CHAPTER 41 “Hindi ko nga po alam nung una kung paano ako mag-sisimula. Halos hindi po ako makabangon, napakahirap pong tanggapin ng nangyari sa pamilya ko.” Mahirap tanggapin para sa kanya, lalo pa at ang may kagagawan ng pagkawala ng kanyang pamilya ay ang kaibigan ng kanyang ama, si Professor Martinez. Ang taong nagsabi na tutulungan siyang makuha ang hustisya para sa kanyang pamilya. Ito pala ang taong may kagagawan ng lahat. “Hindi ko po inaasahan na isang malapit sa ama ko ang makakagawa no’n sa aming pamilya.” Hinawakan ni Constancia ang mga kamay ni Robin na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Mahirap mag-isa at iyon ang pagsubok mo ngayon. Naniniwala ako na ginagabayan ka ng iyong pamilya sa bawat desisyon na gagawin mo,” “Narito lang

