Kissed & Hugot

1872 Words
CHAPTER 4 THIRD PERSON POV Maagang umaga pa lang, gising na si Syviel. Bitbit ang basket ng pagkain, naglalakad siya papunta sa kulungan ng mga kabayo. Habang naglalakad, sumisipol pa siya at tila may ngiti sa labi. Hindi niya alam kung dahil ba sa malamig na simoy ng hangin… o dahil sa amo niyang si Señorito Ferson na kahit bulag, ay masyadong gwapo sa paningin niya. “Good morning, Señorito!” masiglang bati ni Syviel habang sumisilip sa pinto ng kulungan. “Maaga ka ngayon,” sabi ni Ferson habang nakatayo sa may gilid, hawak ang tungkod at tila inaamoy ang paligid. “Naririnig ko pa lang ang yapak mo, alam kong ikaw ‘yan.” “Ganun po ba?” tumawa si Syviel. “Baka po kasi gutom lang kayo kaya inaamoy niyo ako.” “Hindi naman kita kinakain, ah,” sagot ni Ferson na may ngisi. “Pero kung pagkain ang usapan, mukhang may dala kang mabango.” “Opo, pandesal at kape. At para kay Bruno, may saging.” Ngumiti si Ferson at bahagyang tumango. “Magaling. Tinuturuan ka na talaga ng rancho kung paano maging mabait sa kabayo.” Habang inaabot ni Syviel ang pagkain sa mesa, bigla siyang nadulas. “Ay! Señorito!” Mabilis siyang sumubok humawak sa kahit ano, pero ang nahila niya si Ferson mismo! “Syviel, teka lang!” Sabay silang bumagsak sa dayami. Umalingawngaw ang lagaslas ng mga alagang kabayo, at ang isa sa mga ito ay napa-igik pa sa gulat. Sa pagbagsak nila, nagtagpo ang kanilang mga labi. Tahimik. Para bang tumigil ang oras. Ang init ng hininga nila’y naghalo, at pareho silang napatingin sa isa’t isa. Si Ferson, bagama’t bulag, parang alam kung saan nakapwesto ang mga mata ni Syviel. At si Syviel naman, tila nakalimutan kung paano huminga. “S-Señorito…” mahinang sambit ni Syviel, halos pabulong. Hindi agad kumibo si Ferson. Parang nag-freeze ang lahat, maging ang paligid. Ang tanging naririnig lang nila ay ang marahang paghinga ng kabayong si Bruno. Pagkaraan ng ilang segundo, agad na tumayo si Syviel, namumula ang buong mukha. “Pasensya na po! Hindi ko sinasadya!” Huminga nang malalim si Ferson at bahagyang natawa. “Ikaw talaga… kahit kailan, gulat na gulat ang mundo pag dumarating ka.” “Ay, grabe kayo, Señorito!” hinampas ni Syviel ang hangin, dahil hindi niya alam kung saan tatama. “Nahila ko lang kayo kasi muntik na akong madulas!” “Teka,” sabat ni Ferson habang tumatayo, pinupunasan ang kamay na puno ng dayami. “Kung hindi kita nahila, baka ikaw ang nasaktan. So technically… ako ang hero mo.” “Hero?” taas-kilay na sagot ni Syviel. “Eh kayo nga ‘yung nadapa din eh!” “Totoo, pero ako pa rin ang nagligtas sa’yo sa matinding pagkahulog.” “Hmm…” ngumiti si Syviel. “Kung ganun, thank you po, Señorito Ferson.” Ngumiti rin si Ferson, ‘yung tipong hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kakaibang t***k sa dibdib niya. Habang naglilinis sila sa kulungan, hindi maiwasan ni Syviel ang paminsan-minsan ay sulyapan si Ferson. Ang bawat ngiti nito, ang bawat simpleng paggalaw ng kamay habang tinataboy ang dayami—may kakaibang charm. At si Ferson naman, bagama’t hindi nakikita si Syviel, alam niyang bawat hakbang nito ay parang himig ng umaga. “Syviel,” bigla niyang sabi, “sa tuwing natahimik ka, ibig sabihin may iniisip kang kabaliwan.” “Huh? Hindi po totoo ‘yon!” mabilis na sagot ni Syviel. “Nag-iisip lang ako kung paano hindi madudulas ulit.” “Baka kasi distracted ka,” sagot ni Ferson, may halong tawa. “Dapat kasi nakatutok ka sa trabaho, hindi sa mga labi kong halatang hindi mo makalimutan.” Namula si Syviel. “S-Señorito! Hindi po totoo ‘yan!” “Hindi totoo? Eh bakit hanggang ngayon, hindi ka makatingin sa direksyon ko?” Tahimik. Hindi agad nakasagot si Syviel. Ngumiti si Ferson. “Tama ako ‘no?” “Hindi!” mabilis niyang tanggi, sabay talikod. “Nag-aasikaso lang ako ng kabayo!” Pero kahit hindi makita ni Ferson, naramdaman niyang namula si Syviel. Napailing siya, sabay tawa. Habang nagliligpit sila ng gamit, biglang tumakbo ang isa sa mga kabayo — si Tropa, ‘yung pinakamasigla. “Señorito! Si Tropa tumatakbo palabas!” sigaw ni Syviel. “Bantayan mo!” sabi ni Ferson, sabay lakad patungo sa direksyon ng ingay. Ngunit paglapit niya, biglang nag-slide si Syviel sa madulas na lupa. “Ay! Señorito tulong!” Mabilis siyang inabot ni Ferson gamit ang kamay, pero sa lakas ng pagkakahila, sabay silang natumba ulit mas malakas pa kaysa kanina. “Aray!” sabi ni Syviel habang napapikit. “Señorito!” “Okay ka lang?” tanong ni Ferson habang nakahawak sa braso niya. “O-okay lang po…” mahinang sagot niya. Napatingin siya kay Ferson, halos magkadikit na naman ang kanilang mga mukha. Tila muling bumagal ang oras. Sa pagitan ng kanilang mga hininga, may kakaibang damdamin na unti-unting tumitindi hindi dahil sa halik o pisikal na lapit, kundi dahil sa koneksyon na hindi nila maipaliwanag. Si Ferson, bagama’t bulag, parang nakikita ang bawat ekspresyon ni Syviel sa pamamagitan ng pandama. At si Syviel, hindi na alam kung bakit tila ayaw niyang bumitaw. “Next time,” bulong ni Ferson, “kapag mahuhulog ka, siguraduhin mong sa ‘kin ka pa rin babagsak.” “Ha?” “Para safe ka.” Ngumiti siya, ‘yung tipong seryoso pero may halong lambing. At doon, sabay silang natawa. Tawa ng dalawang taong pareho nang nahuhulog hindi lang sa dayami, kundi sa isa’t isa. Pagkatapos ng halos dalawang beses na pagbagsak at accidental kiss, tahimik muna silang dalawa. Si Ferson, abala sa pagpapakain ng mga kabayo, habang si Syviel naman ay nakaupo sa gilid, nakatulala at tila nagmumuni-muni habang nakatitig sa kawalan. “Syviel, bakit parang ang tahimik mo diyan?” tanong ni Ferson habang pinupunasan ang mga kamay niya. “Wala naman po…” sagot ni Syviel, sabay buntong-hininga. “Iniisip ko lang, Señorito… bakit parang kapag gusto mong umiwas, doon ka pa laging nadadapa?” Napakunot noo si Ferson. “Anong klaseng tanong ‘yan?” “Ewan ko po,” sabi ni Syviel habang nakatingala sa kisame ng kulungan. “Parang kabayo lang ‘yan eh. Kahit anong pilit mong kontrolin, kapag gusto niyang tumakbo, tatakbo siya. Parang puso… kahit pilit mong pigilan, minsan, may sarili siyang direksyon.” “Hmm.” Sumimangot si Ferson. “Teka, nagiging makata ka na yata. Anong iniinom mo at ganyan ka magsalita?” “Wala naman po, Señorito,” sagot niya, sabay tawa. “Hugot lang po. Alam niyo ‘yung tipong kahit ilang beses ka nang nasaktan, pilit mo pa ring nilalapitan ‘yung makakatusok sa’yo?” “Hindi ko alam. Hindi ako mahilig magpatusok,” malamig niyang sagot. “Hindi po literal!” Napatawa si Syviel. “Ang ibig ko pong sabihin, kahit alam mong masasaktan ka, nilalapitan mo pa rin ‘yung dahilan ng sakit mo.” “Syviel,” seryosong sabi ni Ferson, “bakit mo ba ako kinakausap ng ganito? Para kang radio drama. Maaga pa pero punong-puno na ng hugot.” “Eh kasi po Señorito…” napabuntong-hininga ulit siya, sabay kindat kahit alam niyang hindi ito kita ni Ferson. “Nakakainggit lang kayo minsan.” “Ha? Bakit naman ako?” “Kasi kahit bulag kayo, parang ang linaw-linaw ng mga desisyon niyo sa buhay. Samantalang ako, kumpleto ang mata pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alam niyo ‘yon, Señorito? Parang lahat ng daan, nakakabingi sa ingay ng mundo pero wala ka pa ring direksyon.” Tahimik. Narinig ni Ferson ang bawat salita niya ‘yung bigat sa boses ni Syviel na parang hindi niya alam kung tatawa o iiyak. “Sige nga, Syviel,” sabi niya kalaunan, “kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, gawin mo. Pero pwede bang wag masyadong malakas? Naiingayan na ‘yung kabayo… pati ako.” Napatingin si Syviel sa kanya, tapos natawa nang mahina. “Grabe kayo, Señorito! May problema na nga ako, naiingayan pa kayo!” “Totoo naman,” sagot ni Ferson, sabay umupo. “Hindi ko kailangan ng hugot sa umaga. Kape lang sapat na.” “Eh kasi po, wala akong makausap.” “Aba’t kausap mo ako ngayon ah.” “Hindi po kayo nakikinig eh.” “Aba’t ako pa sinisi?” Ngumisi si Syviel. “Eh totoo naman po, Señorito. Lahat ng sinasabi ko parang lumulusot lang sa kabilang tenga niyo.” “Wala nga akong nakikitang tenga mo, pero naririnig ko na masyado kang madaldal,” balik ni Ferson. “Kung maghuhugot ka pa, baka pati kabayo maiyak.” “Hay naku Señorito,” sabi ni Syviel, sabay upo sa harap niya. “Kaya siguro hindi kayo marunong magpakilig kasi lagi niyo akong inaaway.” Ngumisi si Ferson, ‘yung tipong pilyo. “Bakit, gusto mo ba akong magpakilig?” “Hindi po!” mabilis niyang sagot, pero halatang namumula. “Tsk. Ang hina mo magtago ng ngiti,” sabi ni Ferson. “Naririnig ko pa lang ang hinga mo, alam kong namumula ka.” “Señorito! Hindi po totoo ‘yan!” sigaw ni Syviel, sabay takbo papunta sa pinto ng kulungan. “Hoy, bumalik ka rito,” sabi ni Ferson. “Hindi pa tapos ang trabaho mo!” “Hindi po ako babalik hangga’t hindi niyo binabawi ‘yung sinabi niyo!” “Eh totoo naman.” “Hindi nga!” “E ‘di wag ka na bumalik!” Tahimik. Pagkalipas ng ilang segundo, narinig ni Ferson ang mga yapak ni Syviel pabalik. Dahan-dahan. “Tsk. Alam kong babalik ka,” sabi niya, nakangiti. “Wala ka namang ibang malalapitan eh.” “Hindi po ako bumalik dahil gusto ko,” depensa ni Syviel. “Bumalik ako kasi iniwan niyo ‘yung walis!” “Ah ganun ba?” ngumisi si Ferson. “Eh bakit parang may ngiti ‘yung boses mo?” Napailing si Syviel, sabay bulong, “Ang yabang talaga nitong bulag na ‘to.” Ngumisi si Ferson. “Narinig ko ‘yon.” Habang nagpatuloy sila sa trabaho, unti-unting lumambot ang hangin sa pagitan nila. Si Syviel, kahit madaldal, ay unti-unting natutong huminahon tuwing pinapatahimik siya ni Ferson. At si Ferson naman, kahit naiingayan, ay hindi maipaliwanag kung bakit hinahanap-hanap na niya ang ingay ni Syviel. Minsan, habang naglilinis sila, bigla na lang niyang nasabi: “Syviel…” “Po?” “Alam mo kung bakit ako laging nagrereklamo sa ingay mo?” “Bakit po?” “Dahil kapag natahimik ka, parang may kulang.” Biglang natahimik si Syviel. Napatingin kay Ferson, tapos mahina niyang sabi, “Aba Señorito… kung ganyan kayo araw-araw, baka hindi na ako umalis dito.” “Wag ka ngang drama,” sagot ni Ferson, pero naramdaman niyang napangiti rin siya. At sa gitna ng katahimikan ng rancho, sa pagitan ng kuliglig at huni ng mga ibon, nagsimula na namang mag-ingay si Syviel at sa pagkakataong iyon, hindi na si Ferson ang nainis. Kundi ang puso niya, na biglang natutong pakinggan ang ingay ng isang babae… na unti-unti niyang minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD