Hindi mapakali ang boss ko sa sobrang taranta sa nangyari, kaya pala nya kami pinatawag dahil nagkaron ng problema at nag leak ang ilang confidential info about sa company. Nalaman lang ng IT Team ang nangyari ng mapansing parang may nag download nito.
Napatingin ako kay Axel na tahimik sa gilid habang nakatitig kay sir Ashton, parang pinag mamasdan nya ito kung pano ito gagalaw
Kinulbit ko ito at agad naman syang napalingon sakin
"Bakit ang sama mo makatingin sa boss natin ah" tanong ko
Dumating na ang IT Team, pero hirap pa din silang ma-trace kung saan nang galing at ano yung nakuhang data.
Hindi ako pinansin ni Axel at bigla itong tumayo sa kinauupuan nya
"I can help" aniya
Lahat kami ay napatingin sakanya at inaabangan ang susunod nyang gagawin. Umupo ito sa harap ng desktop at saka sinimulan ang pagtatype. Wala akong naiintindihan kung anong ginagawa nya, pero mukhang namamangha ang mga IT Team dahil sa ginagawa nya.
May mga pinag uusapan din silang hindi ko maintindihan ang term.
"Paris, please call dad. Tell him I need him here" utos nya
Pabalik balik ito sa harap ko at sa harap ng IT Team, wala naman syang naitutulong kung hindi ang ma-tense.
Hindi pa naman sigurado kung ano yung na-download
"Okay sir" sagot ko
Tumayo ako at lumabas ng office nya, tinawagan ko agad si sir Shawn. Kitang kita ko sa kinatatayuan ko ngayon ang mga nagkakagulong katrabaho ko.
Rest day sana ngayon, pero nagkaproblema.
"Sir Shawn? Good afternoon po. Pinapasabi po ni sir Ashton--"
"I know, i'm on my way"
At binaba na nya ang tawag.
Nakakatakot ang tono nya, sa loob ng ilang taong naging secretary nya ako ngayon ko lang narinig ang tono nyang iyon
Unti unti kong binuksan ang pinto at sumilip kung ano na ang nangyayari sa loob
Ganun pa din, nag tatype pa din si Axel at si sir Ashton hindi pa din mapakali
Bumalik ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy ang pagmamasid sa ginagawa nila ng biglang ...
"Done" sabi ni Axel
Mabilis na lumapit si sir Ashton kay Axel at tiningnan ang desktop.
"Okay na" nakangiting sabi ni sir Ashton
"Thank you Axel!" Aniya at kinamayan nya ito
Nagtataka naman ang mga IT Team kung papaano nya nagawa iyon
Napatingin ako kay Axel na pabalik na sa table nya nang bigla kong makita ang smirk nya
Iba ang itsura nyang iyon, para syang ibang tao kapag ngumingiti ng ganon. Yung ngiti ng mga kontrabida sa palabas, ganun ang ngiti nya pagkatalikod ni sir Ashton
Parang hindi talaga maganda kutob ko. May binabalak nga kaya sya?
Di kaya sya yung may kagagawan kaya sya rin ang nakapag ayos??
OMG!
Baka sya yung kontrabida sa buhay ni sir Ashton, baka sya talaga yung may masamang balak. Bigla bigla nalang syang sumulpot dito tapos akala mo'y ka-close na lahat agad, marahil nga! Dahil ganun talaga pag may binabalak, kukuhain ang loob mo sa una, at sa lahat ng mga malalapit sayo para mas madali kang maloko. May binabalak nga sya, panigurado ako. Ito siguro yung nararamdaman ko sakanya noon pa
Napatingin ito sakin at biglang umamo ang mukha
"Balik na tayo sa hotel?" Aniya
Tiningnan ko lang ito at iniwasan, dumiretsyo ako kay sir Ashton at umupo sa gilid nya
"Mauna kana, mamaya pa ako" sagot ko
Nag nod ito at umalis na ng office, dumiretsyo na ata ng hotel
"Bakit hindi ka pa bumalik, di ka pa sumabay kay Axel?" Tanong ni sir Ashton nang makaalis si Axel
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang palad ko
"Gusto mo pa ko makasama no?" panunukso nito
Kelan pa to natutong manukso?
Napataas ang kilay ko at tumawa ito ng mahina.
"Hindi sir no! Ano kasi, sa totoo lang matagal na akong may kutob. Wala pa naman pong matibay na patunay pero itong kutob ko pong ito ay noong una ko palang na makilala ko si Axel" paliwanag ko
Matagal na akong binabagabag nang kutob na ito, dapat na ito malaman ni sir Ashton.
"About saan?"
Mukhang interesado na sya sa sasabihin ko. Sana maniwala. Hindi lang naman sya ang pinoprotektahan ko, pati na din ang company nila ni sir Shawn
"Kung pwede lang po, wag po kayo pakatiwala kay Axel. Bago palang po sya, at hindi pa po natin sya kilala" dagdag ko pa
Napatawa sya.
Napataas naman ang kilay ko. Anong nakakatawa?
"What do you mean? I'm not afraid of anyone" sagot nito
Napairap ako sa kawalan. Nag aksaya pa ako ng laway, hindi rin naman maniniwala
"Eh sir, gusto ko lang naman po protektahan ang company. Baka po may balak sya na masama diba?"
Maniwala ka kasi! Wala naman mawawala kung hindi ka basta bastang magtitiwala sa iba diba? Lalo't di pa kilala
"Balak na masama? Saan? Sakin or sa company?" tanong nya, this time nakaharap na sya sakin at naka salo ang palad sa baba
"Sa company or sayo sir, parehong delikado" sagot ko
Ngumisi ito
"Go on. Try me, as if anyone can bring me down" at tumayo ito papunta sa mini pantry nya sa gilid at kumuha ng isang baso ng wine
"Never mind sir, basta sinabihan ko po kayo ah" sagot ko at saka dumiretsyo sa pintuan ng office nya
"Thank you" aniya bago pa man ako makalabas ng tuluyan
Nilingon ko ito at tatanungin ko pa sana kung bakit pero biglang dumating si sir Shawn. Galit na galit ito kaya lumabas na ako ng tuluyan
Bukod sa ngayon ko lang nakitang galit si sir Shawn, ngayon ko lang din sya narinig mag thank you
Kitang kita ko mula sa table ko na katapat ang pinto ni sir Ashton na may glass window sa gilid, na sinampal sya ni sir Shawn dahilan para mapahawak sya sa pisngi. Ito ang first time kong makitang magalit si sir Shawn
As in first time! Nakakatakot.
Umiwas ako ng tingin at inayos na ang mga gamit, need ko na umuwi. Nakakatakot, at ayokong masaksihan kung ano pa ang kayang gawin ni sir Shawn
Ano kayang malalang nagawa ni sir Ashton para sampalin sya ni sir Shawn?
Mukhang iyon ang dahilan ng pagbabago nya, bumait na sya sa empleyado at naging masipag dahil galit na sakanya si sir Shawn. Hindi pa ako nakakaganti, bigla na syang bumait. Hmp.
Agad ko nang pinatay ang laptop ko at dumiretsyo na pabalik ng hotel. Naayos naman ang problema pero mukhang hindi nawala ang galit ni sir Shawn.
~
Ang ganda ng panahon, hindi maaraw hindi din umuulan. Sana sa pinas ganito nalang parati ang weather.
Naglalakad ako pabalik ng hotel habang nakatingala sa langit pati narin sa mga nagtataasang building na nadadaanan ko
Saglit pa akong bumili ng coffee sa isang coffee stall na madadaanan lang. Ang babait ng tao dito, palaging nakangiti pero karamihan pa din sakanila ang sobrang busy at may kanya kanyang errands. Kung hindi nagmamadali, may kausap sa phone habang naglalakad
Ininom ko ang huling higop sa kape ko at saka ito tinapon sa basurahang nadaanan ko, nang biglang may umagaw ng cellphone ko at itinakbo iyon
"MAGNANAKAW!!" sigaw ko habang nakaturo sa lalaking umagaw ng cellphone ko
Shems, nasa ibang bansa nga pala ako, kaya pala nakatingin lang sila sakin
Tumakbo ako at hinabol ang magnanakaw.
"Hey! Stop! That's my phone!"
"HEY!! YOU THIEF!!"
"HELPPPP!!"
Sigaw ko habang hinahabol pa din ang magnanakaw pero walang tumutulong sakin, ni walang pumapansin
Naiiyak na ako sa pagod, malapit na akong sumuko sa paghabol nang biglang may nauna saking tumakbo at hinabol din ang magnanakaw
Napatigil ako sa pagtakbo nang makitang naabutan nya ito at sinuntok dahilan para mapa-upo ito
Napaiyak ako sa takot at pagod
"Be careful next time" aniya habang inaabot ang cellphone ko
Hindi ko sya tinitingnan dahil grabe ang pag iyak ko
"Thank you! Thank you" tanging nasagot ko
"Wag ka na umiyak, para kang bata dyan"
Napatingala ako at tumambad sakin ang mukha ni Axel
"Axel?!" gulat kong sabi
Napangiti ito at ginalaw uli ang kamay na hawak pa din ang phone ko
"Oh, nangangalay na ako"
Kinuha ko ang cellphone ko at sa hindi ko namamalayan napayakap ako sa kanya habang umiiyak pa din
"Salamat Axel, salamat. Grabe takot na takot ako" sabi ko
Hinaplos nya ng marahan ang likod ko
"Tahan na" aniya
~
Binigyan nya ako ng tubig, inabot ko iyon at napatingin kay Jaq
"Ang tanga mo naman, pati dito mananakawan ka pa?" inis na sabi ni Jaq
Napanguso ako at naiiyak na naman nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ko naman ginusto yung nangyari eh, kahit sino hindi gugustuhing mangyari yun! At kaya nga nakampante ako na walang magnanakaw kasi nasa ibang bansa naman kami.
At isa pa, ginagamit ko ito sa maps.
"Bakit ba pinagagalitan mo pa ako?" naiiyak na namang sagot ko
"Tumigil ka na, mag iingat nalang next time. Buti nalang nandito si Axel, pano ka nga pala napunta sa kung nasan si Paris?" tanong ni Jaq
Sabay kaming napalingon kay Axel, iniintay ang sagot nya.
Paano nga pala? Eh nauna na sya saking umalis
"Ah, ano kasi may dinaanan pa ako. Sakto nakita ko sya kaya sinundan ko nalang baka maligaw pa ako. Tapos ayun, nakita ko nanakawan sya. Akala ko hindi na nya hahabulin nung una. Eh tumakbo din kaya tumakbo na din ako, nakakaawa eh" sagot nya
Napanguso na naman ako at tiningnan sya ng may ngiti sa mata
"Thank you uliiiiit" sabi ko
Parang kanina lang pinag dududahan ko sya, mukhang napasama at napasobra ako don. Mali ang mang husga ng kapwa.
Pero wag ka pa ding sobrang tiwala syempre!
Niyakap ko ang phone ko at hinalik halikan ito, nagtawanan naman ang mga mokong
"Sus, makakabili ka pa naman ng bago mahalaga buhay ka" sabi ni Jaq habang pinagtatawanan ako sa ginagawa ko
"Palibhasa mayaman ka" sagot ko
Pinag hirapan ko ang cellphone na to, matagal akong nagtiyaga sa may keypad na phone kahit boom na boom na ang f*******: noon, wala pa din at hindi pa din makagawa dahil ang cellphone ko lang ay pang text at tawag. Wala din naman akong time mag rent sa computer shop dahil mula ng mawala si papa, puro trabaho na ang pinagkaabalahan ko
"Madali lang naman pag ipunan yan sa sahod mo ngayon" sagot pa nya
"Wala na sa plano ko bumili uli ng panibago hangga't hindi ito nasisira" sagot ko
"May teambuilding daw, pagbalik natin ng Pilipinas" si Axel
Napalingon kami ng sabay ng marinig iyon.
"Saan mo nakita?"
"Sino may sabi?"
"Pano mo nalaman?"
Nae-excite naming mga tanong ni Jaq kay Axel. Pinakita ni Axel ang phone nya na naka open ang email
"You are invited to our Teambuilding night away at Valley Resort. We're packing up and leaving the office at 5:30 PM on the 10th August for a fun and adventurous teambuilding evening."
"AHHHHH!!! TEAMBUILDING AGAIIINNNN!!!" sigaw namin ni Jaq habang tumatalon talon sa kama
Napatakip si Axel ng tenga at napapatawa habang nakatingin samin
"Bakit? Masaya ba yun?" tanong nito
"Oo! Yun ang pinaka masaya bukod sa christmas party no" sagot ko
"Bukod din sa mga ganitong business trip sa ibang bansa" dagdag ni Jaq
Ah! Oo nakalimutan ko yon, nasa ibang bansa pa nga pala kami. At lahat ng gastos ay sagot ng company. Bukod lang syempre sa allowance
"Sigurado kayo masaya talaga? Hindi kasi sana ako sasama" sagot nya
Napahinto kami ni Jaq at napaupo nang marinig ang sinabi nya
"Hindi ka sasama? Bakit? Isa sa masasayang pa event nga yun ng company" sagot ko
"Sayang yun!" dagdag naman ni Jaq
Napatango tango ako na parang hinihikayat na sumama si Axel
"Pag iisipan ko pa" sagot nito
Ang weird naman nya! Kung kelan masaya ang pupuntahan, wala syang gana. Mas gusto nya puro trabaho
____
"Paris, dalhin mo laptop ko sa teambuilding. For emergency" sabi ni sir Ashton
"Okay po sir" nakangiti kong sagot at naglakad na papunta sa table nya para iligpit ang laptop at dalhin ito sa sasakyan
"Are you happy?" tanong ni sir Ashton
Napalingon ako sakanya at napataas ang dalawang kilay. Bakit parang boyfriend ko sya sa tono nyang iyon???
At teka, bakit ba ganito boss ko ngayon? Nung mga nakaraang araw nakakapanibago talaga sya, bukod sa ang bait bait nya kahit kanino ganito pa mga salitain nya. Hindi naman sya ganito magsalita dati
"Opo" sagot ko na may pag aalinlangan
Baka mamaya mag pick up lines sya dyan eh, mainlove na naman ako. Chariz!
"Good. Enjoy!" Aniya
"Hindi kayo sasama sir?" Tanong ko
"I don't know. Maybe dumaan lang ako saglit. We'll see" sagot nya at lumabas na ng office nya
Nagpatuloy ako sa pag aayos ng laptop ng makita ang cellphone nya sa gilid ng laptop nya. Umilaw ito dahil sa may nag message
Nanlaki ang mata ko ng makita ang screensaver nya sa phone nya
Si Miss Miho iyon!
May asawa na yung tao, hindi ba?! Bakit nasa phone pa nya ang picture!
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text nito na sunod sunod
"See you later"
"What do you want to eat later?"
"I will cook for you"
Ang landi! May asawa ka na diba?! Bakit mo nilalandi pa din ang boss ko?!
Hinawakan ko ang phone ni sir Ashton at akma nang mag tatype ako nang bigla akong makita ni sir Ashton
"Paris? What are you doing?"
Muntik ko nang mabagsak ang phone nito sa taranta
"Ma-may tumawag kasi po" kabado kong sagot
"Who?" Tanong nito
"Hindi ko po kilala" sagot ko
Agad naman nyang kinuha ang cellphone nya at tiningnan iyon
Nagpatuloy naman ako sa pagliligpit ng gamit nya. Mayayari na naman ako kapag nalaman nyang wala naman tumawag at binasa ko pa ang text ni Miss Miho sakanya.
Napatigil ako nang magsalita sya
"She's my first love, and i think i still love her" aniya
Napatingin ako sakanya at nakita ang matamis nyang ngiti, umiwas ako at yumuko
Ang swerte ng babaeng yun.
Ay! Ano bang naiisip ko. Anong swerte? Eh tamad na-- nagbago na sya
Kaya pala nagbago na sya! Dahil in love sya!
In love na pala sya, at sa first love nya pa. Kaso may asawa na
Napatingin ako uli sakanya at tama ako, in love nga lang ang makakapag bago nang ugali ng isang tao. Yung in love na nag uumpisa palang, yung stage na wala ka pang pakialam kung anong ugali o nakaraan ang meron sya, basta gusto mo sya
Yung stage na gusto mo lagi syang kasama, gusto mo lagi syang nakikita
At ngayon naiintindihan ko na, kaya sya nag bago bigla
In-love sya, at nandun sya sa stage na simula palang ang lahat kaya hindi nya siguro narerealize ang mali na ginagawa nila
Huminga ako ng malalim at napayuko
Ang swerte naman niya