CHAPTER 1
THIRD PERSON POV
"Hoy! Huwag kang lalapit! AHHHH! Kabayo! May kabayo!"
Sigaw ni Syviel Manakit, halos magkalas ang boses sa kakasigaw habang nagtatakbo sa gitna ng malawak na rancho. Pawis na pawis siya, ang buhok niya dikit na sa mukha, at halos mamatay sa kaba nang habulin siya ng isang nagwawalang kabayong kulay itim.
"Ayy! Diyos ko, hindi ko alam anong nagawa ko sa kabayong ‘to! Hindi ako karot!"
Habang tumatakbo, napapamura siya sa takot. "Ayoko na! Ayoko na sa probinsya! Bakit ba ako naligaw dito!"
Sumablay ang paa niya sa isang bato pak! Nadulas siya at gumulong sa damuhan. Sa sobrang gulat, paglingon niya, ay biglang bumangga siya sa isang matipunong lalaki matangkad, naka-itim na long sleeve, may tungkod sa kamay, at may suot na itim na shades.
BOG!
Sabay silang natumba. At bago pa siya makasigaw ng “aray!”, naglapat ang kanilang mga labi.
Mwah!
Pareho silang napahinto. Tahimik. Parang huminto ang oras.
Si kabayong itim? Aba, biglang tumigil din!
Ang dating naghahabol na kabayo ay biglang naging maamong kuting nang makita ang lalaking bumagsak.
Syviel, lutang.
Ferson, tahimik.
At pagkatapos ng tatlong segundong katahimikan...
"A-ano ‘to?! Ba’t may labi sa labi ko?!" singhal ni Syviel habang mabilis na itinulak ang lalaki. "Pasensya na po! Hindi po sinasadya! Promise, wala akong intensyong mang-agaw ng halik!"
Tahimik lang ang lalaki, pero maririnig mo ang lalim ng boses niya nang magsalita.
"Ang ingay mo."
"H-ha?"
"Ang ingay mo, miss. At... sino ka? Bakit ka nandito sa lupain ko?" malamig nitong sabi.
Napasinghap si Syviel. "Lupain mo? Eh kasi po"
Pero napansin niyang hindi siya tinitingnan nito. Bagkus, ang kamay nito ay dahan-dahang kumakapa sa damuhan, hinahanap ang tungkod na natumba kanina.
"Ay! Eto po yung tungkod ninyo!" abot ni Syviel habang nanginginig pa.
Hinawakan ito ng lalaki. "Hmm... So you can see me, but I can’t see you."
Napalunok si Syviel. "Oh my gosh… bulag ka?"
Tumaas ang kilay ng lalaki kahit di siya nakikita. "Obvious ba?"
"Ah, eh… hindi po! I mean oo pala! Pero ang guwapo mo pa rin kahit... uh... may shades!"
Napahinto si Ferson, napakunot ang noo. “What kind of compliment is that?”
"Naku! Sorry po! Hindi ko po sinasadya eh kasi ang intense po ng aura ninyo! Para kang kontrabida sa teleserye!"
Humalukipkip si Ferson, malamig ang tono. "Sino mangahas pumasok sa teritoryo ko? Hindi mo ba alam na private property ito?"
Napalunok si Syviel, halatang kabado. "Naliligaw lang po talaga ako, Sir! Promise! Galing po ako sa bayan, tapos akala ko daan papuntang highway... tapos ayun... hinabol po ako ng kabayo niyo!"
"Aso lang dapat ang hinahabol dito, hindi tao."
“Eh kasi po yung kabayo ninyo, may galit sa kagandahan yata!”
Napakunot lalo ang noo ni Ferson. “Ang daldal mo.”
Ngunit sa loob niya, hindi niya maipaliwanag parang may kakaibang init sa boses ng babae. Lively. Maingay. Pero... nakakagaan ng dibdib.
"Pasensya na talaga, Sir. Wala akong mapuntahan… kung pwede lang po sana, magtrabaho ako rito. Maghugas ng pinggan, mag-alaga ng kabayo, maglaba, kahit ano po!" sabi ni Syviel habang halos lumuhod na sa harap ng binata.
"Trabaho?"
"Opo! Katulong po! Magaling akong maglinis! Kahit sabitan niyo pa ako ng walis sa likod, kakayanin ko!"
Napangisi si Ferson. “Hindi ba’t sabi mo takot ka sa kabayo?”
Napakamot si Syviel. “Eh... oo nga po, pero kaya ko ‘tong lampasan! Sa dami ng utang ko sa buhay, mas nakakatakot ‘yon kesa sa kabayo!”
Natahimik si Ferson. Bahagya siyang napangisi ng pilit.
“Hmph. Scam na ‘yan.”
“Ay hindi po! Diyos ko, hindi po ako scammer! Mukha lang akong kawawa pero may puso po akong matapat!”
"Don't call me Sir. Call me Señorito Ferson Mandurukot," sagot ni Ferson, seryoso ang mukha habang nakataas pa ang baba.
“Mandurukot?”
Tahimik.
Biglang sumabog ang tawa ni Syviel. “HAHAHAHA! Mandurukot? As in magnanakaw ng cellphone? HAHAHA! Señorito Mandurukot?! Ayy grabe! Ang sosyal ng dating tapos ‘yun pala apelyido mo!”
Sumimangot si Ferson, halatang naiirita pero may pilit na tawa sa labi. “Hindi nakakatawa, Miss Manhid.”
“Hindi po Manhid! Manakit po! Syviel Manakit, 29 years old, at your service po, Señorito Mandurukot!” sabay ngiti at bow.
Napaawang ang bibig ni Ferson. "Manakit?"
“Uh-huh!”
Napatigil si Ferson, tapos biglang...
“Pfft”
“Ha?”
“HAHAHAHA!”
Natawa nang pilit si Ferson, pero halatang hindi pa siya sanay tumawa. Parang pinipilit ng katawan niya pero hindi ng puso. “So... Mandurukot at Manakit? Bagay tayo ah. Magnanakaw at mananakit.”
Namilog ang mata ni Syviel. “Uy, grabe ka naman! Hindi ako mananakit ng damdamin! Ngayon lang siguro... kasi hinabol ako ng kabayo mo!”
"Ang ingay mo talaga," malamig pero natatawa na rin si Ferson. “Kung gusto mong magtrabaho dito, may kondisyon ako.”
"Ay! Sige po! Kahit magtanim ako ng palay gabi-gabi, payag ako!"
“Tigil ka muna diyan. Una, walang tawanan sa apelyido ko.”
“Copy po!”
“Pangalawa, ‘wag kang lalapit sa akin nang walang paalam.”
“Copy din po!”
“At pangatlo, kapag sumigaw ka ulit ng ganyan habang may kabayo, ipapakulong kita sa kulungan ng manok.”
Napanganga si Syviel. “Ha? May kulungan ng manok dito?”
“Oo. At doon mo makikilala ang mga bagong kaibigan mo.”
“Baka po patayin nila ako!”
“Then you’ll learn discipline.”
Napakamot na lang si Syviel. “Okay po, Señorito Mandurukot… este, Señorito Ferson.”
Muling natawa si Ferson nang mahina. Hindi niya maipaliwanag pero tuwing maririnig ang boses ni Syviel, parang gumagaan ang loob niya. Parang may kulay bigla ang madilim niyang mundo.
“Manakit, ha…” bulong niya sa sarili, nakangiti ng bahagya. “Ang lakas ng dating ng babaeng ‘to.”
Samantalang si Syviel, habang papasok sa rancho, napabulong din. “Ang sungit pero... ang guwapo. Parang ang sarap kausap pag nakangiti. Eh kaso... bulag.”
Naglakad silang magkasunodsi Ferson hawak ang tungkod, si Syviel naman, bitbit ang iilang gamit niya.
Sa gilid, sumisipol si Ferson. Sa di kalayuan, muling tumakbo ang kabayong itim pero hindi na galit sumasabay na lang sa kanila.
“Ang kabayo mong ‘yan, Señorito…” sabi ni Syviel. “Kanina gusto akong kagatin, ngayon sumusunod na parang may crush sa’kin.”
“Hindi ka lang niya type kanina,” malamig pero may halong tawa sa tono ni Ferson. “Ngayon, baka naaamoy na niyang magiging alipin ka ng amo niya.”
“Alipin agad? Grabe ka naman, Señorito Mandurukot! Pwede namang ‘Katulong with benefits’ este.. ay, joke lang!”
Natigilan si Ferson, napataas ang kilay. “Ano raw?”
“JOKE LANG PO!” sigaw ni Syviel sabay takbo palayo, pulang-pula ang pisngi.
Si Ferson naman, napailing. Pero hindi maitago ang ngiti. “Tsk. Maingay. Pero nakakatuwa.”
Habang lumalayo si Syviel, napahawak siya sa labi niya. “First time kong nahalikan ng bulag. Pero bakit ganon? Parang may kuryente…”
At sa unang araw ng kanilang pagkikita ang maingay na babae at ang malamig na lalaking bulag
hindi nila alam na sa simpleng banggaan at halik na ‘yon…
magsisimula ang isang kwento ng tawanan, kilig, at pagmamahalang hindi inaasahan.