Sobrang daming tao, kung hindi nga lang ako kailangan ni sir Ashton mas pipiliin ko nalang maupo sa gilid.
"Dad!" napatingin ako sa likod nang magsalita si sir Ashton
"Good evening sir" bati ko kay sir Shawn, kasama nito si Ma'am Avery at Miss Anity
"Wow, is this Paris? You're so pretty!" si Miss Anity
"Ang ganda mo iha" nakangiting bati ni ma'am Avery
"Nako, maraming salamat po" sagot ko
"Syempre ako bumili ng dress nyan, baka mukhang basahan isuot nyan" singit ni sir Ashton
Siniko ito ni Miss Anity at nginitian ako
"Pasensya kana sa kapatid ko ah" sabi pa nya
Ngumiti lang naman ako at napatingin sa direksyong tinitingnan ni sir Shawn
Nagulat ako ng makita ang kambal na papalapit samin. Sobrang gwapo talaga nung lalaki! Hindi si Jaq at Jaxon ang tinutukoy ko, mukhang family friend ito nila sir Shawn dahil sa tuwing may celebration, lagi kong nakikita yung lalaki. Pero hindi yung kakambal nyang babae.
"Raiko, Raika! Buti nakarating kayo" bati ni sir Shawn sakanila
Ang tangkad nung babae at mukha syang model, teka--- model nga ata sya. Hindi ko lang maalala kung saan ko sya nakita
"This is Paris, my loyal and great secretary before but she's Ashton's secretary now" pag papakilala sakin ni Sir Shawn
Kinamayan ako ni Miss Raika at Sir Raiko. Ang lalambot ng kamay nila at ang babango pa, how i wish na ganyan din ako ka-bango palagi
"Hello, lagi ka kinukwento ni Ashton sakin haha" sabi ni sir Raiko
"Hey! Shut up" singit naman ni sir Ashton
Kinukwento? Tungkol kaya saan
"You can sit na muna Paris" sabi ni sir Ashton
Agad naman ako naglakad palapit sa upuan namin. Nakita kong chill na chill lang si Axel doon. Sana all diba?
"Ang sarap ng buhay mo ah" bulong ko sakanya nang makaupo ako sa tabi nya
"Syempre napakilala na ako sa lahat kanina eh" sagot nito
Nagcecellphone sya ngayon sa ilalim ng lamesa kaya sumilip ako
"Hoy anong games yan?" tanong ko
"Ewan nakita ko lang to sa ads eh, ikaw try mo" aniya
Kinuha ko ang cellphone nya at sinubukan ang nilalaro nya, hindi pa nagtatagal ay natalo na agad ako sa laro
"Ang hina mo naman" sabi nya pa
"Ang yabang, sige nga ikaw naman" sagot ko
Inaabangan ko syang matalo nang biglang may humila sa kamay ko at kamay ni Axel. Tinulak kami nito sa gitna at napansin naming madami nang sumasayaw, slow dance ito kaya napatingin kami sa taong tumulak samin dito
"Go! Go! Dance!" aniya, sya ang party organizer
Siguro need ng taong sasayaw
"Sakyan nalang natin sila" bulong ni Axel
Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay iyon sa balikat nya.
"Ang baduy! Haha" sabi ko habang sumasabay sa tugtog
"Oo nga eh, wala tayo magagawa haha" sagot nya
Ngayon sabay na kaming sumasayaw sa tugtog. Mula kanina ay sa dibdib lang ni Axel ako nakatingin at hindi ko ito tinitingnan sa mata
Huminga ako ng malalim at akmang lilingon ng mapansing malapit na ang mukha namin sa isa't isa, napaatras ako pero hinawakan na nya ako sa bewang dahilan para lalo akong mapalapit sakanya
OMG.
Itutulak ko na sana sya ng paglingon ko, sobrang lapit na pala ng mukha namin.
"Hi" bulong nito
Nanlaki ang mata ko
"Hi" bulong nya na may sabay na pag diin ng hawak sa bewang ko.
Ang pogiiiiii
Pogi nga ba? Or dahil hilo lang ako? Blurry na ang paningin ko.
Sabay kaming sumayaw sa tugtog, sobrang dikit ang mga katawan, habang nagtatawanan.
Gusto kong tanungin ang pangalan nya, pero wait. Nahihilo na ako
Natulak ko sya nang maalala yung gabing iyon. Yun ung gabing nalasing ako habang kasama si sir Ashton sa bar at may sumayaw saking lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali, ka boses nya ang lalaking iyon. At parang katulad ng mga galawan nung lalaking yun ang pinakita ni Axel ngayon
Naglakad ako pabalik sa upuan at kinuha ang wallet ko. Dumiretsyo ako sa CR at nagkulong sa isang cubicle.
Grabe ang kaba ko, ang kabog ng dibdib ko. Parang takot na takot ako ng maalala ko iyon. Dahil don, naalala ko uli ang pakiramdam ko nung kinabukasan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din napapatunayan kung sino yung lalaking nag sulat sa maliit na salamin sa hotel.
Letter A. Letter A ang initial nya, hindi nga kaya?
Pero pano?
Bakit??
*riiinggg*
Nagulat ako ng mag ring ang phone ko, agad ko itong kinuha sa wallet ko at nakitang si sir Shawn ang tumatawag
Hinahanap na ata ako
"Yes sir?"
"Where are you? I need you here now" sabay baba ng tawag
Agad naman akong nag ayos para makabalik agad sa loob. Nagulat ako nang makita si Axel sa labas ng CR. Napalunok ako ng mariin at tiningnan sya ng masama
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Akala ko kung ano nangyari sayo, kaya sinundan kita. Okay ka lang ba?"
Hindi ko sya pinansin at dirediretsyo akong naglakad pabalik sa loob
Nanlamig ang kamay ko nang maramdaman ang hawak nya
"May problema ka ba?" tanong nya pa
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at hinarap sya
"Hinahanap na ako ni sir Ashton" malamig na sagot ko
Hindi ko na sya nilingon pa, kinakabahan ako ng sobra. Sana hindi sya yun.
"San ka ba galing?" inis na tanong ni sir Ashton nang makarating ako sa inuupuan nila sa harap
"CR lang po" sagot ko
"Mag prepresent ako sa unahan mamaya, i need you to revise my powerpoint" at syang abot ng flash drive
Ang ganda ng suot ko, ng ayos ko. Pero eto mag-aayos pa din pala ako ng powerpoint ng boss ko -___-
Kinuha ko ang flash drive nya at madaling pumunta sa parking, dahil naiwan ko sa sasakyan ang ibang gamit ko, nandun din ang laptop ko
Nang maka limang minuto na akong paikot ikot at hindi pa din makita yung sinakyan namin kanina, bumalik nalang ako sa loob para manghiram ng laptop kay sir Ashton. Pero bago pa ako makarating sa mismong entrance, narinig ko ang boses ni sir Ashton
Nanggagaling ito sa gilid
"What are you talking about??"
Sumilip ako ng konti at nakita ang maliit na babaeng nakayakap kay sir Ashton habang umiiyak. Nanlaki ang mata ko ng yakapin nya ito pabalik
"Please, explain it to me. Wala akong maintindihan" sabi nya pa habang hinahaplos ang likod ng babae
"Help me Ashton, help me" tanging sagot ng babae
Wala itong tigil sa pag-iyak. Aalis na sana ako nang masipa ko ang maliit na bato at tumama ito sa pinto. Gumawa ito ng ingay kaya pinilit kong magtago
"Sino yan?!" sigaw ni sir Ashton
Grabe ang kabog ng dibdib ko
"Paris?"
Wala na, nakita na ako. Ang hirap magtago ng naka dress
"So-sorry sir, hindi ko sinasadyang mapasilip po. Hihiram sana ako ng laptop sir" sagot ko habang nakayuko
Jusko, wag ka sana magalit. Hindi ko naman sinasadya makinig sa usapan nyo. Sa loving loving nyo
Huminga ito ng malalim at inabot sakin ang susi nya
"It's in my car" aniya
Pero bago ko makuha sakanya ang susi, lumapit ang babaeng kausap nya at hinawakan ako sa kamay. Sobrang lambot ng kamay nito at ang ganda nya, ang amo ng mukha nya pero malungkot ang mga mata
"Please, don't tell anyone what you saw" aniya
"A-ahh ano, yes naman po ma'am" sagot ko
Napapatulala ako sa mata nya
"Thank you. By the way, I'm Miho" sagot nya at nagpakita ng isang mapait na ngiti
Miho? Familiar ang pangalan nya
"Paris po, secretary ni sir" pakilala ko
"Go now!" taboy ni sir Ashton
At nagmadali na ako pag-alis. Ngayon ko lang sya nakita pero parang familiar sakin ang pangalan nya
Mga ganung tipo ng babae ang bagay kay sir Ashton, hindi yung babaeng mataray.
Naalala ko uli ang reaksyon nya habang umiiyak si Miss Miho at nakayakap sakanya. Parang sobrang alalang alala sya. Dahil lagi kong nakikitang parang wala syang pakialam sa lahat at sa mga bagay bagay, ngayon ko lang nakita ang itsura nyang nag-aalala.
Sino kaya sya? Mahalaga kaya sya kay sir Ashton?
"Hoy! San ka nanggaling? Kanina ka pa daw hinahanap ni Axel" tanong agad ni Jaq ng makasalubong ko sya
"May pinapagawa sakin si sir Ashton" sagot ko
"Ay oo nga, isa pa yun. Asan ba boss mo? Kanina pa hinahanap ni sir Shawn" aniya
Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon. Hindi na ako puwedeng bumalik pa doon, at lalong hindi pwedeng may makakita sakanila.
Agad kong tinawagan si sir sa number nya, sana sagutin nya. Kung hindi nako, mapipilitan akong puntahan uli sya
Nagulat ako ng patayin nya ang tawag ko
"Binaba nya" sabi ko kay Jaq
"Ayan na sya oh" sabi nito habang nakatingin sa likod ko
Napalingon ako at nakitang papalapit na nga si sir Ashton sa harap
Hala! Yung power point nya!
Agad akong naglakad papalapit sa unahan at nakita si Axel na nakaupo habang nakabukas ang laptop nya
"Tapos na, na edit ko na" aniya
Tiningnan ko pa sya sandali at binalewala na muna ang nangyari kanina. Umupo ako sa tabi nya at itinago ang flash drive sa wallet ko.
"Good evening, everyone! Thank you for coming tonight. I'm here in front of you to show you how well our company is doing this year." panimula ni sir Ashton
Napatitig ako sakanya habang nag prepresent sya
Ang gwapo sana nya kaso may attitude. At ano kaya nya si Miss Miho? Friend kaya nya? Oh kausap nya lang kanina
Nilibot ko ang mata ko sa buong venue, nag babakasakaling makikita si Miss Miho. At hindi ako nabigo, nakita ko sya sa tabi ng isang lalaking medyo chinito. Walang bahid na umiyak ito, pero isa lang ang pinagtataka ko, iba ang kulay ng damit nito kumpara kanina, pero pareho lang ng design.
"Ano nangyari sayo kanina? Okay ka lang ba?" tanong ng katabi ko
Napatingin ako sakanya at napailing
"Wala. Wag mo ko kausapin" sagot ko at inirapan sya
"Sungit" sagot nya
Ayoko kausapin sya ngayon, nawala ang agam agam ko kanina dahil kay Miss Miho. Napalitan iyon ng pagtataka, baka color blind lang ako? O dahil sa ilaw dito sa loob at ilaw sa pwesto nila kanina.
Pero hindi ako pwedeng magkamali, malayo ang kulay nito sa suot nya. Hindi kaya nagpalit sya ng ganun ka-bilis? Mukhang asawa nya ang katabi nya, kung gayung may asawa na sya bakit pa sya yumakap kay sir Ashton?
Kaya nya ba ako sinabihan na wag ko sasabihin kahit kanino yung nakita ko, dahil may asawa na sya?
OMG. Mali yun!
Kabet nya ba si sir Ashton???
------
"Jaq, may itatanong ako"
Kagabi pa kasi ako hindi pinapatulog ng lecheng utak to. Gumagana pagiging chismosa ko
"Ano? Kanina ka pa tanong ng tanong" sagot nito
Napatawa naman si Axel sa sagot ni Jaq, tiningnan ko ito ng masama
"Bakit ka ba nandito? Kasali ka ba sa usapan?" mataray kong tanong kay Axel
"Uy, nananahimik ako dito ah" sagot nya
Inirapan ko ito at bumaling uli kay Jaq, enjoy na enjoy ito pag cecellphone. Hmp. May kachat na naman atang afam
"Pano pag may nalaman kang isang sekreto na hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino, ano gagawin mo?" tanong ko
Napakunot ang noo nito at tumingin sakin ng masama
"Edi mananahimik! Ano ba namang klaseng tanong yan" sagot nito
Napakamot ako sa ulo
"Eh sa hindi mo nga mapigilang sabihin kahit sa isang kaibigan mo lang" sagot ko
Binato nya ako ng unan at tumayo sa harap ko
"Isa lang ibig sabihin non, hindi ka mapagkakatiwalaan"
Natigilan ako sa sinabi nya at niyakap ang unang binato nya sakin.
Ganun ba yun? Kahit gusto ko lang naman malinawan. Pero kung tutuusin, wala naman talaga ako alam sa nangyayari sa buhay nila. So, bakit nga ba ako nag-aalala? Bakit nga ba ako nakikialam?
Humiga ulit ako sa kama at tinitigan ang kisame, naririnig ko ang pag ring ng cellphone ko pero hindi ko ito pinapansin.
Halos ilang segundo na itong nag riring
"Ano ba di mo ba sasagutin yun?" inis na tanong ni Jaq
Tumayo ako at tiningnan sya ng masama. Nilapitan ko ang cellphone ko na naka charge sa lamesa.
"Axel, tumatawag si sir Ashton" sabi ko habang nakatitig sa screen ng phone ko
"Oh? Sagutin mo na" aniya
Binunot ko ito sa pagkakasaksak at dahan dahang sinagot
"What took you so long to answer my call?!"
Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone. Nagising ako sa sigaw nya
"Sorry sir, naka charge po ang phone ko" sagot ko
"Pumunta kayo ni Axel dito sa office, now na" sabi nya at pagkatapos non ay biglang baba ng tawag
"Pinapapunta tayo sa office"
"Ay, ano ba yan. Workaholic" si Jaq, tumayo na ito at kinuha ang mug nya na may laman pang kape, lumamig na ito dahil hindi pa rin nya nauubos
Sabay na silang naglakad palabas ng kwarto ko at mabilis na akong naligo at nag ready. Akala ko ba rest day, bakit may work pa din T___T