bc

MATCH MAID IN HEAVEN

book_age18+
529
FOLLOW
1.1K
READ
comedy
bxg
childhood crush
friendship
school
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BLURB

   ° HALOS sabay nang lumaki si Heaven at Lenard ang pinagkaiba nga lang bata pa lamang si Lenard artista na ito sa isa sa pinakamalaking estasyon ng bansa.  Samantalang si Heaven isang ordinaryong babae lamang sa maliit na Isla ng Iloilo sa Higantes Island na parehong isla kong saan sila pinanganak na dalawa. Ngunit dala ng tadhana na mayroon si Lenard siya ay sa Manila na nanirahan at si Heaven naiwan sa Isla. Ngunit isang pag-asa ang siyang nakita ni Heaven nang mangailangan ang pamilya ni Lenard ng isang kasambahay sa malaking bahay ng mga ito sa Manila. Hindi nagdalawang-isip si Heaven na tanggapin ang trabaho.

Ito na kaya ang kasagutan ng pag-ibig niya para sa kababata? O, ito na nga ba ang siyang magpaparamdam

sa kaniyang hindi sila nababagay sa isa't isa dahil ang agwat nila ay langit at lupa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE. MAGHAPON na yata akong nagmo movie marathon ng mga pelikula ni Lenard, ang kababata ko. Napasinghap ako ng sariwang hangin, nandito ako ngayon sa harap ng Isla kong saan kami nakatira. Ilang beses ko na bang napanuod ang Match made in heaven? Ang pelikulang pinagbibidahan ni Lenard at ng loveteam nito na si Bea. Ilang taon na rin pala itong hindi nagagawi sa Isla, naisip ko. Nakakamiss rin ang isang 'yon. Kahit yata daycare palang ang huli naming pagkikita at sa TV ko nalang siya napapanuod. "Magandang araw, Ineng." Napaayos ako ng pagkakasandal ng may narinig akong boses ng tao sa may tarangkahan naming gawa lang sa kawayan. Napakunot-nuo ako hindi ko kilala ang siyang ginang na nasa labas. Base sa suot nito mukhang may kaya ito sa buhay. Hinanap ko ang tsinelas kong pink na bigay sa akin ni Nanang, agad na lumabas para tingnan ang siyang sadya nito. "Magandang araw din ho," bati kong may nakapaskil na ngiti sa labi ko. "Ikaw ba si Heaven Antonio?" napakunot ang nuo ko sa tanong nito sa akin kung ako nga si Heaven. Tumango-tango ako. Hindi ko kilala ito. Ngayon ko lang yata ito nakita sa Isla. Baka bakasyunista naisip ko, pero ano naman ang siyang sadya nito sa akin? Wala naman akong kasalanan, tumakbo agad sa diwa ko. Clueless kasi ang lahat sa akin, ngayon lang din kasi may nangyaring pumunta rito para tanungin ang pangalan ko. "Ako si Manang Aida,” simula nito sa pagpapakilala. Nag-isip ako kung may kilala ba akong Aida? Pero wala talaga. Wala talaga akong matandaan. "Ako nga ho si Heaven. Bakit ho?" tanong kong may pagtataka pa rin. Pinagmasdan ko ang ayos nito nakapaldang puting mahaba ito at puting blouse rin mukhang galing sa pagsamba. "Aalukin sana kita ng trabaho, Ineng," sabi niya sa akin. Napakunot-nuo akong muli. Ano naman ang siyang trabahong iaalok nito sa akin? Hindi naman ako nangangailangan? Hindi naman ako naghahanap? Napalunok ako sa naisip baka kako scammer. Pero ano naman ang kukunin nito sa akin? Wala naman akong pera maging ang nanay at tatay ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaismid. "Baka interesado kang mamasukan sa mga Sarmiento?" Hindi ko napigilang mapaawang ang labi ko sa inalok nito sa aking pamamasukan sa mga Sarmiento? Kilala ko ang siyang tinutukoy nito at kung hindi ako magkakamali ito ang pamilya ni Lenard na kanina lang iniisip ko. "Trabaho? Mamasukan? Sa mga Sarmiento, ho?" hindi ko mapaniwalaang tanong sa kaniya. Napalunok ako ng sabay-sabay baka kako nagkakamali ako at ibang Sarmiento ang siyang tinutukoy nito. "Oo! Sarmiento ang pamilya ni Kapitan Protacio Sarmiento," kumpirma nito sa palagay ko. Hindi ko alam kung bakit may biglang sumikdong kaba sa puso ko, ang isiping magtratrabaho ako sa pamilya Sarmiento ay hindi ko inaasahan. "P-pamilya p-o ba ni L-Lenard?" nauutal kong tanong dito. Ngumiti ito ng maluwag sa akin, kasabay ang sunod-sunod na pagtango. Pinigilan ko ang sarili kong mapahiyaw sa tuwa sino ba naman kasi ang hindi masasayahan? Ito na yata ang siyang tugon sa dasal kong makita muli si Lenard at mukhang mabait pa yata sa akin ang langit, dahil hindi ko lang ito makikita makakasama ko pa mismo kung sakali. "Saan po ba sa Manila po ba?" tanong ko pa ulit. Muli itong ngumiti at tumango sa akin. "Paano niyo po ako nakilala?" tanong kong nagtataka- sa totoo lang kasi ngayon ko lang talaga ito nakita rito sa Isla? Paano naman nalaman nito ang tungkol sa ambisyon kong makasama muli si Lenard? Teka lang! Sino ba talaga ito? Baka si human kupido na ito. Pero hindi lalaki iyon, e. Natawa ako sa naisip. Minsan talaga kengkoy din ako. "Gusto mo ba, Ineng? Or iaalok ko na lang sa iba?" Bigla akong nakaramdam ng takot sa sinabi sa akin ni Manang. Agad akong tumalon sa papag sa tarangkahan namin at pinigilan si Manang nang magtangka na itong iwan ako. "Manang, sandali! Ito naman. S'yempre ho gusto ko," sabi ko sa kaniya nang huminto ito. Nilingon akong muli nito, may pagtatanong sa mga mata. "Sigurado ka ba?" Bigla akong natigilan, hindi pa pala ako nakapag-alam kay Nanay at Tatay. Paano pag hindi ako payagan ng mg ito? Naku! Sayang naman ito na ang pagkakataon e, palalagpasin ko pa ba? "Kailan ho mag-uumpisa, Manang?" tanong ko ritong sigurado na ako sa desisyon ko. Ngumiti ito sabay bigay ng isang papel. Nabasa ko ang siyang numero at pangalan na Aida. "Ako si Manang Aida. Mayordoma ng mga Sarmiento," pagpapakilala nito sa akin. Tinupi ko ito at nilagay sa bulsa ng short kong maong. Matapos kong mangako na tatawagan ko ito agad pag handa na ako umalis na ito nang magpaalam sa akin. Pumasok ako ulit sa bahay namin, nagmadaling tinungo ang munti kong silid. May kong ano-ano agad na tumakbo sa isipan ko. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ito magtratrabaho ako sa pamilya ni Lenard. Payagan man ako ni Nanay at Tatay, tutuloy ako buo na ang desisyon ko. Alam kong papakinggan ako ng mga ito bukod sa bakasyon naman ngayon. E, labingwalong taong gulang naman na ako. Tiwala ako sa sarili kong hindi man ako sasang-ayunan ng mga ito pero hindi naman ito hahadlang sa gusto kong mangyari. Afterall! Kilala naman nila si Lenard mula pa noon maging ang Papa nitong Kapitan noon sa lugar namin. "Crossfinger. Magkikita ulit kami ni Lenard.."Pinikit ko ang mga mata ko at sa twina naisip ko si Lenard, ang gwapong mukha nitong makakasama ko sa araw-araw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

His Obsession

read
75.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook