CHAPTER 2
SYVIEL POV
"You’re hired. You can start today but sumama ka sa akin."
Napakurap ako. “Ha? Sumama? Saan po tayo pupunta, Señorito?”
“Susunod ka sa akin,” malamig pero kalmado niyang sabi habang hinahaplos ang leeg ng kabayo.
Bigla kong napalunok. “Ahm… Señorito, baka po may ibang ibig sabihin ‘yung sumama ka sa akin, ha? Baka mamaya ipalibing n’yo ako sa tabi ng kabayo n’yo.”
Napangisi siya. “Ang daldal mo talaga, Miss Manakit. Kung gusto kitang ipalibing, sana kanina pa.”
“Grabe ka naman! Hindi pa nga ako nag-a-almusal!”
"Sumunod ka na lang. Bago ko magbago ng isip," sabi niya, sabay lakad papunta sa kabilang dulo ng rancho. Ang lakas ng dating parang laging may slow motion tuwing gagalaw siya.
Sumunod naman ako, pero halatang kinakabahan. “Señorito, baka po madapa ako. Ang daming pataba ng kabayo dito oh!”
“Eh di umiwas ka.”
“Eh kasi po, hindi ko alam kung saan ako iwas! Parang buhay ko lang puro dumi!”
Napahinto si Señorito. “Hmph. Hindi ko alam kung dapat akong maawa o matawa sa’yo.”
“Pwede both?” sagot ko habang nakangiti.
Napailing siya pero narinig ko ‘yung mahina niyang tawa. Parang unang beses niyang natawa ng totoo.
“Diyan ka muna,” sabi niya pagdating namin sa isang maliit na kuwadra sa dulo. “Ito ang luma kong kabayo. Siya ang dahilan kung bakit nabulag ako noon.”
Napatigil ako. “Ha? Siya po? Pero… buhay pa siya?”
“Oo. Matanda na. Pero siya rin ang nagturo sa akin kung paano makinig. Sa tunog ng yapak niya, alam ko kung may delikado. Sa ihip ng hininga niya, alam ko kung pagod siya o masaya.”
“Ang lalim naman nun, Señorito. Parang ikaw laging seryoso, pero may lungkot sa likod ng shades.”
Tahimik siya saglit, tapos biglang nagsalita ulit. “Ganyan ka ba talaga magsalita? Parang teleserye?”
“Hahaha! Sorry po! Madaldal talaga ako!”
“Alam ko.”
Ngumiti ako. “Eh bakit niyo po ako tinanggap?”
Tumaas ang kilay niya, sabay sabi ng, “Hindi ko rin alam. Siguro... gusto ko ng tahimik, pero dumating ka, at na-realize kong… mas maingay pala ang katahimikan.”
“Señorito naman oh…”
“Ano?”
“Ang lakas maka-kilig nun.”
“Ano raw?”
“Wala po! Sabi ko... ang lamig ng hangin dito sa rancho!”
Ngumiti siya ng bahagya. “Kung lamig ang gusto mo, makakakuha ka niyan dito. Pero kung ayaw mong ginawin, matuto kang kumilos. Hindi ako tatanggap ng katulong na puro daldal.”
“Copy po, Señorito Mandurukot!”
“Ferson. Just Ferson.”
“Okay Señorito Manduru-este, Ferson.”
“Ayan na naman ‘yang este mo. Isa pa ‘yan, ipapatali kita kay Bruno.”
“Ayoko po! Ayoko na po kay Bruno, baka may tampo pa siya sa’kin!”
Tawa siya ng tawa. ‘Yung tawang parang hilaw pa pero genuine pang-leading man laugh.
“Sumama ka na,” sabi niya ulit habang naglalakad. “May ipapakita ako sa’yo.”
Sabay kami lumabas ng kulungan. Ang ganda ng tanawin sa labas malawak na damuhan, liwanag ng araw, at hangin na parang bagong buhay.
“Ang ganda dito, Señorito…” bulong ko.
“Tahimik. Walang ingay, walang intriga, walang cellphone signal. Tamang-tama sa katulad mong maingay,” biro niya.
“Eh ‘di kung walang signal, hindi na ako makaka-scroll! Kawawa naman ako!”
“Mas okay ‘yon. Ang problema mo ngayon ay kung paano mo aalagaan ang mga kabayo ko, hindi kung ilang likes ang meron ka sa post mo.”
“Wow, may halong life lesson! Señorito, motivational speaker ka rin pala sa gabi?”
Napahinto siya, nakangiti. “Hindi. Pero marunong akong magturo ng disiplina. Kaya nga… sumama ka sa akin.”
Ngumiti ako. “Sige po. Pero promise ha, walang kabayong hahabol sakin this time.”
“Depende.”
“Depende saan?”
“Kung matigas pa rin ulo mo.”
“Aba, matigas lang po katawan ko sa trabaho!”
Tahimik.
Biglang nagtaas ng kilay si Señorito. “Ano raw?”
“Ay! I mean… matatag! Matatag sa trabaho! Hindi matigas ay! Diyos ko, bakit ang pangit pakinggan!”
Humagalpak siya ng tawa. ‘Yung tawang mahina pero halatang aliw na aliw siya. “Ikaw talaga, Miss Manakit. Dangerous ka kahit walang bala.”
“Eh ikaw naman, Señorito Mandurukot! Dangerous ka kahit bulag!”
“Talaga?”
“Oo! Kasi kahit ‘di mo ako nakikita, parang nababasa mo ako.”
Tahimik siya sandali. Nakatayo lang kami sa gitna ng rancho, habang dumadaan ang hangin. Tapos bigla niyang sabi, “Susunod ka ba talaga sa akin?”
“Opo.”
“Then, good. Mula ngayon, ako na ang boss mo.”
Ngumiti ako ng malapad. “Copy, Señorito. Katulong na may puso, at kabayong may sugat, ready for duty!”
Ngumiti siya ng bahagya. “Simula ngayon, tatawagin kita… ‘Miss Trouble.’”
“Ha? Bakit Miss Trouble?”
“‘Cause you’re noisy, unpredictable, and somehow…” ngumiti siya ulit. “You make my world less dark.”
Napatitig ako. “Ay Señorito…”
“Ano?”
“Ang lakas mo talaga mangpa-kilig kahit hindi mo nakikita!”
Napailing siya, pero halatang napapangiti. “Sige na. Sumunod ka sa akin.”
“At saan naman po tayo pupunta this time?”
“Sa bahay. May ipapagawa ako sa’yo.”
“Bahay agad? Baka po paglinisin n’yo ako ng banyo?”
“Hindi.”
“Eh ano po?”
“Pagluluto.”
“Pagluluto?”
“Oo. Kasi kung hindi masarap luto mo, baka mapilitan akong pakainin ka kay Bruno.”
“AY GRABE KA TALAGA SEÑORITO!!!”
Nagtawanan kaming dalawa.
At sa gitna ng tawanan, napagtanto ko
kahit bulag si Señorito Mandurukot…
mas malinaw pa yata ang tingin niya sa mundo, kaysa sa akin. Nilapitan n'ya ang kabayo sumunod na rin ako Kay Señorito.
"Señorito Ferson, nasa Rancho tayo baka may makakita sa atin!" sigaw ko habang hawak-hawak ang ulo ni Bruno ‘yung kabayong mukhang mas galit pa kaysa sa amo niya.
Pero imbes na tumigil, mas lalo pang lumapit si Señorito Ferson, hawak ang injection na parang espada ng isang mandirigmang bulag. “Wala kang ibang dapat katakutan kundi ako,” sabi niya habang nakangiti pa, ‘yung tipong confident kahit delikado.
At bago ko pa siya mapigilan “Ouch! Ahhhh... bakit mo sinagad, Señorito?! Ayan tuloy, nabutas! s**t!”
Napaatras ako, napahawak sa dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiiyak.
Si Señorito naman, walang ka-effort-effort na ngumisi. “Haha! Sabi ko sa’yo, mahirap tamaan pag bulag… pero pag tumama butas agad!”
Napatingin ako sa kanya, napangiwi ako. “Grabe kayo, Señorito! Parang hindi kabayo ang tinitira niyo ah!”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, kunot-noo pero may halong ngisi.
“Eh kasi po, ‘yung mga linya niyo, parang pang... ibang eksena!”
“Tsk.” Tumawa siya, ‘yung may halong pang-aasar. “Syviel, masyado kang maruming mag-isip. Gamot lang ‘yan, hindi drama sa hapon.”
“Drama po talaga ‘yung ginawa niyo, Señorito. Tingnan niyo, si Bruno halos umiiyak na sa pwet niya!”
“Mas okay ‘yan kaysa mamatay sa sakit,” sagot niya kalmado lang.
Habang tinitingnan ko siya, napansin kong kahit bulag siya, grabe ang tikas at tiyaga niya. Marunong siyang magtiwala sa pandama niya parang bawat galaw, may rhythm.
Napangiti ako, sabay sabi, “Señorito, next time po, ako na mag-i-injection ah?”
Ngumisi siya. “Sigurado ka ba, Syviel? Baka sa’kin mo pa isagad.”
“Ha?! Señorito naman oh!” Napahampas ako sa braso niya habang namumula ang pisngi ko.
“Tingnan mo, nag-blush ka pa. Ikaw yata ‘yung nabutas.”
“Grabe kayo! Ang bastos niyo minsan!”
“Hindi bastos ‘yon, practical lang,” sagot niya habang nililinis ang syringe. “Sa rancho, kailangan matuto kang sumagad. Pag hindi mo sinagad, sayang ang effort.”
Napatawa na lang ako. “Oo na, Señorito. Pero next time, mag-warning kayo. Hindi ‘yung bigla-bigla kayong sumusugod sa pwet!”
“Noted,” sagot niya habang nakangiti. “Pero aminado ka, tumama ako sa target, ‘di ba?”
Napailing ako, sabay sabing, “Oo na nga. Sagad na sagad, Señorito…”
At doon siya tumawa ulit, ‘yung tawang malakas na umaalingawngaw sa buong rancho l habang ako naman, halos mamatay sa hiya sa kakaisip ng mga salitang parang may ibang ibig sabihin.
Pero sa totoo lang... natatawa rin ako. Kasi si Señorito Ferson kahit bulag, kahit nakakainis may kakaibang charm talaga.