Kulitan

1027 Words
CHAPTER 3 Ferson POV “Bakit parang ang tahimik mo ngayon, Señorito?” tanong ni Syviel habang nililinis ‘yung injection. Tahimik lang ako habang nakaupo sa silyang gawa sa kahoy. Nakaharap ako sa hangin, naririnig ko ang mga kaluskos ng mga kabayo at ‘yung pagtapik-tapik ng paa ni Syviel sa lupa. “Hindi naman ako tahimik,” sagot ko kalmado. “Pinapakinggan ko lang ‘yung mga kabayo. Alam mo, kahit bulag ako, naririnig ko kung alin sa kanila ang malikot, ang pagod, o ang masaya.” “Ahhh gano’n po ba? So maririnig n’yo rin kapag naiirita ako?” Ngumisi ako. “Oo. At sa tono ng boses mo, mukhang hindi lang irita, kundi in-love.” “Ha?!” halos mabitawan ni Syviel ‘yung syringe. “Señorito! Hindi po ako gano’n!” Tumawa ako, ‘yung halatang natatawa ako sa kabaliwan niya. “Ang lakas kasi ng tawa mo kanina, akala ko nadagdagan ng saya ‘yung araw ko.” Napatigil siya. “So... napasaya ko po kayo kahit konti?” “Konti?” Napangiti ako. “Actually, sobra. Wala pa akong katulong na kasing daldal at kasing kulit mo. Usually, mga kabayo lang ang kausap ko rito. At least ngayon, may kabayo na nagsasalita.” “Hoy!” sigaw niya, kunwari nagalit. “Kabayo agad?!” “Tingnan mo o, pati ‘yung kabayo natawa.” sabay turo ko sa direksyon ni Bruno. Narinig kong napa-hinga siya nang malalim, ‘yung parang pigil-galit pero may halong tawa. “Grabe kayo talaga, Señorito Ferson! Kung hindi lang kayo bulag, baka sinabuyan ko na kayo ng tubig!” Ngumisi ako. “Ayaw kong mabasa. Pero kung ikaw ang magbabasa sa akin, baka payag ako.” “Ang landi niyo talaga!” sigaw ni Syviel, sabay halakhak. Hindi ko alam, pero sa bawat tawa niya, parang may musika. Hindi ko man siya nakikita, pero nararamdaman ko ang ngiti niya ‘yung tipong nagiging liwanag sa paligid ko. “Señorito, ako naman po mag-i-inject kay Bruno, ha?” sabi niya maya-maya, confident pa. “Sigurado ka? Baka ma-trauma ‘yung kabayo ko.” “Bakit po? Hindi niyo ba ako pinagkakatiwalaan?” “Pinagkakatiwalaan naman,” sagot ko. “Pero mas tiwala ako sa syringe kaysa sa ‘yo.” “Señorito!” sigaw niya sabay hampas sa balikat ko. Napatawa ako, ‘yung tawang hilaw na parang hindi ko alam kung matatawa o maiiyak. “Sige na, gawin mo na. Pero dahan-dahan, baka mapaso mo ‘yung pwet ni Bruno.” Lumapit siya sa kabayo, tapos biglang... “Ahhhhh!” “Anong nangyari?!” tanong ko agad, tumayo ako, hinahaplos ‘yung paligid gamit ang aking tungkod. “Naipit ako ng buntot!” sigaw niya habang tumatawa. “Señorito, tulungan niyo ako, nakadikit ako!” “Buntot ng kabayo ‘yan o buntot ng tadhana?” sabi ko sabay hila sa kanya, pero sa halip na matanggal siya sabay kaming natumba! “Aray!” sabay naming sabi, tapos sabay tawa. Pagbagsak namin sa lupa, naramdaman kong nasa tabi ko siya, humihingal, tapos biglang natahimik. “Señorito…” bulong niya. “Hmm?” “Ang lapit niyo po…” “Eh ikaw naman kasi, ang kulit. Kung saan-saan ka sumusuot.” “Hindi po sinasadya…” Tahimik. Ramdam ko ‘yung hinga niya, malapit sa mukha ko. ‘Yung amoy ng shampoo niya na amoy gata at hangin. Hindi ko man makita, pero parang nakikita ko siya ‘yung mga mata niyang siguradong malalaki at naguguluhan, at ‘yung pisngi niyang siguro namumula na. “Syviel…” bulong ko. “Sabi ko sa’yo, pag tumama ako, butas agad.” “Ha?! Señorito, kabayo po ‘yung butas, hindi ako!” Tumawa ako, malakas, ‘yung halos maiyak ako sa kakatawa. “Hahaha! Alam mo, Syviel, ikaw lang ang nakapagpatawa sa akin nang ganito. Siguro kung lahat ng katulong kasing kulit mo, baka matutong ngumiti ‘tong rancho ko araw-araw.” Ngumiti siya, ramdam ko sa tono ng boses niya. “Eh di ako na lang po lagi, Señorito.” “Hmm, baka hindi mo kayanin. Mahirap magtrabaho sa akin.” “Bakit po?” “Maraming kabayo, maraming trabaho… at isang bulag na mahilig mang-asar.” “Yun nga po ang gusto ko eh,” sabi niya mahina, halos pabulong. Napakunot noo ako. “Ha? Ano ‘yung gusto mo?” “Yung… mahilig mang-asar.” sabay takbo niya palayo, bitbit ‘yung syringe. Kinabukasan, maaga akong nagising. Naririnig ko ‘yung mga hakbang ni Syviel sa kusina, parang musika sa umaga. “Good morning, Señorito Ferson!” bati niya. “May kape na po kayo at pandesal!” “Hmm. Mabuti naman, hindi tulad kagabi, puro tawa at sigaw.” “E kasi naman po, hindi ko akalaing magpapatawa pala kayo. Akala ko suplado, galit, at mataray.” “Tama ka naman,” sagot ko habang humihigop ng kape. “Ganun talaga ako. Pero pag may makulit na babae, lumalabas ‘yung humor ko.” “Wow, ibig sabihin po, ako lang ang dahilan ng humor niyo?” “Oo.” ngumisi ako. “Ikaw lang ang dahilan ng kalat ng araw ko.” “Tss, bola!” “Hindi bola. Totoo. Gusto ko lang marinig ulit ‘yung tawa mo.” Tahimik. Tapos narinig ko siyang huminga ng malalim. “Señorito… alam niyo, kahit bulag kayo, parang kayo ‘yung pinakakita kong tao sa mundo.” “Ha?” Napahinto ako. “Kasi kahit wala kayong mata na nakakakita, alam niyo kung paano tumingin sa loob ng tao.” Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero napangiti ako. “Syviel…” “Po?” “Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging Señorito.” “Ha? Eh ano po?” “Ferson lang. Mas maganda ‘pag ikaw ang tumatawag.” Napangiti siya. Ramdam ko sa hinga niya. “Okay… Ferson.” At sa unang beses matapos ang mahabang panahon sa gitna ng tahimik na rancho, sa paligid ng mga kabayong tila nakikinig napangiti ako nang totoo. Kahit bulag ako, parang may nakita akong liwanag. At ang liwanag na ‘yon… si Syviel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD