Chapter 5
Alas diyes na ng gabi at nagsisisi si Robin dahil nanatili pa siya sa classroom kanina at hindi na lang ipinagpabukas ang pag-iisip kung sino ang kapareha sa project kay Sir Martinez.
Ang dilim ng kanyang nilalakaran ngayon at hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng takot lalo pa at wala nang mga estudyante na nakikitang nagdaraan. Naiinis siya dahil nagpabaya nanaman siya ngayon araw. Sinulyapan ni Robin ang kanyang cellphone na taban at nakitang may mensahe na doon galing sa kanyang Ina.
Hinahanap na siya nito ay base sa mensahe ay nag-aalala na ito dahil hindi pa siya umuuwi. Dapat kasi'y alas diyes pa lang ay nasa bahay na siya pero lagpas alas diyes na ngayon at sigurado siya na nag-aalala na ito.
Inilibot ko ni Robin ang paningin at iilang ilaw lamang ang nakabukas sa kanyang gawi, Kinailangan pa niyang gamitin ang flashlight ng kanyang cellphone para lang magbigay ilaw sa kanyang daraanan.
"Sana lagyan na nila ng ilaw ang gawing ito ng Academy. Kahit naman kami lang ang section na may pang gabing klase ay ikonsidera nila ang kaligtasan namin."
Siguro ay kailangan na niyang sabihin iyong sa kanyang Ama. Delikado rin maglakad sa parteng iyon ng Lazeu dahil halos walang ilaw. Alam naman niyang papakinggan siya ng kanyang Ama. Wala na din kasing masyadong ginagabing mga estudyante at ang alam ni Robin ay sila ang pinakahuling nagkaklase sa building na ito. Ang block nila ang may schedule na 9:30 pm sa buong Academy.
"Nakakainis kasi.."
Naalala ni Robin ang tagpo kanina sa Classroom. Ang pagpatid sa kanya ng kaklase niyang babae at ang pagtama ng ulo niya sa table. Dumugo pa ang kanyang ilong dahil sa nangyari.
Tapos ang kinaiinisan pala niyang lalake kanina, Ito pala si Alexander Mitchell Goodnight. Iyong lalakeng nakadukdok madalas sa table nito. Ang lalakeng naglaro ng buhok niya gamit ang daliri nito. Ito naman pala ang kapareha niya.
Hindi ba't nakakainis 'yon? Pero kanina nakita naman niya na mabuting tao din pala ito nang tulungan siya sa pagtay. Kumuha din si Alexander ng cold compress para ibigay sa kanya at ilagay sa ulo niyang tumama sa table.
Iyon nga lang ay nagtataka siya sa mga patak ng dugo sa sahig nang bigla na lamang itong nawala doon. Sigurado kasi siyang may pumatak na mga dugo dahil kitang-kita niya 'yon, hindi niya lang siguro napansin na nilinis ito ni Alexander?
"You shouldn't walk this way Robin. This part of the Academy is dangerous."
"Ay pusang gala!"
Nabitawan niya ang libro na taban at nalaglag iyon sa lupa. Sa inis niya dahil sa pagkagulat ay hinarap niya si Alexander na nagsalita galing sa kanyang likuran.
Papatayin niya ba ako sa nerbyos?!
"Bakit ka nang-gugulat?!" Sabi niya sa lalake. Napansin niya ang ilang detalye na nagbago sa lalake. Wala na ang coat ng uniform nito at puting polo nalang ang suot ngayon. Nakabukas ang tatlong butones ng puting polo at gulo-gulo din ang buhok. Napansin niya pang mayroong mga pulang patak ang polo nito sa gawing dibdib.
Nang titigan niya ng mariin ang parte na iyon at lumapit bahagya ay tinabanan siya sa noo ni Alexander at iniatras palayo dito.
Sigurado akong hindi lang basta patak ang mga iyon... parang dugo?
"Ano 'yang nasa polo mo?" Tanong niya habang nakatingin pa rin siya sa polo nito. Para kasing hindi normal ang mga pulang patak na iyon sa kanyang polo lalo na at puti pa ang kanyang suot.
Parang patak ng dugo talaga.
"None of your business. Why are you still here? And why are you so slow?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
Humalukipkip si Robin sa harap ng lalake at pinulot ang mga libro na nailaglag niya dahil sa gulat. Pauwi naman siya talaga eh! Talaga lang din na mabagal siyang maglakad at hindi magawang maging mabilis dahil sa mga iniisip niya.
"Wala ka nang pakialam doon Mr. Goodnight. Isa pa bakit ikaw ay nadito pa rin? Ano rin ang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na." Tanong niya. Umiwas nang tingin ang lalake sa harapan niya at kinamot ang likod ng tainga.
Akala mo naman ito ang may-ari nang paaralan nila, Akala mo rin ito guwardya kung makatanong kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa Academy.
"I was just asking because it's too dangerous too stay here at this hour." Sabi nito at humawak sa tainga.
May ano ba sa tainga niya at panay ang hawak niya don?
Then she saw his earring nang mgawi ang paningin niya sa tainga nito. Napansin ni Robin ang cross earring nito na tinamaan ng liwanag ng buwan. His earring made his appearance look cool at hindi niya maiwasang hindi hangaan iyon sa lalake.
"Uuwi na ako. Mas gagabihin ako kung hindi pa ako uuwi at makikipag-usap na lang sa 'yo."
Sabi niya at tumalikod na dito. Pero agad ding napabalik nang tabanan ni Alex ang kanyang kamay.
"I will walk with you. It's not safe to be alone at this hour."
Oo at kanina pa siya natatakot na baka mamaya ay may magtangka sa kanya ng hindi maganda sa lugar na iyon lalo pa at madilim. May nabalitaan na rin kasi siyang isang estudyante na nawala at natagpuan na lang na patay at walang dugo sa may ilog malapit sa Academy nila.
Natakot siya sa balita na iyon lalo pa at tatlong beses sa isang linggo ang subject nila na pang hating gabi. Hindi na rin naman siya nagpapa-hintay sa kanyang Dad dahil alam niyang pagod ito sa trabaho at mas kailangan umuwi nang maaga para magpahinga.
"I won't do anything bad. I am just offering to walk with you until you get home because I know you already heard about the incidents happened at the Academy."
Tama naman ito. Sige na nga at hindi na niya ito pagdududahan. Isa pa nagmamagandang loob na ito para ihatid siya kaya tatanggapin na niya.
"Sige.. at.. Salamat."
Nang magpatuloy siya sa paglalakad ay pinauna siya ni Alexander. Hindi si Robin mapakali dahil nasa likod lamang niya ang lalake at hindi nagsasalita. Hindi rin siya nagsasalita dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin niya. Siguro ay maganda pag-usapan na ang tungkol sa gagawin nilang project?
"Pag-usapan nalang natin iyong tungkol sa project."
"Next time be careful if you get wounded."
Napahinto siya sa paglalakad pati ito nang sabay silang magsalita.
"I-Iyong tungkol sa project sana.." Pagpapatuloy niya at nagsimula na ulit maglakad.
Ngayon ay sinasabayan na siya nito sa paglalakad. Nakalagay ang mga kamay nito sa mga bulsa at diretso lang ang tingin sa daanan. Sinusulyapan niya ito habang naglalakad. Patingin-tingin at kapag ito na ang titingin sa gawi niya ay iiwas na siya.
"Pwedeng gawin bukas.. kung mayroon kang oras."
"I have time."
Maikling sabi nito na ikinatango na lamang niya. She finds him rude at first when they met pero mabait at mahinahon naman niya itong nakakausap ngayon siguro ay may on and off ang kayabangan? ganoon rin ang kabaitan?
"I just don't like being in broad daylight. If you want to do the project outside to have an idea when we begin making the story."
Bakit naman? Mas okay nga iyon. Naisip din niya na mas gagana ang utak niya sa pag--iisip ng storya kung sa labas sila gagawa. She needs the natural noise from the surroundings. Chirping of the birds, ang ingay na nanggagaling sa mga puno kapag hinahangin ang mga ito at ang lagaslas ng tubig.
That's what she want. Maaari makapag bigay iyon at makatulong para makaisip siya ng magandang storya. After all you need a beautiful environment para gumana ang isip mo sa mga bagay-bagay.
"Sana.. Sana ay sa parke malapit sa likod ng Academy. Pero iko-consider ko ang sinabi mo kaya't siguro sa main library na lang."
Napatango-tango ito.
Nang wala nang nagsalita sa kanila ay nagfocus na lang siya sa paglalakad kahit medyo kinakabahan sa kasama. Siguro ay wala naman itong gagawin na masama dahil kanina nga ay tinulungan pa siya na makatayo at kinuhanan pa siya ng cold compress para sa ulo niya.
Habang naglalakad at malapit na sa gate ng Academy ay nakita niya iyong guard doon na nagbabantay.
"Ginabi na kayo mga Bata." Sabi nito habang nakatingin sa kanya ang Guard.
Ngumiti siya sa Guard at ipinakita ang mga libro na taban niya.
"Kami po iyong may klase na hanggang alas nuebe sa south building, Kuya. Natagalan lang din po dahil pinag-usapan pa ang tungkol sa Project na pinapagawa ni Professor Martinez."
Sabi niya dito. Napatingin naman si Robin sa kasama niya na parang may hinahanap ito dahil tumitingin sa paligid nila.
"Alexander?"
Hindi siya pinansin ni ng lalake at humakbang ito sa gawi ng Guard na parang may hinahanap. Para ring may inaamoy ito sa klase ng itsura.
Ano bang ginagawa niya?
"Ah ganon ba. Nakita ko nga din si Mr. Martinez, kaaalis-alis lang din niya."
"Opo, Kami po kasi ang last blck na hawak niya ngayon." Sabi niya dito. Ngumiti ang Guard sa kanya at muli ay tinitigan na naman siya. Nang maalala niya ang tinapay na baon ay ibinaba niya ang libro at hinahanap iyon sa loob ng bag, ibibigay niya sana ang tinapay sa guard nang bumalik sa harapan niya si Alex.
Kinuha nito ang mga libro niya na nasa baba at ito na ang nagbuhat. Nagulat din siya nang bigla nalang siyang tabanan ni Alexander sa kamay niya at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Tinitigan ni Robin ang Guard at nakangiti pa rin ito sa kanya, yumuko nalang siya bilang paalam dito dahil bigla nalang siyang hinila ng lalake. Ang bastos naman ng ginawa nito!
"Ano bang ginagawa mo? Alam kong mayabang ka at hindi namamansin kaagad pero kinakausap pa ako nung si Kuyang Guard hano? Sana hindi ka bastos na basta nalang akong hinatak paalis don."
Nakakainis naman kasi na bigla na lang siyang hinitak ni Alex paalis lalo pa at kinakausap niya ang Guard.
Hindi siya sinagot ni Alex at binitawan na lang ang kamay niya. May kinuha ito sa bulsa ng uniform nito at nakita niyang ang cellphone ang kinuha nito. Naiinis man sa ginawa ni Alex ay nagpatuloy na lang sa paglalakad si Robin.
"Xandro."
Pinakikinggan lang niya si Alex at hindi siya nagsasalita. Bahala na siya, basta't ang gusto lang niya ngayon ay makauwi na.
"Did you saw? I was here in front of the Academy... What? Where? I though the last one was..." Bago ituloy ni Alexander ang sasabihin ay napatingin ito sa kanya.
Xandro? Sinong Xandro? Sino ba ang kausap nito?
Napakunot ang noo ni Alex at para bang narinig nito ang sinabi niya. Ngunit ibinulong lamang niya iyon sa isipan niya. Bigla niya tuloy nakagat ang pang ibabang labi.
"Bring my car here. Yes, I was with my...
Muling tumingin sa kanya si Alex at siya rin ay napatingin muli dito. Parang may kakaiba sa mga mata nito dahil sa klase ng tingin na ibinibigay.
"No.. it's too dangerous to leave her. I will wait for you here."
Huminto sila sa may waiting area sa labas ng academy. Panay ang tingin ng kasama niya sa paligid sa relo nitong pambisig. Gusto na niyang itanong kung ano ba ang nangyayari dahil panay ang tingin nito sa kanya at tuwing may kakaluskos sa mga puno at gilid ay kaagad nitong pinupuntahan.
"M-May hindi ba magandang nangyari?" Agaw niya ng atensyon nito.
Alexander handed her the books at umiling sa kanya. Hindi siya naniniwala. Para bang nagbabantay ito sa klase ng reaksyon sa tuwing may maririnig na kaluskos.
"It's dangerous here at night."
Hindi niya alam kung anong klaseng pahamak ba iyon. Nang maalala niya 15 years ago, isang bampira ang humabol sa kanya sa loob ng gubat.
Hindi kaya?
"Aexander."
Tawag niya dito, ayaw niyang itanong pero parang may nagtutulak sa kanya na itanong dito ang nasa isip niya. The way he reacted was different. Lalo na kanina, at ang polong suot nito na pinaghihinalaan niya. Sigurado siya na hindi lang basta kung ano ang nasa polo nito at isa pa nakakapagtaka ang ikinikilos nito.
Tumingin sa kanya si Alexander at nagtatanong ang mga mata nito, nang hindi ito magsalita ay nagpatuloy siya.
"Do you believe in Vampires?"
Biglang dumaan ang malakas na hangin sa pagitan nila pagkatapos ng tanong niya na iyon. Rinig na rinig niya ang ingay na mula sa mga puno dahil sa lakas ng hangin.
She looked at him, Biglang dumilim ang mukha nito sa naging tanong niya at hindi nakalampas sa paningin niya ang pagtagis ng bagang nito. Nang magtama ang mga mata nila ay walang emosyon itong diretsong tumingin sa kanya.
Mukha siyang... galit
Nang muli siya sanang magtatanong dito ay naagaw ang paningin niya ng isang sasakyan na papunta sa gawi nila. It was a black sports car. Napatakip pa siya sa kanyang mga mata sa liwanag na nanggagaling sa sasakyan.
Bumaba mula roon ang isang lalakeng hindi nalalayo ng taas kay Alexander. Nang makalapit at mapagmasdan ay nakikita niya ang pagkakahawig nito at ni Alexander.
"Alex."
Tawag nito. Tumingin siya kay kay Alexander na nakatalikod na ngayon sa kanya at nakaharap na sa kadarating lamang na lalake.
"Take her home. She will tell you her address."
Nanlaki ang mga mata ni Robin sa sinabi ng lalake. Anong T'ake her home and she will tell you her address?!' Ang sabi nito ay ito ang makakasama niyang maglakad hanggang sa makauwi siya? What the hell? Ngayon ay ipapasa siya sa iba? Hindi naman sa may ibang laman ang nasa isip niya pero baka mamaya ay kung saan siya dalhin ng lalakeng kadarating!
"What made you angry brother?"
A-Angry? B-Brother?
"Where's the location Xandro?"
"Ano bang.. bakit? Hoy Alexander hindi ko kailangan ng sasama sa akin umuwi. Kaya ko umuwi mag-isa. Saka kung iniisip mo na responsibilidad mo ako kaya papasamahan mo ako sa lalakeng ito nagkakamali ka. Nagkita lang naman tayo kanina d'yan, saka partner lang naman kita sa project! at isa pa hindi ko naman yan kilala!"
She pointed the man at ang lalake ay itinaas lamang ang dalawang kamay sa kanya. Parang sa tingin nito ay sinasabing napag-utusan lamang siya at labas ito sa kung ano man ang ikinagagalit niya.
"He is my brother Xandro. Don't be stubborn Robin. It's dangerous here to walk right now. Siya na ang sasama sa 'yo hanggang sa makauwi ka sa inyo. Please cooperate this is for your safety."
Bakit akala ba nito ay hindi niya kayang depensahan ang sarili niya?
"I-I can save myself!"
Naiinis na siya ha! Pinapangunahan siya nito at hello? Ilang taon namana siyang nag-aaral sa Academy at ginagabi din siya ng uwi noon pero walang nangyayaring hindi maganda! Hindi lang niya alam ang tungkol sa mga nawawala at sa mga namamatay na estudyante!
"Oh really?"
Mukhang iritado na rin si Alexander dahil nang humarap ito sa kanya ay magkasalubong na ang mga kilay nito. Kaagad lumapit sa kanya si ang lalake na naging dahilan ng pag-atras niya. Nang mapasandal siya sa pader ng waiting shed ay itinukod nito ang kamay sa magkabilang gilid niya.
"Xandro is my brother Robin. He will bring you home. I need to finish something that's why I can't walk with you until you get home."
Namula siya ng marealise na parang ngang gusto niya na ito ang sumama sa kanya hanggang sa makauwi siya.
Itinulak ni Robin si Alexander at kaagad na lumapit sa sinasabi nitong kapatid.
"Bahala ka!"
She shouted before entering the car.