Chapter 90 “May alam akong lugar kung saan puwede muna tayong mamalagi,” sabi ni Liva. Napatingin si Robin kay Liva, narito sila ngayon sa bukal at umiinom ng tubig. Mayroon din silang mga nakitang prutas kanina na nadaanan at sabi sa kaniya ng tatlong diwata ay hindi nakakalason iyon at ligtas na kainin. “Oo nga! Oo nga!” sabi naman ni Lica. “Saang lugar naman?” tanong ni Robin. Nakaupo sila sa ilalim ng puno, naroon sila upang magpahinga, malayo na ang kanilang nalakad at sinigurado nila na wala na sila sa lupain ng tharbun. Naging maingat din sila sa mga dinaraanan, sinabi ng tatlong diwata sa kaniya na maraming patibong sa mga gubat na gawa ng mga goblins at duwende, mayroon ding mga buhay na halaman na nangangain ng mga tao kaya’t kinakailangan nilang mag-ingat. “Sa lupain ng

