Chapter 91 Hindi na nag-abala pa si Alex na lingunin sa huling sandal ang hari ng verthron. Kung ayaw sila nito na tulungan ay wala na silang magagawa pa. Hindi niya lubos akalain na ganoon na ang paniniwala ng hari na wala na talaga ang kapatid nito at matagal nang patay. Hindi ko siya masisisi, maraming nagpakilala na impostor sa kaniyang kastilyo at pinagtangkaan pa ang buhay ng kaniyang kabiyak. Nang makalabas siya ng throne hall ay kaagad niyang nakita ang kaniyang mga kapatid na sina Alexandro at Alejandro. May kausap ang mga ito na kawal at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. “Xandro, Alejandro, umalis na tayo rito,” sabi niya sa dalawa. Kaagad na napalingon ang kaniyang mga kapatid nang marinig ng mga ito ang boses niya. “Agad? Pero wala pa si— Hindi natapos ni Xan

