Chapter 6

2465 Words
Chapter 6 "I'm sorry that he needs to do that Miss. Simmonne." Naiinis pa rin ako kahit na nakaalis na kami sa Academy. Nag-usap pa sandali si Alex at ang kanyang kapatid bago kami umalis kanina. Nasa loob na ako ng sasakyan at nakikita kong patingin-tingin siya sa gawi ko. Robin talked to herself. Naiinis siya sa tinuran ng lalake ngunit nagpapasalamat pa rin dahil nag-magandang loob itong ipahatid siya sa kapatid.  Kung bakit may pupuntahan naman pala kasi ang lalake ay sinabi pa nito sa kanya na sasamahan siya nitong umuwi. Mapapag-usapan na din sana nila iyong tungkol sa project. "Ayos lang. Nagmalasakit lang din siya bilang kaklase. Delikado nga naman na maglakad pa akong mag-isa gayong hating gabi na. Marami din kasing hindi maganda nangyayari sa Academy nitong mga nakaraang linggo." Nakita niyang tumango-tango ito at ngumiti pa sa kanya. "I am Alexandro Marzelle Goodnight. Kapatid ako ni Alex, actually tatlo kaming magkakapatid iyong isa ay si Alejandro. Sigurado ako na makikilala mo rin siya one of these days." Ang weird ng apelyido nila pero ang gaganda ng mga pangalan. Pero anong sinabi nito na makikilala ko rin niya iyong Alejandro? Dapat ba na makilala niya silang tatlo? "Saan ba nagpunta si Alex?" Tanong niya dito nang hindi rin makatiis. Base sa nakita niya kanina ay parang may hinahanap si Alex noong nasa guard house sila. "He's just looking for a lost animal, Miss. Simmonne. Huwag ka mag-alala at mamaya lang din ay babalik na iyon. Kailangan lang niyang ibilin ka sa akin dahil baka mamaya ay makagat ka ng ligaw na hayop na iyon." Muling ngumiti si Xandro sa kanya. Hindi niya alam na may ligaw na hayop na din sa gubat? At bakit naman si Alex ang naghahanap sa hayop na iyon? Is he a hunter? Iyon ba ay trabaho ng lalake?  "Hindi ba mapapahamak si Alex? Kasi mag-isa lang siya.." I asked.  Baka mamaya ay delikado pala ang hayop na iyon? Nababasa niya sa mga libro ng wild stories na ang mga hayop sa gabi ay matatalas ang pakiramdam at mapanakit. Hindi niya alam kung bakit napalingon sya sa likod ng sasakyan. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala para kay Alex. "If you only knew what he can do. Hindi narinig ni Robin ang sinabi nito dahil mahina lamang ang pagkakasabi ni Xandro sa mga salitang iyon. "Hindi naman pala kalayuan ang bahay niyo sa school, Miss Simmonne" . "Hindi, malapit lang naman and please call me Robin masyadong pormal ang Miss. Simmonne. Halos hindi naman nagkakalayo ang edad natin." "I'm older than your parents just so you know." Hindi narinig ni Robin ang sinabing iyon ni Xandro dahil mahina lamang ang pagkakabanggit nito. She saw his playful smile after he said that. Pinagti-tripan ata siya ng lalake? Panay ang bulong nito. Nang marating nila ang bahay niya ay natanaw kaagad niya ang kanyang Ina sa labas ng gate na parang nag-aabang sa pagdating niya. Nag-iisa lamang ang bahay nila sa dulo bago makapasok ng gubat. Ang sabi-sabi pa nga ng ibang niyang kaklase dati ay iyong bahay na nilipatan nila ay may sumpa at marami na ang namatay. Wala ring nagpapatayo sa gawing parte ng lupaing iyon dahil marami na ang namatay doon. "Okay, Robin. I can see that you mother was so worried of you." Sabi ni Xandro at pati ito ay lumabas na para batiin ang kanyang Ina. "Goodevening po, Miss Si.monne." Yumuko si Xandro sa kanyang Ina at bumati. "I'm Alexandro Marzelle Goodnight. Inihatid ko lang po si Robin dahil masyado nang delikado para maglakad pa siya ng hating-gabi." Ngumiti ang kanyang Ina pero hindi nakalampas sa paningin niya ang pagtingin nito mula sa kanyang likuran. Para bang si Alex kanina na may hinahanap. "W-Wala namang nangyari na kakaiba habang pauwi kayo?" Tanong ng kanyang Ina. "Wala naman po Mom, Pero sabi ni Xandro ay may hayop na nagpapagala-gala sa lugar kaya inihatid na din niya ako. Totoo po ba Mom? Dapat ay wala po kayo sa labas at delikado. Malapit pa din po sa gubat itong tinitirhan natin." Sabi niya sa Ina. Ngumiti sa kanya si Ramona at pinisil ang kanyang kaliwang kamay. Pagkatapos ay inimbitahan nitong pumasok si Xandro sa loob pero ang huli ay tumanggi na. "Kahit sana ay magkape ka muna?" Sabi ng kanyang Ina dito. "Hindi na po Miss Simmonne. Tutulungan kopa ho kasi sa paghahanap ng nawawalang hayop ang kapatid ko. Baka po kasi marami ang masaktan kapag hindi kaagad namin nakita." Hindi alam ni Robin kung bakit parang may kakaiba sa bawat ngiti na iyon ni Xandro. Katulad ni Alexander ay may cross na hikaw din ito ngunit nasa gawing itaas naman ang kay Xandro. Ang kulay ng mga mata ni Xandro ay emerald green ngunit si Alex naman ay kulay blue na parang kasing kulay ng karagatan. Malalaman din na magkapatid ang dalawa dahil sa may pagkakatulad ang hugis ng mukha ang mga ito at ilong. Hindi rin nagkakalayo ng taas. "Oh sige, Mag-iingat ka at maraming salamat sa paghahatid kay Robin dito sa amin. Pakisabi na din sa iyong kapatid na si Alexander na salamat." Sabi ng kanyang Ina. Nang makaalis si Xandro ay pumasok na sila ni Ramona sa loob ng bahay. Nakita niya ang kanyang Ama na nasa sala at parang hinihintay din siya. "Nakauwi na po ako, Dad." Nagbabasa ito ng dyaryo at nang makita siya ay ibinaba nito iyon at ngumiti sa kanya. Dumiretso siya sa Ama at hinalikan ito sa pisngi. "Hindi ba kayo idinismiss ng maaga ni Martinez, Robin? Masyadong late na ang uwi mo ngayon. Siguro kailangan ko nang ipabago ang class schedule ng block niyo tutal ay kayo lamang ang may pinakagabi na klase sa buong academy." Umiling si Robin sa kanyang Ama. Ibinaba niya ang kanyang Bag at mga libro sa sofa at umupo doon. Ayaw naman niya na gawin ng Ama iyon dahil baka maging issue pa. Isa sa iniiwasan niya ay maging sentro ng usapan. Baka mamaya ay sabihin na malakas siya sa director at mapag-initan pa ng mga Professor. "Baka po Dad next time ay maaga na po. May in-announce lamang po kanina si Prof. Martinez at natagalan dahil pinaggrupo pa po kami sa dalawa para sa project namin na ipa-pass sa kanya. Ayaw ko din naman po Dad na gamitin nyo ang posisyon niyo para sa akin dahil lamang po dito." Sabi niya sa Ama.  Kahit na kasi anak siya ng Director ng Lazeu Academy ay walang pakialam ang ibang mga estudyante sa kanya. Hindi rin naman kasi siya nagsusumbong sa mga magulang. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. Ayaw din niyang bigyan ng hindi maganda imahe ang kanyang Ama kaya sa tuwing may hindi nangyayaring maganda ay sinasarili nalang niya. "Nangangamba din ako sa sunod-sunod na pagkawala ng mga babaeng estudyante sa Academy. Iyon ang isa sa pinapaimbestigahan ko sa Academy. Natatakot din ako para sa kaligtasan mo anak at ayoko naman na mapahamak ka. Kakausapin ko si Martinez bukas para maayos ang palilipat niyo ng schedule. Gagawin ko na lamang pang umaga o di kaya'y sa hapon basta wag lang masyadong gabi." Hindi na siya sumagot pa sa Ama. Ngumiti na lamang siya dito at muli itong hinalikan sa pisngi at ang kanyang Ina. Nagpaalam siya na aakyat na para makapagpalit ng uniform niya. Nang marating ni Robin ang kwarto niya ay kaagad niyang ibinaba ang bag at mga libro at nahiga na sa kama. Hindi niya maialis sa isip si Alexander at ang sinabi ni Xandro na gumagalang hayop dahil baka masyadong delikado iyon at masaktan ang lalake. "Pero bakit ba ako nag-aalala sa Alexander na 'yon? Malaki na siya. Alam na niya ang ginagawa niya sa buhay niya." Bulong ni Robin sa sarili. Bumangon si Robin at kumuha ng pamalit na damit. Bago pa siya pumasok sa loob ng banyo ay narinig niya ang Ina na kung magugutom siya ay iniinit na nito ang pagkain na kakainin niya. Habang nasa loob ng banyo at nakatingin sa salamin ay napataban si Robin sa kanyang leeg. Muntik na siya noong makagat ng bampira sa leeg kung hindi lamang siya iniligtas ng batang may nakakamanghang mga mata. Nagpapasalamat siya na simula noon ay hindi na naulit ang trahedyang iyon. labing limang taon nadin nang mangyari iyon sa pusod ng gubat. Hindi naman sana siya mapupunta sa ganoong sitwasyon kung nakinig siya sa Ina na wag nang lalabas nang bahay. "Nasaan na kaya ang batang lalake na iyon?" Bulong ni Robin habang nakatingin sa sarili sa salamin. Ipinagpatuloy ni Robin ang paliligo. Habang iniisip ang mga nangyari noon sa kanya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang lahat. Pero ang mukha ng batang lalake ay hindi na niya maalala pwera lamang sa kulay ginto nitong mga mata. "Robin anak.. Don't forget to eat your dinner okay?" Narinig niyang sabi ng kanyang Ina sa labas ng pinto ng kwarto nya. "Opo Ma! Kakain po ako pagkatapos ko dito." Sigaw naman niya mula sa banyo. Nang makatapos maligo at makapagbihis ay lumabas na siya. Pinupunasan pa niya ang basang buhok na tumutulo. "Sana ay okay lang siya at nasa mabuting kalagayan ngayon." She can't help but to remember what the kid said to her.  "Don't be scared. I'm a half vampire half human. I also live here in the human world. Binubura ko ang mga hunger vampires sa mundo niyo para maging normal at balanse pa din ang takbo dito." "Hunger Vampires..." Naibulong niya. Kung ganoon ay isa itong taga-pagtanggol para sa kanilang mga tao? Dahil sa Half Human half Vampire ito at isa ito sa pumapaslang ng mga masasamang bampira katulad ng Hunger Vampire na humabol sa kanya noong bata sya. Simula nang mangyari ang nakakatakot na ala-ala na iyon sa kanya noong bata siya ay hindi na niya nakalimutan ang batang tumulong sa kanya. She always include him on her prayers.  "If he's a half human half vampire na pumapaslang sa mga masasamang bampira then that means that He is here in our world still looking for Hunger Vampires and protecting the human kind?" "What do you know about Hunger Vampires?" "Ay palaka ka!" Nalaglag ang tuwalya na ipinupunas ni Robin sa kanyang buhok dahil sa biglang nagsalita na iyon. Iginala niya ang kanyang paningin kahit na natatakpan ng basang buhok ang kanyang mukha and there she saw Alexander Mitchell Goodnight laying on her bed. Topless. "What are you doing here?!" "Bumaba ka nga sa kama ko!" Sigaw niya.  Dahil sa napalakas ang kanyang sigaw ay narinig ata ng kanyang Ina kaya umakyat ito papunta sa kwarto niya. Nang nasa tapat na ito ng pinto ay naramdaman ni Robin iyon kaya kaagad siyang lumapit sa pinto para pigilan nito ang pagbukas. Pinanlakihan ni Robin ng mata si Alex na nakahiga pa rin sa kama niya. "Anak may kasama ka dyan? Bakit ka sumigaw?" Tanong ng kanyang Ina. "M-Mom, wala po. Y-Yung sa project po kasi namin na paggawa ng story kailangan po kasing praktisin ko ang linya dahil inanarrate po sa buong klase." Sabi ni Robin sa kanyang Ina at mukhang napaniwala naman ito dahil nagpaalam na din. "Oh sige, wag ka masyadong magpagabi ha? Hindi ba at maaga pa ang pasok mo bukas?" "O-Opo." Nang marinig ni Robin ang yabang ng Ina na palalayo na ay nilock kaagad ni Robin ang pinto. Dumiretso siya sa kanyang bintana at isinara iyon at itinabing ang kanyang itim na kurtina. "What the hell are you doing here? and for pete's sake bakit ka nakahubad? Where's your polo?" Tanong niya kay Alex. The guy has the nerve to enter her room without her consent! at katulad kanina ay walang ka emo-emosyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Ang itim na pantalon na lang nito ang natitirang suot ng lalaki at nakalantad sa harapan niya ngayon ang topless na katawan nito. Nasaan na ang suot nitong long sleeve polo kanina? "I was just checking if nakauwi ka ng ligtas." "Xandro said you're sad that's why after I finished something dumiretso na ako dito. Your house is near the forest. It's not safe. Can you tell your family to move in the city?" Huh! Anong I am sad? at anong pakialam niya kung dito kami nakatira malapit sa forest? Sinabi ba talaga iyon ng kapatid nito na malungkot siya? baka iba naman ang interpretasyon ng kapatid nito sa nakitang itsura niya kanina sa cotse. "I am happy!" Sabi niya dito at ngumiti. Pero hindi ata ngiti ang nagawa niya. "Saka pwede ba magdamit ka nga! Bakit ba nakahubad ka? Nasaan iyong polo na suot mo kanina?" Hindi niya kasi ito matingnan ng diretso dahil sa hubad ang pang itaas nito at isa pa nakalantad din sa kanya ang mga pandesal nito sa katawan! Nadi-distract siya ng tanawin na iyon at para bang kahit kaliligo lang niya ay iniinit siya! "My polo was stained that's why I removed it. So back to my question Robin." Tumayo na ito mula sa pagkakahiga sa kama niya at lumapit sa kanya. Alexander was intimidating. Parang hinihigop ng mga mata nito ang pagkatao at lakas niya. Nang sobrang lapit na nito at wala na siyang maatrasan dahil nasa likod na siya ng pinto ay inabot ng lalake ang mahaba at basa niyang buhok. "What do you know about Hunger Vampires? How did you find out about them?" Seryosong tanong nito. Nang mas lumapit si Alex sa kanya ay naibaba niya ang tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito, nang unti-unti paring lumalapit ay natabanan na niya ito sa dibdib para pigilan pa ang mas paglapit nito sa kanya. She is shaking right now! Hindi siya takot pero may kung ano siyang nararamdaman ngayon na hindi niya maipaliwanag. Why is he asking about Hunger Vampires? Siguradong hindi din naman ito maniniwala sakaling sabihin niya ang tungkol doon. Baka pag-isipan pa siya na nababaliw na siya. "W-Wala akong sinabi, anong H-Hunger Vampires? I don't believe in vampires. W-Walang ganoon. " "Liar." Umangat ang tingin niya kay Alexander, nang magtama ang mga mata nila ay sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya. Lalo na nang mas bumaba ang mukha nito papunta sa kanya. "Do you believe in Vampires?" Umahon ang kaba sa dibdib ni Robin sa naging tanong ng lalake sa kanya. Of course. She's just denying it. Alam niya na nag-eexsit ang mga bampira sa mundo nila at hinahanap pa niya ang bata na nagligtas sa kanya sa Hunger Vampire noon.  But I need to keep it a secret. Baka magkagulo kapag may nakaalam na may mga Bampirang naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang malamig na mga mata ni Alexander ay diretsong nakatingin sa kanya. Napaawang ang mga labi niya nang ibalik sa kanya ng lalake ang itinanong niya dito kanina. What she didn't expect is when Alexander's face slowly dropped on her neck. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito doon sa gawi ng kanyang leeg. Hindi na siya mapakali, itutulak na niya sana itong muli nang ang kaliwang kamay niya ay itaas ni Alexander sa kanyang uluhan. "A-Alexander, what are you doing?" She lost it when Alex lick her neck. Sa gulat at hindi inaasahang pangyayari ay napataban siya sa buhok nito dahil sa ginawa nitong iyon. "Shit." "Call me, Alex."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD