Chapter 22 Nang makaalis si Alex ay may kumawalang mga luha sa mga mata ni Robin. Kaagad niya itong pinalis at tumayo upang kunin ang mga gamit niya. Kahit na masakit ang kanyang braso ay pinilit niya ang sarili na tumayo. Iniwan siya ni Alex. Hindi siya makapaniwala sa nakitang galit sa mga mata nito kanina habang nakatingin sa kanya. Para bang isang napakalaking kasalanan ng pag-alok niya para sa kanyang dugo, Ang nais lamang niya ay makatulong dito ngunit sa nakita niyang reaksyon nito ay mukhang napakalaking kasalanan ng kanyang ginawa. "Robin..." Napalingon si Robin sa gawi ng bintana at nakita niya si Xandro kasama nito si Khia na nakangiti sa kanya. "Ipinadala kami ni Alex." Sabi ni Xandro at napatingin ito sa kabilugan ng buwan. "Hindi niya kayang tiisin ang dugo ng tao tuwin

