Chapter 33 Naging matunog ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Professor Martinez, kung bakit? Iyon ang hindi niya alam. Hindi niya ugali ang magpakalat ng kwento lalo na at confidential ito at tungkol pa sa kanyang pamilya. Nagulat na lang siya nang umagang-umaga pagpasok niya ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Ang iba ay may awa sa mga mata at ang iba naman ay masama ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon, na walang-wala na siya ay hindi pa rin siya pinapatahimik ng mga ito. Unang araw ng pagdiriwang ng ika Walampung anibersaryo ng Lazeu Academy, wala sana siyang balak na pumunta ngunit naisip niyang wala naman din siyang gagawin sa bahay kaya't pumasok na lang siya. Harapan pa lang ng Academy ay makikita na na pinaghandaan ang araw na ito. Ang alam

