CHAPTER 30 "Ayos lang. Anong oras ka uuwi? Kami ni Xandro ang maghahatid sa 'yo. Gagabihin kaba ngayon?" Nahihiya na siya sa mga ito dahil kung hindi siya dinadalhan ng pagkain ay ihahatid naman siya pauwi. Ipinaggrocery pa siya ni Alejandro noong nakaraan, pinagbawalan na nga niya si Alex dahil hindi pa niya bayad iyong mga binili nito noong unang araw na nagkasakit siya. "K-Kaya ko naman ang umuwi mag-isa saka may pupuntahan ako ng alas singko." "Saan?" Sabay na sabi ng dalawang magkapatid. Napatingin pa siya dito. Pati na si Khia at Marcus. "A-Ah, sa bahay nila Sir Martinez." Sabi niya. Nang makarating sila sa Main Library ay nagpaalam si Khia at Marcus na hahanapin si Johnny. Uuwi nadin kasi ang mga ito at mauuna dahil kailangan bumalik sa Lost World. Sa bahay ng mga Goodnight pa

