Chapter 34 "Alex? Ipinapatawag na kayo sa ibaba. Kung ano man ang ginagawa niyo pwedeng mamaya niyo na ituloy? Nagugutom na kasi kami." Naitulak ni Robin si Alex nang marinig niya ang boses ni Khia sa tapat ng pinto. Dahil sa hiya ay nauna na siyang lumabas. Hindi niya kinausap si Alex, hindi niya rin ito tiningnan nang humiwalay siya dito kanina. Dumiretso siya kaagad sa pinto. Nang buksan niya ang pintuan ay nakangiting mukha ni Khia ang bumungad sa kanya. Sa klase ng ngiti nito ay hindi niya gustong marinig ang kung ano man ang nais sabihin nang babae. "Tagal ah? Anong ginawa?" Tanong sa kanya ni Khia, umiling lamang siya at hinila na ito paalis sa silid. Narinig naman niya ang pagsara ng pinto at mukhang nakasunod na din sa kanila si Alex. "Ayaw nga ka 'yong pa istorbo ni Tito Ale

