Chapter 81 “Alex!” Mabilis na iniwasan ni Alex ang itim na mahika na muling tatama sa kaniya. Namapura siyang muli nang madaplisan siya no’n sa kaniyang braso. “Xandro!” sigaw ni Alex nang makita itong tumakbo upang harangan siya sa susunod na pag atake. Mabilis naman na nagpakawala si Alex ng kaniyang kapangyarihan upang maharangan ang mahika na tatama sa kanila. “Black magic!” sigaw ni Nathalia sa kaniyang likuran. Tatlong mga black wizards ang bigla na lamang umatake sa kanila, ang isa sa mga ito ay nagmula sa ilalim at iyon ang umatake sa kaniya. Hindi niya kaagad naramdaman ang presensiya ng mga ito kaya’t hindi siya nakapaghanda ng atake. Nakita ni Alex na sumugod si Alejandro sa isang blakc wizard, nagpakawala ito ng kapangyarihan at sing bilis ng hangin na lumapit sa black w

