ako papayag na magmamahal ako na aabot sa gusto ko naring mawala sa mundong ito oras na iwan nya ako. Dapat ang pagmamahal ay masaya at hindi yung hahayaan ka pa lalong malugmok.
Wala akong ibang choice kung hindi magpalipat lipat ng matitirhan. Lahat ng murang pwedeng rentahan, yun ang kinukuha ko. Kahit nga kama lang, may mahihigaan man lang ako ay ayos na. Dahil hindi rin naman ganun kalakihan ang sahod ko para kumuha ng malaking tirahan.
Marami na akong nakikilala dahil sa palipat lipat ko, pero hindi rin lumalalim ang pagkakaibigan namin dahil hindi nga ako nagtatagal sa mga upahan. May ilang gustong tumulong para magkaron ako ng permanenteng bahay, pero ayoko pang magkautang na loob sa iba.
"Sorry talaga miss, babayaran ko nalang lahat ng nabasag ko. Grabeng hassle ang ginawa kong to. I'm sorry!" sabi ng babae habang tinutulungan akong linisin ang nabasag nyang mga bote ng alak.
Sa totoo lang, walang problema sakin kahit makabasag ang customer. Dahil hindi naman sila makakalabas ng store ng hindi binabayaran ang nabasag. Ang ayaw ko lang yung paglilinis.
"Nakakahiya, sorry talaga miss ah" ulit nya pa
"Okay lang ma'am, ako na po maglilinis" sagot ko
Baka mamaya masugatan pa sya, sagot ko pa.
"Hindi okay lang, kasalanan ko naman." sagot nya
Napatingin ako sakanya habang naglilinis kami. Morena ito at medyo may katangkaran. Maganda pero simple. Sya palang ang nakikita kong maganda na simple manamit. Karamihan sa mga bumibili dito, lalo yung mga magaganda ang katawan, maselan manamit at kung hindi naman maselan, bongga naman kahit hindi angkop sa pupuntahan.
Hinawi nito ang buhok nyang humaharang na sa kanyang mukha. Pinagpag nya ang kamay nya at inilahad iyon sa harap ko.
"Adiel Marie, Adi for short." aniya habang nakangiti
Ngumiti din ako at tinanggap ang kamay nya.
"Paris" sagot ko
"Taga dito lang ako, kaya madalas ako dito" sabi nya pa
"Oo nga, familiar ka na nga sakin eh hehe" sagot ko
Ngumiti ito at tumalikod. Kinuha ko na ang walis at binalik iyon sa stock room.
Pagharap ko, nagulat ako ng iabot nya ang ice cream sakin.
"Samahan mo muna ako, wala naman customer" aniya
Napakamot ako sa ulo at nginitian sya
"Bawal samin yun, makikita kami sa cctv" sagot ko at tinuro ang cctv sa taas
"Hmm, ganun ba? Pano kung dun ako umupo sa likod ng counter?" sabi nya sabay takbo papuntang likod ng counter.
"Uyy! Bawal ka dyan ma'am" habol ko
Nang maabutan ko sya, hinawakan nya ako sa kamay at inilagay ang daliri sa labi
"Shhh, wag ka lang maingay. Wala makakaalam hihi" aniya habang nakayuko at kumakain ng ice cream
Mayayari talaga ako nito bukas.
----
"Ano bang pumasok sa isip mong gaga ka, bakit mo sinabi yun sa boss mo" naiinis na tanong ni Jaq
"Ang arte mo, parang hindi tayo natutulog sa bahay ng magkatabi ah" sagot ko sabay irap sakanya
"Alam ba nila na ano ka--"
"No" sabay naming sagot ni Jaq kay Axel.
Inirapan ko ito
"Hanggang dito lang usapan huh, hindi ka kasali" sabi ko pa habang nagdra-drawing ng imaginary line sa pagitan namin
Tinalikuran ko ito at sya namang hampas ng mahina ni Jaq sa braso ko
"Ang salbahe mo kay Axel" matawa tawa nyang sabi
Kung alam nya lang, baka hindi na rin nya pagkatiwalaan yang lalaking yan.
Lumipas ang oras at nakarating na kami sa US. Ang sarap ng ganitong trabaho no? Kahit sobrang hirap, pero pag dumadating yung ganitong pagkakataon na nakakasama ka sa out of the country ng boss mo, ang sarap sa pakiramdam. Parang lahat ng pagod mo, nawawala.
"Dito ka daw, kami ni Axel ang magkasama" mataray na sabi ni Jaq habang inaabot ang key card ko
"Nako Axel, mag-iingat ka!" pananakot ko, ngumiti lang naman ito at dumiretsyo na pagpasok ng kwarto.
Napa-nguso ako kay Jaq. Baka gagana ang powers ko, baka papayag sya na magkasama na kami sa kwarto
"Ano ginagawa mo??" nakataas nyang kilay na tanong nito
"Puppy eyes" sagot ko
Natawa ito at umiling
"Hindi ka mukhang puppy, mukha kang undin" aniya
Napakunot ang noo ko
"Undin??" nagtataka kong tanong
"Oo, search mo. Hahahahaha" sagot nya at dumiretsyo na pasok sa kwarto nila
Malungkot na pumasok ako ng kwarto ko. Ang boring pag mag-isa. Tapos maaalala ko na naman yung nangyari last time na mag out of the country kami. Pero this time, company party naman to para sa ika-6th months ni sir Ashton as a CEO, at para narin icelebrate ang opening ng International branch ng company.
Siguro sobrang proud si sir Shawn sa anak nya. Nagbago din ito kahit paano kumpara nung mga unang buwan nya as CEO. Hindi na rin nya ako pinag-iinitan, sa ngayon. Ewan ko sa mga susunod na araw.
Kinuha ko ang malaking box sa ibabaw ng kama ko at ipinatong ito sa lamesa. Ito daw ang isusuot ko sa party bukas ng gabi. Sukatin ko nga
Dahan dahan ko itong binuksan at sinilip. Hindi ko pa man nabubuksan ng buo, kumikinang na agad ang nakikita ko.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang price tag na nakalagay pa talaga sa ibabaw ng dress. Ano ba to, pahiram lang? Or gift na saming mga employee?
As if naman, hindi gagastos ng ganito kamahal ang company para sa isusuot ng empleyado no.
*ding dong*
"Ay burikit!" sigaw ko
Nabitawan ko ang takip ng box at bumagsak ito sa hinliliit ko (maliit na daliri). Nagulat ako sa lakas ng door bell dito sa loob ng kwarto.
"Ang sakit! Sino ba yan?!" inis na sigaw ko at pinatong ng basta ang takip ng box sa ibabaw ng kama
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, palad agad ni Jaq ang bumungad sakin
"Excuse! Excuse!" aniya habang dirediretsyo ang pag pasok sa kwarto ko
Nakapantulog na ito at may dalang make up kit. Napangiti ako
"Dito ka matutulog??" tanong ko
"Oo, kaya please lang maligo ka bago tayo matulog huh" sagot nya
"Yehey!" parang batang masaya na sagot ko
Lumakad ito papunta sa may kama ko at nakita ang dress na nasa box sa lamesa ko.
"Omg! San to galing? Ang mahal nito ah!" aniya habang hinahaplos ito ng marahan
"Oo nga eh, ang ganda no? Sayo anong itsura?" tanong ko
"Anong sakin? Wala akong ganito. Bibili pa ako bukas ng isusuot ko. Ikaw lang ata meron nyan" sagot nya
Natigilan ako at natulala sa box. Saan naman manggagaling yan?
"Akala ko lahat tayong empleyado meron nyan" sagot ko
"Wow ah, sobrang yaman ng company ah. Para mamigay ng damit na worth 39k" sagot nito
Nilabas nya ito sa box at nalaglag ang isang papel mula sa likod nito.
"Ay bakla! May pa love letter" sabi ni Jaq
Sabay namin itong binasa
"I want to see this dress tomorrow night. If you don't wear this, then don't come to the party - your boss"
"Ahhhhkkkkkkk" tili ni Jaq
Napakunot ang noo ko at napatakip sa tenga
"Dyan nagsisimula yan bruha ka!!! Baka in-love sayo boss mo!!" tatalon talon nyang sabi
Tinalikuran ko ito at kinuha ang dress. Tiniklop ko ito at binalik sa box
"Ay, bakit di ka masaya? Crush mo yun diba?" aniya
"Matagal ng hindi no. Natatakot ako, baka may binabalak na naman syang kalokohan kaya ganyan kinikilos nya" sagot ko
Sa tuwing bumabait kasi ito, laging may kapalit na gulo na nangyayari. Na lagi kong kinapapahamak.
"Ikaw naman, TH ka." sagot ni Jaq
"Anong TH?" binalik ko na ang box sa ibabaw ng lamesa. Binuhat ko ito papuntang drawer at doon nilagay sa pinaka ilalim.
"Tamang Hinala" sagot nya
Napailing ako.
"Phobia na ko sa mga pinaggagagawa nyang boss ko na yan. Laging kinapapahamak ko ang kapalit sa tuwing nagbabait baitan yan" sagot ko
"Malay mo naman, iba na this time" nakangiti nyang sabi
Hinampas ko ito ng unan
"Wag ka nga!" sigaw ko
Tumawa ito ng malakas at hinampas ako pabalik
"KINIKILIG ANG GAGA! HAHAHAHA. ASA KA!" aniya
Napasimangot ako at inirapan sya.
"Matulog na nga tayo" sagot ko
Pero bago ko pa maihiga ang buong katawan ko, nalaglag na ako sa kama. Yun pala ay sinipa ako ng loko.
"Maligo ka muna sabi eh!" sigaw nya
"Che!" inis na sagot ko at kinuha ang towel.
Hindi ko isusuot yang dress na yan. Baka i-salary deduct pa sakin yan pag nasira ko.
~
"Dito tayo, bilisan nyo naman maglakad" inis nang sabi ni Jaq
Gano ba kalaki tong mall na to? Jusko walang katapusan! Ganito ba mall dito sa ibang bansa? Halos lahat ng mga mamahaling brand nandito na, naikot na namin pero wala pa ding magustuhan itong Jaq na ito. Siguro mag lilimang oras na kaming umiikot ikot.
Nakakainis pa nito, kada kukuha ako ng dress na isusuot ko, inaagaw nya at binabalik kung saan nakalagay at paulit ulit na sinasabi "Meron ka ng isusuot"
Eh sa hindi ko nga isusuot yon. Masyadong fit at medyo revealing, hindi lang sa likod pati sa may dibdib. Hindi naman ako nagsusuot ng ganon. Pakiramdam ko ay hubad ako. Yung mga ganung damit ang gusto ni sir Ashton para sa mga babae nya. Pwes, wag nya ko idamay. Hindi ako ganung babae!
"Wala ka pa bang napipili?" tanong ni Axel na mukha naring pagod.
Buti pa to, may nabili na. Kanina pa. Eh itong baklang to, napaka arte!
"Pumasok kayo dito sa loob!" sigaw nya
Umupo kami sa harap ng isang fitting room. Napapaligiran kami ng salamin. Inikot ko ang mata ko at nakitang nakatingin sakin si Axel habang nakatalikod ako.
Nagtama ang tingin namin sa salamin
"Ano?! Tinitingin tingin mo?!" matapang kong tanong
Umiling ito at ngumiti saka umiwas ng tingin. Problema nito? Nagagandahan ba sya sakin?
Sabay kaming napatingin sa harap ng makitang lumabas si Jaq, nakasuot ito ng white shirt at pink toxedo. Bagay na bagay ito sakanya. Parang compliment sakanya ang kulay pink.
Napangiti ako
"Bakla ka ba talaga? Akin ka nalang" sabi ko
"Impakta ka" aniya at tumalikod na uli
Ang gwapo nya talaga. Kasing gwapo nya si Jaxon.
Ay syempre, kambal nga diba? Boba.
At sa wakas! May nabili na sya, naglakad na kami palabas ng store at nag-aya pa syang mag-ikot ikot pa.
"Gutom na ko eh" maktol ko
Napakamot ito sa ulo at may tinuro
"Dun tayo kumain" aniya
Puro burger at fries pala meron dito, wala man lang kanin. Diet ba tong baklang to??
"Wala bang jabee dito?" tanong ko
Napatawa silang dalawa
"Ano ba naman yan, nasa ibang bansa ka yun pa din hanap mo" sagot ni Jaq
Napakamot ako ng ulo at wala ng nagawa. Eto na naman tayo sa burger na puro gulay at pickles.
Tinitigan ko pa ang burger bago ito kainin. May naalala ako
"Walang pickles yan"
Nagulat ako ng mag salita si Jaq.
"Aww thank you, love mo talaga ako" sagot ko
"Duhh, hindi no. Ayaw ko din ng pickles eh gaya gaya ka, kaya pinatanggal ko din sayo" mataray nitong sagot
Napabaling ako kay Axel at tinuro si Jaq
"Ang taray nya sakin lagi no?" nakanguso kong sabi
"Ikaw nga din, sakin." sagot ni Axel
Napatawa si Jaq at napairap naman ako. Bakit ba kasi kasama namin to? Friends na rin ba to? Tss.
"Anong oras ba mamaya?" Tanong ko
"7pm" sagot ni Axel
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 3:30 na.
"Wala pa akong nahahanap na dress" sabi ko
"Hmp, as if naman. May mag aayos satin na nirentahan ng company. For sure yun ang papasuot sayo ng make up artist" sagot ni Jaq
"Di pwede" sagot ko naman
"Bakit ba nagmamatigas ka pa? Napaka choosy mo" nakakunot noo nitong sagot
"Baka kasi ideduct sa sahod ko pag nasira ko pa yun"
Natigilan silang dalawa at boom! Umingay ang tawa nila sa Restau.
"Gaga ka ba?? Yun lang pala inaalala mo, hindi yun idededuct sa sahod mo. Bigay nya yun sayo, kapalit ng pagkatanggal mo sa trabaho"
At lalo pa silang nagtawanan. Happy yan? Pinagtulungan pa talaga ko!
"Mga sira ulo" sagot ko at kumain nalang ng burger
May naalala na naman ako sa burger na to. Yung gabing muntik na nya akong halikan. Halikan nga ba?
Inalis ko iyon sa isip at napalitan na naman ng pag-aalala ang isip ko. Hindi ko yata kayang isuot ang damit na iyon mamaya.
Dahil bukod sa mahal at revealing, mukhang hindi ito babagay sakin.
~
"Nagmukha kang tao" bulong ni Jaq matapos akong make-up-an.
Inirapan ko ito dahilan para matawa sya
"Oh suot mo na yung dress, bilis" aniya
Napasimangot ako at tinitigan pa ang dress na nakasampay na sa kama
"Partner mo daw si Axel, so magpaganda ka talaga para hindi ka naman mag mukhang PA ni Axel" mataray nitong sabi
Hindi ako makasalita, hindi ko alam kung nae-excite ako o kinakabahan. Ang ganda ko. I mean, ang galing nung make up artist kasi nagmukhang natural ang make up sakin. Ayaw na ayaw ko ng make up dahil baka mag mukha akong bakla, pero itong make up ko ngayon, ang galing! Ang ganda
"Ano?! VIP ka?? Ang tagal mag-ayos!"
Nabigla ako sa sinabi ni Jaq kaya mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo papunta sa CR dala dala ang dress.
Isinabit ko ito sa likod ng pintuan at tinitigan pa ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng malalim at sinimulan na itong isuot
~
"Ang tagal naman non! Mala-late na tayo"
"Ayan na ata sya"
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna bago ko tuluyang buksan ito. Bumungad sakin ang mukha ni Jaq na badtrip na badtrip na at ang nakangiting si Axel.
"Ano?! Tatago ka nalang dyan?!" sigaw ni Jaq
Ang gwapo gwapo nito pero nasisira ang aura nya dahil sa badtrip nya. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo
Hirap pa akong maglakad dahil sa heels ko, pero pag bukas ko ng pinto pareho silang natigilan
"Mukha kang first lady!" si Jaq
"Wow" si Axel
Napangiti ako ng naiilang at hinawakan ang damit
"Wag ka gumanyan, tumayo ka ng straight. Ang ganda mo girl" ngayon nakangiti na si Jaq
Naglakad na kami papunta sa lobby at habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero karamihan sakanila sakin nakatingin. Naiilang tuloy ako lalo
Binuksan ni Axel ang pintuan ng sasakyan para mauna akong makasakay. At nang makaupo na sya sa tabi ko, sinara nya ang pinto
"Oh, si Jaq?" tanong ko
"May dala syang sariling sasakyan nya" sagot nito
Nandito nga pala kapatid nya, malamang sa malamang payabangan na naman sila
Habang nakatingin sa bintana, hindi ko maiwasang huminga ng malalim ng ilang beses. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko. Daig ko pa ang mag peperform sa harap ng madaming tao sa sobrang kaba.
First time ko to, first time kong magsuot ng ganito kagandang damit at maayusan
Nang makarating kami sa venue, para kaming nasa red carpet kung pag tinginan habang naglalakad papasok. Nag palingon lingon pa ako para hanapin si Jaq pero bigo akong makita ito. Baka nasa loob na
Para akong hindi assistant sa itsura ko ngayon. Ganun din naman si Axel, bagay na bagay sakanya ang coat nya at ang formal din ng gupit nya
Nginitian ko ito at inilapit nya sakin ang braso nya, humawak ako dito at sabay kaming pumasok sa loob
"Relax ka lang" aniya
"Halata bang kinakabahan ako?" tanong ko
"Oo, nanginginig labi mo" sagot nya habang natatawa
Napakagat labi ako at napayuko. Hindi ko ata kakayanin humarap sa maraming tao na ganito itsura.
"Paris!"
Tumigas ang likod ko ng marinig ang boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon at bumungad sakin ang napaka gwapo at naka smirk na boss ko. Para syang artista sa itsura nya ngayon, sobrang neat nya lalo tingnan, nag pagupit din sya ng army cut at bumagay pa ito sa balbas nya. Ang hot nya!
Abot sa pwesto ko ang amoy nya kahit hindi pa sya tuluyang nakakalapit sakin.
"I'm glad you wear that dress" aniya
Napatingin ako sa dress at binalik ang tingin sakanya
"Now, you look---" natigil sya saglit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa
Ayusin mo lang sasabihin mo at talagang!
"Presentable" at nag smirk uli sya
Napatingin pa sya sa pagkakawak ko kay Axel at saka tumalikod samin
"Thank you sir!" sagot ko na medyo napalakas dahil biglang humina ang background music
"Are you shouting at me?" lingon nya
Nanlaki ang mata ko at nilapitan sya
"No sir, sorry, kala ko po mahina ang boses ko" bulong ko, ngayon malapit na ako sakanya sure ako na rinig na nya ang sinabi ko
Nag nod sya at tatalikod na sana pero nagsalita pa sya na dahilan para mapatigil ako sa kinatatayuan ko, hindi ako nagkamali ng narinig. For the first time, pinuri nya ako
"You look amazing tonight" bulong nya