Chapter 89

2072 Words

Chapter 89 “Takbo, takbo, takbo, takbo!” mahina ngunit madiin na sabi ni Lica. Dahil sa maluwang ang kastilyong iyon ay hindi kaagad sila nakalabas. Mabuti na lamang at alam ng tatlong diwata ang pasikot-sikot sa loob ng kastilyo. “Nawawala ang mahal na prinsesa!” sigaw ng isang kawal. Hindi huminto si Robin sa pagtakbo habang sinusundan si Liva, ito kasi ang nauuna sa kanila at sinusundan lamang niya. Kanina nang lumabas sila ng silid ay malaki na ang apoy doon. Ngayon ay naririnig naman niya ang yabag ng mga kawal na tumatakbo papunta sa silid na nasusunog. “Bakit kasi may apoy iyong lampara mo, Liva?! Kung masunog itong kastilyo ng tharbun?!” sita ni Lica sa mahinang boses. Wala nang panahon para magsisihan pa sila. Walang lingon likod na tumatakbo si Robin habang may mga nakaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD