Chapter 35 Napayuko din siya at pinunasan ang nanlalagkit na pisngi. Wala naman siyang lakas ng loob na ipagtanggol ang sarili. Nagpapasalamat siya kay Miss Alina dahil tumatayo ito ngayon para sa kanya. "Mary Gail, sumunod ka sa akin. Mag-uusap tayo sa faculty office." Iyon ang sinabi ni Miss Alina nang titigan nito ang Presidente ng klase nila. Nawalan naman ng kulay ang mukha ng babae nang marinig ang pangalan nito. "M-Miss... bakit po?" "Sumunod ka sa akin at doon mo malalaman kung bakit." Sabi ng Professor. Nang tumalikod ito sa mga estudyante nito ay ngumiti ito sa kanya. Nang lumapit ay tinabanan nito ang balikat niya. "Miss malagkit po ako, madudumihan kayo." "You don't deserve to be treated this way, Robin. Hayaan mo at ako ang bahala sa mga taong nasa likod ng pangyayaring

