Halos gabi gabi ng nandito si Adiel, nung una sabi nya sinasamahan nya ako. Pero nalaman ko ding wala din pala syang kasama lagi sakanila kaya madalas sya tumambay sa mga convenience store gaya nito bago matulog.
"Nag papaantok lang ako, pero maya maya babalik na ko samin" aniya
Naka close ko na sya agad sa madaling panahon. Hindi sya mahirap pakisamahan, sobrang bait nya at mapag bigay pa. Sa susunod na umalis ako, sasamahan nya daw akong maghanap ng malilipatan.
Gabi gabi din kaming nag kwekwentuhan ng kanikaniyang kwento at problema sa buhay
"Gusto mo?" Tanong nya habang inaabot ang tinapay na binili nya din dito
"Sige, busog na ako. Baka makita pati tayo sa CCTV" sagot ko
"Takot na takot ka dyan, eh hindi naman yan binabantayan. Maniwala ka sakin" sagot nya at pinagpatuloy ang pagkain
Naglampaso uli ako habang nagkwekwento sya ng mga nangyari sa school nila. Sana nararanasan ko din ang mag-aral, pero eto ako nagtatrabaho para mabuhay
"Tapos may umamin sakin, kaklase ko crush nya daw ako" kwento nya pa
Napatigil ako ng makita ang boss ko na masama ang tingin sakin. Naglakad ito palapit sakin at inagaw ang pang lampaso
"Bakit nandito ka na naman?" Aniya
Napataas ang kilay ko dahil sa tanong nya
"Po?" Tanging nasagot ko
"Bakit masama ba?" Sagot ni Adiel
Napalingon ako sakanya at pinandilatan ito ng mata na parang binabalaan syang wag sumagot dahil boss ko itong kaharap ko ngayon, baka di pa kilala ni Adiel
Lumapit sya samin at hinila ako, pumwesto sya sa harap ko at nagsalita
"Ayaw mo ba kong nandito, Daddy??"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tinawag nya sa boss ko.
Tatay nya ang may-ari?? Kaya ba palagi syang walang kasama dahil may kanikaniyang business ang magulang nya?? Kaya ba hindi sya natatakot na tumambay at kumuha ng mga pagkain ng basta???
~
"Ibato mo na dito Paris!"
"Sakin na! Mas malapit ako!"
"Mas mabilis ako!"
Sigaw ng mga ka-team mates ko, hindi ko na maintindihan kung sino sakanila ang susundin. Ang tagal ko ng hawak ang bola, at binibilangan na din ako
Kaya sa sobrang taranta ko, naibato ko ito ng malakas kay Jaq at sa sobrang lakas lumampas ito sa line kaya tinawag na fault
"Outside!" sigaw ng referee
"Bakit ang lakas naman ng bato mo?" tanong ni Jaq habang nakatakip ang palad sa mukha nya dahil sa init
"Kayo kasi, nakakataranta tuloy!" sagot ko
Napatawa ito at ibinaling na uli ang atensyon sa laro
Pagod na ako at panigurado sunog na rin ang balat ko, gusto ko na umupo sa tabi at uminom ng malamig na tubig
"Paris! Ilag!"
At bago pa man ako tuluyang makailag, tinamaan na ako ng bola. At sa ulo pa
Lahat sila nagtawanan ng mapaupo ako sa lakas ng tama ng bola sa may noo ko
"Out ka na girl" natatawa tawa pa ding sabi ni Jaq
Napahawak ako sa noo ko at naglakad na papunta sa bench. Umupo ako at uminom ng tubig
"Aahhh, ang sarap" bulong ko
Napabaling ang tingin ko sa may bandang kanan nang may mapansing nakatingin sakin habang umiinom ako ng tubig
"Oh? Out ka na din?" Tanong ko kay Axel
Napakamot sya sa batok at tumango
"Oo, kasunod mo lang" sagot nito
"Ay weak ka pala" sagot ko
Napangiti ito
"Di ka sure" aniya
Napataas ang kilay ko sa narinig. Di ako sure?? Saan? Sa weak sya?? Hmp. Biro lang naman yon!
Naglakad na sya papasok ng CR, mag shoshower siguro
Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at dumiretsyo sa CR na pambabae. Mag lilinis na rin ako ng katawan, tapos na rin naman ang unang araw ng teambuilding
Bukas madami pa daw ang lalaruin, pero mukhang hindi ko na kakayanin dahil sa pagod ko ngayon
*ringgggg*
Napalingon ako sa kung saan nakasabit ang bag ko at doon kinuha ang cellphone ko, basang basa na ako pero di ko na inisip yun dahil baka boss ko tumatawag sakin, mayayari na naman ako pag di ko agad nasagot ito
Kumalma naman ako ng makita kung sino ang tumatawag
"Oh hello Jaq? Bakit?"
"Nasan ka? Hinahanap ka ng boss mo"
"Ahh sige wait lang, nag shoshower lang ako"
Hinahanap? Kanina wala sya dito ah? Kakarating nya lang ako agad hanap?
May ipapagawa na naman kaya sya? Nag eenjoy pa ko ng walang bwesit sa buhay eh
Pero sabagay, nagbago na sya. Sana all in-love diba?
Madali ko ng tinapos ang paliligo ko at pinuntahan ang lugar kung nasan ang boss ko
Nakita ko ito sa lilim na puno habang tinitingnan ang paligid
"Sir? Hinahanap nyo daw po ako?" Tanong ko
Kakaligo ko lang pero pinawisan na naman ako dahil sa init
"Yes, please sit here" sagot nya habang tinuturo yung bakante sa gilid nya
Napatingin ako sakanya na parang 'sure ka ba tabi tayo?' look
"What?? Sit down!" Inis na sabi nya pa
Mabilis pa sa alas-kwatro akong umupo sa tabi nya. Mukhang mainit ang ulo nya
"Kwentuhan lang ba tayo sir? Walang trabaho ah" natatawa tawa kong sabi
"I just wanna ask something" sagot nya, mukhang seryoso sya kaya nag clear throat ako
Di ko ata sya mabibiro this time
"Ano po yun" sagot ko
"Ano kadalasan ang rason pag bigla biglang nagagalit ang babae?" Nakakunot noo nyang tanong
Yun lang pala ang tanong nya?! About sa jowa nya??? Jusko, ako pa talaga tinanong nya. Pinipigilan kong matawa dahil sobrang seryoso talaga ng itsura nya, parang mas malaki pa ang problemang iyon kesa sa problema sa company
"Hindi ko alam sir eh, lahat naman may rason" sagot ko
"I didn't do anything! I just kissed her in her cheeks then ayun nagalit na sya" inis na sagot nito
Nanlaki ang mata ko ng bigla itong maglabas ng inis, totoo ba to?? Pinag uusapan namin ngayon ang personal life nya??? Na noon ay hindi man lang namin ginagawa dahil na rin sa ugali nya -_-
"Relax lang kayo sir, baka ayaw nya lang po magpa kiss that time" sagot ko at pilit na pinapakalma sya
Bakit kasi ako pa naisipan nyang kwentuhan?? Eh NBSB ako, hello. Wala ako experience sa mga ganyang bagay bagay
"What the hell? What kind of reason is that" sagot nya
Aba malay ko! Bakit ako kinakausap mo instead yung jowa mo, magsama kayo!
Char
"Di ko alam sir, sya dapat tinanong mo" sagot ko
"She left." Plain na sagot nito
Napalingon ako sakanya at iniintay ang sunod na sasabihin, left like break??
"After that, she left. So i went here."
Ah kaya pala sya napadpad dito, LQ pala sila. Akala ko break na
"Anyway, go eat your lunch na. I will go back to my room" paalam nito at naglakad na palayo
Tingnan mo, yun lang pala talaga ang itatanong nya? Tapos ayaw na uli nya makipag usap? Aba! Kakaiba talaga tama ng pag-ibig.
Naglakad na din ako papunta sa dining area, tutal sinayang lang din naman ng boss ko ang ilang minuto ng buhay ko, nagutom pa ako
Bago pa ako makalapit sa lamesa, agad na akong inabutan ni Jaq ng pinggan at hinila sa gilid
"Ano pinag usapan nyo ng boss mo? Nag confess na ba sya sayo?" tanong ni Jaq
Napakunot ang noo ko at sandali syang tiningnan. Sunod noon ay napatawa na ako dahil sa itsura nyang chismosang chismosa!
"Nakakapanibago ka" tanging nasagot ko lang
"Bakit? Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko" sagot nya
"Ang layo din sa katotohanan nyang sinasabi mo no" sagot ko
Hinampas nya ako ng mahina
"Ano nga??? Hindi ba??"
"Syempre hindi no, saka hindi ko na sya gusto" sagot ko
"Asuusss" pangungulit nya pa
"Sige na, kumain ka na" at binitawan na nya ako sa braso
Agad naman akong pumili ng mga pagkaing gusto ko. Sobrang daming masasarap! Ang sarap naman ng ganitong teambuilding
"You can rest muna after this, and we will have a bonfire tonight, 7 pm." announce ng teambuilding facilitator
Na-excite naman ako sa narinig ko, ang sarap pa naman matulog pagkatapos kumain
"Intayin na kita matapos, saka ako matutulog" bulong ni Jaq
Umupo ito sa tabi ko at nag cellphone
"Kamusta na pala kayo ng jowa mo?" tanong ko
Nagkibit balikat ito at hindi ako pinansin, nagpatuloy lang sya sa pag cecellphone
"Hoy! Tinatanong kita ehhh" inis na sabi ko pa bago ko isubo ang panibagong kanin
"Okay lang ano ba, ano bang gusto mo marinig?" sagot nya at umirap pa
"Aba ang taray mo ah, LQ din ba kayo?" tanong ko
Napatingin ito ng may pagtataka
"LQ din?? Bakit sino yung ibang LQ?"
Oh diba nabuhayan ang chismosa mode nya, napatawa ako
"Wala, pag chismis buhay na buhay ka" sagot ko
"Sino nga? Bwesit na to, may alam ka eh!" sagot nya pa
"Diba sabi mo pag may nalaman kang hindi pwedeng malaman ng iba, wag mo sasabihin kahit na kanino kahit sa isa, dahil hindi na ako katiwa-tiwala kapag ganon"
"Omyy, nung araw na yun may nalaman ka no? Ano ba yaaan, bakit di mo agad sakin sinabi?!" naiinis nyang sagot
"Wag kang maingay, baka may makarinig" sagot ko habang lumilingon lingon sa paligid
"Sasabihin mo na sakin?" nakangiting tanong ni Jaq
"Hindi no. Katiwa-tiwala kaya ako" sagot ko
Bigla itong umirap at lumayo ng pagkaka upo. Natawa naman ako sa inasta nya
"Bilisan mo na! Iiwan kita dyan eh"
At lalo pa akong natawa
~
Isang sulyap uli sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto
"Ang ganda ko" nakangiting bulong ko sa sarili ko
Naka messy bun ako at cute na pajama, ito yung sinuot ko ng makainom ko si sir Ashton sa hotel, na ginawa kong kahihiyan ang buhay nya
Ngumiti ako kay Jaq habang malayo palang, naka plain white shirt ito at beach shorts. Ganun din naman si Axel. Red polo at beach shorts
"Ano yang suot mo? Pajama party?" nakakunot noong tanong agad ni Jaq pag kalapit na pagkalapit ko sakanila
"Bakit? Cute naman ah!" sagot ko
"Beh, nasa beach tayo beh. Wala sa pajama party beh" nang-aasar pang sagot nya
"Okay na yan, malamig dun. Tama lang yang suot mo" singit ni Axel
Napangiti ako sakanya
"Ay nakikisali?" mataray na sagot ni Jaq sakanya
Sabay kaming napatawa ni Axel at dumiretsyo na sa beach, bago pa kami makarating ng tuluyan kung saan gaganapin ang bonfire, nasulyapan ko pa ang boss ko sa malayo
Nakatayo ito at nasa loob ng bulsa ang dalawang kamay, nagtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas ng tingin
Baka bigla akong tawagin at tanungin na naman ng kung ano ano
"Dito ka na umupo Paris" napayuko ako at nakita ang malaking kahoy na nagsilbing upuan namin habang nakapaikot sa malaking apoy
Buong staff ng company ay nandito at nag eenjoy ngayong gabi, tawanan, kulitan na hindi namin minsan nararanasan sa office dahil sa dami ng trabaho. Sana lahat ng company, may ganitong pa-event para sa mga hardworking employee nila
"So, good evening guys. Tonight we're going to have a confession. About what are you looking forward to in our job, and in this year." panimula ng facilitator
"Pwede tagalog?" tanong ng isa naming katrabaho
Nagtawanan naman ang lahat
"Oo naman, sorry english lang ang introduction pero tagalog tayo dito"
Napakamot ng ulo ang katrabaho kong nagtanong saka uli tumawa
"Alam mo naman, mahina tayo sa english eh" sagot pa nito
Kung hindi ako nagkakamali, sya si Mark. Ang isa sa IT support namin, kilala sya sa buong company namin na mabait, masayahin at lahat ay nakakasundo kahit kakakilala palang
Nagsimula ng umikot ang bote. Kapag ikaw na ang magsasalita, ikaw ang hahawak ng bote
Si Jaq ang sunod na magsasalita, inabot ng assistant nya ang bote sakanya
"Hala, bakit ako agad?"
Huminga ito ng malalim bago magsalita
"What i'm looking forward to in this job, is promotion!! Hahahah" at sabay sabay kaming nagtawanan, nagpalingon lingon pa kami, nagbabakasakaling makita ang boss namin pero wala sya
"De, ano talaga i'm looking forward to sa mga taong darating na kayo kayo pa din ang kasama namin sa company na to. Hindi kasi magandang papalit palit ng mga empleyado ang isang company. Doon nagsisimula ang pagkasira nito. So sobrang thankful ako kasi halos lahat tayo dito, magkakasundo na sa tagal na din nating magkakasama. So ayun, looking forward to more years to come! And more blessings to this company! Cheers!"
At sabay sabay naming itinaas ang mga baso naming may lamang wine.
"Cheers!" sigaw namin
"And what i'm looking forward to this year, is i'm hoping that my family will accept the true me" nakangiti ito pero kitang kita ko ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mata
Hanggang ngayon ay hindi pa din nya magawang sabihin ang totoo sa pamilya nya dahil natatakot sya, lalo na sa kapatid nito. Lagi nyang sinasabi sakin na baka masira nya lang ang image ng kapatid nya kapag nalaman ng marami na hindi sya straight
Lagi ko namang sinasabi sakanya na hindi nya malalaman ang sagot, kung hindi nya susubukan. Pero wala pa din daw syang lakas ng loob ipagtapat sakanila lalong lalo na sa kapatid nya
"CHEERS!!" mas malakas na sigawan namin
Pumalakpak kaming lahat after ni Jaq, then sya naman ang mag aabot sa taong gusto nyang sumunod mag salita sakanya
Nagulat ako nang iabot nya ito kay Axel. Why gurl?? Why not me???
Kahit si Axel nagulat din, pero nag clear throat sya at nagsimula na ring magsalita
"Ayun sa trabaho, sana mag tagal pa ako. I'm enjoying this work naman. So i wish na magtagal pa ko lalo at umabot ng taon, sana lang ito na talaga ang work ko hanggang sa tumanda ako" napatawa sya bigla
No one is allowed to ask a question regarding sa mga nilo-look forward ng isa't isa. So kahit ako confuse sa sinasabi nya, hindi ko magawang magtanong
"Then sa taon naman na to, sana magawa ko lahat ng plano ko. Sana lahat magawa ko ng naaayon sa gusto ko. Yun lang" nakangiti nyang sabi
"And cheers!" Pahabol nya pa at tinaas ang baso ng wine
"Cheers!" Sagot naman namin
Lumingon sya sa kung saan banda ako nakaupo at inabot ang bote sakin. Parang kumikinang ang bote ng hawakan ko ito
Ano ba kasi sasabihin ko? Hindi pala ako nakapag ready ng script
"Uhm, ano ... I'm looking forward to in this job, is yung sana matanggap na ako ni sir Ashton as her secretary kahit miss na miss ko na si sir Shawn haha" saglit akong tumigil at napatingin sa mga mukha ng mga katrabaho ko
"Gaya ng sinabi ni Jaq, sana kayong mga kaharap ko ay sya pa ding mga makakasama ko hanggang sa dulo. Walang susuko guys, alam ko lahat ng trabaho mahirap. Pero laban lang for ourselves and family!" Nakangiti kong sabi
Itinaas ko ang baso ng wine ko at bago pa man ako makasalita, nauna na silang magsalita sakin
"Cheers!"
"And for this year naman, more blessings and happiness to me. I've been through a lot for the past years of my life, so sana this year, maging sobrang saya ko na"
"CHEERS!"
At hanggang sa lumalim na ang gabi at natapos na ang confessions naming iyon, nagsimula ng magpatugtog ng malakas ang mga facilitator. Nag labas na rin sila ng maraming alak, at iba't ibang games sa bawat cottage
Isa sa games ay ang beer pong, unang try ko palang beer agad ang na shoot ko kaya ayun, bottoms up!
Next is yung truth or dare, pero ang dare ay iinom ng tequila at wala ng iba. Ang yaman nila sa alak no?
"DARE!!" sigaw nila ng tumigil ang pag ikot ng bote sa tapat ng shot glass
Jusko, malalasing ako nito. So, ayun shot ule
Ang sakit sa ulo dahil halo halo na ang iniinom ko
Next cottage ay may dart board. Ewan ko basta ko nalang binato ang dart pin at bigla sila nagsigawan, yun pala naka bullseye ako!
"Ang lupet mo malasing!" Natatawa tawang sabi ni Jaq
Inabot sakin ng facilitator ang reward ko. At alam nyo kung ano??
Alak na naman!
"Jusko, puro alak na nga palaro, alak pa din premyo??"
"Buksan mo na!" Sigawan ng mga kasama ko
Inalis ko ang takip nito at uminom, nakalahati ko ata ito at di na namalayang nakarami ako. Masuka suka ko itong inabot sa kung sino ang malapit sakin
Tawanan naman sila ng matumba ako sa kalasingan, para akong nananaginip. Sobrang bagal ng galaw ng mga tao sa paligid ko
May humawak sa braso ko para itayo ako at iupo sa gilid
"Kaya mo pa?" Tanong nito
Blurry na ang paningin ko pero nagawa ko pading ngumiti
"Oo naman!" Sigaw ko
Nakita ko ang ngisi ng lalaking kausap ko, familiar sya. Parang familiar ang pakiramdam na to, pati ang taong kausap ko, pero binalewala ko ito
Itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway kasabay ng tugtog
"Whoooo" sigaw ko pa
Lahat sila nakatingin sakin habang nagsasayaw sayaw ako mag isa, para na ata akong sira ulo pero wala akong pake. Malakas ang tama ng alak sakin kaya feel ko magsayaw
Nag twerk twerk pa ako at naghiyawan ang mga tao sa paligid
"Tara na gurl, lasing kana!" Eto kilala ko sya, si Jaq tong humihila sakin
"Wait lang!" Sigaw ko at inagaw ko sakanya ang kamay ko
Tumakbo uli ako sa gitna at sumayaw ng sumayaw hanggang sa mahilo ako at mapaupo
"Itayo mo nga Axel" utos ni Jaq
Axel?? So si Axel yung kaninang kausap ko? Bakit parang ibang tao yung nakikita ko. Parang hindi ko kilala
Muli itong lumapit sakin at hinawakan ako sa braso, napakunot ang noo ko at itinulak sya
"No! No!" Sigaw ko
Familiar sya! At yung nararamdaman ko ngayon, familiar din. Bakit ganun?? Parang naiinis ako sakanya
"Let's go to your room na, lasing kana" bulong pa nito
Hinawakan ko ito sa tig kabilang tenga nya at inilapit ang mukha ko sa mukha nya
"Paris!" Sigawan nila pero wala na akong pake
"You look familiar!" Sabi ko kay Axel na may diin
"Don't mess with me" dagdag ko pa habang magkadikit pa din ang ilong namin
Oo, ganun kami kalapit sa isa't isa pero wala akong paki
Hanggang sa makaramdam ako na parang kumukulo ang tyan at naglalaway ang labi ko
Shems, nasusuk--
"Whaaaaa"
"Ewwww"
"Paris!!!"
Napahawak ako sa bibig ko at nakitang punong puno ng suka ang mukha ni Axel, napahagikhik pa ako
Nakasimangot ito at ngayon ko lang nakita ang reaksyon nyang iyon. Padabog nyang inalis ang suka ko sa mukha nya at nag walk-out
Nagalit sya??
"Ano ginawa mo Paris! Kadiri ka, kawawa naman si Axel" sabi ni Jaq habang tinutulungan akong tumayo
Di ako makasalita dahil punong puno ang bibig ko ng suka, inalalayan ako ni Jaq papunta sa shower area at dun ko isinuka lahat
Pinasiritan ako ni Jaq ng tubig gamit ang hose habang tumatawa tawa ito
"Grabe pinag gagagawa mo, gaga ka" aniya
Nakatulala lang ako habang kinukuskos ang katawan dahil naligo ako sa sarili kong suka
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang utay utay nag sisink in sa utak ko mga pinag gagawa ko kanina
Para akong kakagising lang na pilit inaalala yung mga napanaginipan ko
"Nalasing ata ako" bulong ko dahilan para mapatawa si Jaq ng malakas