Chapter 93 Dinala sila ni Jackson sa tahanan ng mga ito. Noong una ay ayaw niyang pumayag ngunit dahil sa tatlong diwata ay napilit na siya ng mga ito na sumama. Habang nasa daan ay panay ang tingin sa kaniya ng ibang mga kalalakihan lalo na ang mga kababaihan. “H-Hindi ba nakakahiya na tutuloy kami sa inyo?” tanong ni Robin kay Jackson. Nginitian lamang siya ng lalake at umiling. “Ang tingin ng mga babae sa iyo mahal na prinsesa ay kakaiba, parang nais ka nilang kainin, ang sasama ng kanilang mga tingin sa iyo,” sabi ni Liva. Iyon nga ang kaniyang napansin. Naalala tuloy niya ang pamimilit sa kaniya kanina ng tatlong diwata. “Kung nais niyo at tumuloy muna tayo sa aming tahanan, para makapagpahinga na rin kayo at para makakain,” sabi ni Jackson. Nang marinig ng tatlong diwata ang s

