Chapter 42 Naibaon ni Robin ang kanyang mukha sa unan na kan'yang taban. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi at ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. “Huwag kang kiligin masyado,” “Gusto ko mang malaman pa kung paano kayo nagka-kilala at naging malapit ay hindi ko na aalamin. Hahayaan ko na ikaw na mismo ang magsabi no’n sa akin.” Hindi ko rin alam ano mga dapat kong sabihin, halos lahat ng oras na nakasama ko si Alex noon ay tuwing napapahamak ako. Hindi ko naman maaaring sabihin iyon kay Conny dahil tiyak na matatakot siya at baka kung ano ang mangyari sa kanya at sa pamilya niya. Tumingin si Robin sa kaibigan, tahimik na ito at hindi na nagtanong pa. Mukhang inaantay lang din ni Conny na magsalita siya sa huling sinabi nito. “Pasensya ka na at hindi ko agad

