Chapter 80 Si Alex, Xandro at Alejandro ay tutungo papuntang Verthron upang kausapin ang hari at ipaalam ang tungkol kay Robin. Habang sila Khia naman ay sa Perizonia Castle pupunta upang magtanong sa mga naroon kung mayroon bang nakakita kay Robin. Hindi man nila alam ang mga susunod na mangyayari ay inihahanda na nila ang kanilang mga sarili. Nakatanggap sila ng balita mula sa council na kung ano man ang kahihinatnan ng kanilang gagawin ay wala nang kinalaman ang council sa kanila. Kung mamatay man sila sa kamay ng bawat kastilyo ay walang paghuhukom na magaganap. Noong una ay ayaw pumayag ng mga ito na bigyan sila ng permiso sa bawat kastilyo na kanilang pupuntahan. Nakiusap lamang si Aleister at Meredith sa mga ito. Dahil si Aleister ang hari ng mga bampira ay nakakuha ito ng pahint

