Chapter 50 Nang makarating si Alex sa kanyang mansion ay hawak ni Xandro sa leeg ang Hunger Vampire na nahuli nitong namimiktima sa gubat. Dalawang babae ang kamuntikan na nitong mabiktima kung hindi lamang ito dumating. “Ilan ang nawawala pa at ilan pa ang kailangan hanapin?” tanong ni Alex sa kapatid. “Isa, si Alejandro ang naghahanap. Kasama niya si Marcus. Hindi ko alam kung nasaang parte na sila ng gubat, ang sinabi lang sa akin ni Alejandro ay naamoy niya ang hunger vampire sa north.” Sa north maraming mga kabahayan, delikado kapag napunta doon ang hunger vampire. Kailangan na nila iyong mahanap kaagad. Nang mapatingin si Alex sa Hunger Vampire na nakaluhod sa kanyang harapan ay sinipa niya ito. Kaagad na tumilapon ang Hunger Vampire at tumama ito sa pader sa harap ng kanyang ma

