Chapter 88 Nang marating nila ang harap ng kastilyo ng verthron ay may nakita silang lalake na nakatayo sa labas ng pintuan papasok. Ang lalake ay nakadamit ng sa mga wizard at may tungkod itong hawak. “Iyan si Conji, matandang wizard na nagsisilbi sa pamilya ng mga verthron, ang tanda na niya, sabagay dalawampung taon na ang nakakalipas,” sabi ni Nathalia na hawak ni Xandro. Nang makalapit sila sa matandang wizard na nagngangalang Conji at sinalubong sila nito ng ngiti. “Maligayang pagdating sa kastilyo ng verthron, Alexander Goodnight,” sabi ni Conji sa kaniya. Hindi siya sumagot sa matanda at tinitigan lamang ito. Nakangiti ang matandang wizard sa kaniya at pagkatapos ay inilahad ang kamay. “Ikinagagalak kong makita ang susunod na hari ng mga bampira, marami akong nababalitaan na

