Chapter 23 Hindi nanatili ng matagal si Robin sa bahay ng mga Goodnight. Nagpalipas lamang siya ng gabi doon at kinabukasan ay maaga siyang inihatid ni Alejandro sa kanilang bahay. Nang makarating siya sa kanyang kwarto ay hindi niya maiwasahan hindi alalahanin muli si Alex. Ang sabi ng Ina nito na si Meredith ay hanggang madaling araw pa bago makalaya si Alex. Kung ganoon ay tuwing kabilugan ng buwan nakakaranas siya ng matinding sakit at pagka-uhaw para sa dugo ng tao? Maling-mali ang naging hakbang ko kagabi dahil mas pinahirapan ko pa pala siya. Tumingin si Robin sa salamin sa kanyang kwarto at pinagmasdan ang braso na may benda. Siguradong kung nabubuhay ang kanyang Ina ay sobrang mag-aalala ito sa sinapit niya.Dahil wala naman siyang gagawin sa bahay at tiyak na maiinip lamang siy

