Chapter 87 “Mukhang magaling ang nilalang na nag-utos sa kanila, Alex, upang hindi makapagsalita ang mga ito kung sino ang nag-utos sa kanila ay sa tingin ko’y naglagay ng itim na mahika ang nilalang na ‘yon upang hindi natin matunton ang kinalalagyan nila,” sabi ni Nathalia. Kahit gaano pa kagaling o kalakas ang mga ito, hindi niya siya matatakot, kinakilangan niyang makita si Robin. Kailangan niya itong mailigtas. Hinihintay na niya ako, at isang linggo na ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap. Habang naglalakbay sila papunta sa kastilyo ng Verthron ay nakasalubong sila ng iba’t-ibang klase ng mga nilalang. Noon lamang napagtanto ni Alex kung gaano kadelikado maglakbay sa lost world kapag isa ka lamang normal na tao at walang kakayahan. “Malapit na tayo,” sabi ni Nathalia na na

