ANOTHER DAY passed like a blink of an eye. Maayos namang natapos ang buong araw ko sa shop ko dito sa Manila.
I sighed. "Kuya Chase, did you already made an appointment with Miss Francheska? Iyong nagpunta dito sa shop kanina? Hinahanap ka, kaya ibinigay ko na lang 'yung personal number mo."
Kuya Chase hissed at me. "Baby sis, bakit hindi mo tinanong sa akin kung okay lang?" Umirap pa ito sa akin at sumipsip sa hawak niyang avocado shake. "Pinangunahan mo ako."
"Bakit? Kailangan ka nga daw niya." Giit ko.
We are currently in my little office. Nagpapalamig sa buong maghapong trabaho. Tumuloy siya dito pagkagaling sa headquarter nila. Hindi pa niya binibitawan ang pagiging Major kahit na siya at si Kuya Mike ang nagma-manage ng kompanya namin.
Sumimsim ako sa hawak kong milktea bago tumitig sa kaniyang mga mata. May nabanaag akong sakit at pagod 'dun.
I sighed heavily. "I'm sorry, Kuya. Alam mo namang pure business ang mga ginagawa ko. Hindi ko dito isinasama ang personal life ko." Mahinahon kong kausap sa kaniya. "Kung okay lang sa'yo, ako na ang kakausap sa kaniya bukas, 'kay?"
His eyes lit up. "Talaga baby sis? Okay!" He sighed in relief. "Buti naman. Kanina ko pa pinoproblema 'yan."
"Bakit? May past ba kayong dalawa?"
Muntik na nitong maibuga ang iniinom niya sa mukha ko. Bigla tuloy akong napangiwi.
"Tsk. Uwi na nga tayo. Ako na ang magmamaneho." Iwas nito ng tingin.
Tumawa ako ng malakas. "Sus. Iwas pa more." Kinulbit ko pa ito. "Huwag kang feeling virgin."
His lips formed a thin line. Galit na ata.
Bago pa sumabog ang dragon sa kaniya, inabot ko na ang bag ko at biglang tumayo sa swivel chair. I dragged him out of the shop bago siguruhing nakapatay na nga ang mga appliances sa loob. Iniwan ko lang na bukas ang ilaw sa labas.
Nang makasakay na kami ay panay pa rin ang buntung-hininga nito na para bang dala na ang buong mundo.
"Tama na 'yan. Naku, Kuya kung hindi lang kita kilala, iisipin kong napakalaki talaga ng problema mo." Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nasa manibela. "Kung gusto mo, daan muna tayo sa mall, unwind."
At dahil likas na masungit ang Kuya kong 'to, tinabig ba naman ang kamay ko at sumimangot.
"Huwag na. Tuloy na tayo sa mansion."
A long silence surrounded the car. Hindi ako sanay na tahimik itong si Kuya Chase, pero hinayaan ko na lang dahil baka lalo pang maasar sa akin at mapukpok na ako sa ulo.
After an hour driving, we arrived safely at the mansion's entrance. Magsasalita na sana ako kaso ikinumpas niya ang kanang kamay at pumormang isini-zip ang bunganga niya.
I hissed. "Kuya naman eh."
He didn't answered me. Bakit parang ang laki naman ata ng kasalanan ko dito.
Umirap ako sa hangin at sumilip na lang sa labas. The night view of the mansion calms my nerves.
Napakunot ang nuo ko ng makita ang mga nakaparadang mga sasakyan sa parking lot ng mansion sa west side. May mga bisita ba?
Lumingon ako kay Kuya ng bigla niyang iliko ang sasakyan at balak atang mag-park sa kabilang side.
Kunot nuo akong nagsalita. "May mga bisita ba tayo?"
Kuya Chase just shooked his head. "Don't know."
As the car was successfully parked. Nauna na akong lumabas. Papasok pa lang ako sa main door, rinig ko na ang komosyon sa loob ng visitor's area.
I furrowed my brows at nagmamadaling tumungo sa ingay na naririnig ko. I was about to open the door when a loud bang echoed in the whole area. Mabilis akong napadapa. s**t! It's a gunshot. Saan 'yun nanggaling.
"Baby sis!" Kuya Chase's panting when he approached me and carried me in a bridestyle. Nanginginig akong humawak sa leeg niya at ipinulupot ang mga braso dito.
I am almost sobbing when I spoke. "K-kuya? What is happening? My...my daughter?" Kinakabahan akong tumitig sa mga mata niya.
He suddenly heaved a sigh. "Probably Mom's with her."
"Sana...s-saan ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong dahil lumiko kami pakanan kung nasaan ang underground room. Nadiskubre ko ito habang nagbubuntis ako sa anak ko.
Kuya sighed again. "Underground. Duon lang kayo safe. I need to know..." he was stopped from finishing his words when we heard a gunshot again. This time, malapit lang ito.
"Kuya!"
"Ssh. It's allright. If you are afraid, cover your ears, 'kay? I'm here. Malapit na tayo." Mahinang bulong ni Kuya.
I instantly covered my ears. Naririnig ko pa rin ang sunod-sunod na putok ng baril at halos panawan na ako ng ulirat ng biglang magmura si Kuya.
I looked at his eyes, they screams danger.
"We're here." Tumigil kami sa isang malaking pinto na may hand scanner.
"Ikaw na ang bahala. I've gotta go now." Mabibilis ang ginawang hakbang ni Kuya at naiwan akong nanginginig. Mariin kong kinagat ang pang-ibaba kong labi at ini-scan ang kamay ko. The door made a soft sound while slowly opening.
Nakita ko kaagad ang nagaalalang mukha ni Mommy ang sumalubong sa akin pababa ng hagdan.
"Baby! Thanks God, you're safe!" She suddenly hugged me tight.
May luha pa ang mga mata ko ng tumitig ako sa kaniya.
Hinanap agad ng mga mata ko ang anak ko. "My daughter, Mom?" I murmured.
"She's sleeping when the attacked hapenned. At mabuti iyon." Iginiya ako paupo ni Mommy sa isang steel bench kaharap ang mga CCTV monitor. Nanginginig kong hinanap sa monitor ang Kuya Chase.
Mom softly carressed my shoulder. "Inom ka muna ng tubig, anak."
I gave him a tired smile before accepting the glass of water. "Thank you, Mom."
Sumimsim ako ng tubig hanggang sa maubos ko ito. Unti-unti namang kumalma ang katawan ko.
I abruptly stood up. "Mom, punta muna ako kay Lemon."
Mom gently smiled at me. "Okay. Duon muna kayo sa room. Your daughter must be awake now."
Tumango lang ako at mabilis ang ginawang paghakbang sa kabilang pinto. The noise from above can't be heard here. Soundproof ang underground area na 'to at pinaka-safe dito sa buong mansion.
I opened the glass door. A familiar excitement covered me when I saw Lemon sleeping soundly in the white comfy bed.
Nakahinga ako ng maluwag sa nakita.
Nilapitan ko ito at hinalikan sa nuo. "I'm glad you're safe."
My daughter's snore is the best sound that I can't never get tired listening of. Inayos ko ang puting kumot na nakapatong sa maliit nitong katawan. The cold air coming from the AC was enough to completely calms me from wobbling.
Maingat akong tumabi sa mahimbing na natutulog kong anak, I carefully and gently flopped my elbow on the side of the bed, gusto kong panuorin ang pagtulog ng anak ko. Dito lang ako kumukuha ng lakas, sa anak at sa pamilya ko lang.
Nakaramdam ako ng panibagong kaba ng maalala ko ang nangyari noon, the enexpected attack, the night I lost myself to Isaiah, and the morning I was totally dumped by him. Paano kung ang unexpected attack na ito ay may masama ring bunga sa isa sa mga mahal ko sa buhay?
I was back from my usual self when a soft and small hands touched my face. I automatically smiled when an innocent black orb eyes met mine.
"My baby is awake now." Pinanggigilan ko ang matambok nitong pisngi at kinurot-kurot.
Lemon gave me her usual serious look that she inherited from his father. I felt a familiar longingness in my heart.
"Mommy, not my cheeks."
Natatawa kong pinaghahalikan ang buo nitong mukha.
I gave her a genuine smile. "Want some foods? Gusto mo bang lutuan ka ni Mommy?"
My daughter smiled. "Foods? Sige po. Pero hindi ka naman po marunong magluto eh." Lemon even pouted. "Baka masunog na naman po."
Malakas ang naging pagtawa ko. Totoo ang sinabi niya, hindi talaga ako marunong magluto kahit na anong gawin kong panonood ng iba't ibang tutorials sa internet. I even bought cook books about Filipino and Western recipe but I can't really learn from it. Pati nga si Mommy sinubukan na akong turuan pero walang epekto. Sunog, maalat, sobrang tamis o kaya naman over cooked. Wala akong mapag-pilian, magpa-deliver o kaya naman magpaluto kina Kuya o kaya kay Mom.
"Anak, masyado ka ring honest ha." Pinisil ko pa ang kaliwa nitong pisngi. "Marunong naman akong mag-bake ng favorite mong pancake."
Lemon pouted. "Pero dahil may pancake mix na."
I creased my forehead. "That's because your mom was not a good cook." Malungkot akong nagbuntung-hininga. "I even had a tutorial but still failed."
My daughter cupped my face with her cute small hands and kissed me in the nose. "But my mom is my hero. She's my idol."
My heart melted with what she said. This cute little Lemon can really make my heart flattered.
Inayos ko ang magulo nitong buhok at inipit sa gilid ng tenga nito. Masuyo kong pinagmasdan ang maliit nitong mukha.
Maingat kong hinaplos ang napaka-kinis nitong pisngi. I smiled genuinely before glancing at the wall clock hanging from the side. It's almost dinner time.
"Hmm, gusto mo bang manood muna sa tablet ko?" Marahan akong bumangon. "Kukunin ko lang sa bag ko. Sandali lang."
Nanlaki naman ang mga mata nito. "You'll let me watch Youtube?"
I nodded. Inabot ko ang inilapag kong bag sa side table at kinuha ang tablet. Lemon quickly sat beside me with her innocent eyes.
Matapos kong buksan ang tablet at i-connect sa WiFi ay iniwan ko muna ang bata sa loob ng kwarto. I was about to walk to the stairs para umakyat ng biglang bumukas ang pinto nito at pumasok ang mga kalalakihan.
My eyes widened at the sight of them. What the freak are they doing here? Sila ba ang sumugod?
Hinagod ko ng tingin ang kanilang mga katawan pero wala akong nakitang armas sa kanila, instead I saw Isaiah's shoulder bleeding.
Napaatras ako ng tatlong beses. This is not the scene I want to happen whenever our paths cross. Probably not.
I blew a hard breath. "A-ano ang ginagawa...niyo dito?" They are complete.
Walang umimik sa kanila. They all looked shock too. I looked at Isaiah who's struggling from his wounded shoulder. Hindi ko alam ang sakit na dumaan sa puso ko sa nakikita kong hirap at sakit sa mga mata ni Isaiah.
Fuck! I should not feel this.
But, I just found myself approaching him, inalis ko ang kamay ni Sun na nakahawak sa braso ni Isaiah at ako na ang umalalay dito pababa.
It was a complete silence. Walang gustong magsalita. Wala akong balak, basta, kinuha ko na lang ang first aid kit at tahimik na pina-upo si Isaiah, hinubad ang suot nitong black dress shirt. Walang angal na sumunod ito sa gusto ko, nakangiwi ang mukha at parang sakit na sakit. Sabagay, sino ba namang masugat ang hindi masasaktan?
After cleaning it with the alcohol, nilagyan ko na ito ng gauze at dahan-dahang hinaplos.
Fuck!
Tinapik ko ang pangahas kong kamay, bakit ba hinahaplos nito ang mokong na 'to?
Nakarinig ako ng mahinang tikhim sa likod. Napaharap ako sa mga kaibigan niya at isa-isa silang tinitigan. They all seemed afraid. Bakit naman sila matatatakot?
I sighed. "So? Ano, tatayo na lang ba kayo diyan? Ako pa talaga ang naglinis ng sugat nito?" Mariin ko lang tinuro ang nakayukong si Isaiah. "Ano ako? Nurse?"
"Sige na. Aalis na pala kami." Napa-irap ako sa sinabi ni Klade na ngayon ay hahakbang na sana patalikod.
Hinatak ko ang sleeves ng suot nitong damit. "Ano? Woyy. Doktor ka tapos hindi mo manlang nagamot ang kaibigan mo?"
Nanlaki ang mga mata nito at pilit iniiwas ang hinahawakan kong sleeves niya.
"Kasi...gusto niyang ikaw ang gumamot!"
My hands automatically froze. Nanlamig ang buo kong katawan at napalingon kay Isaiah na ngayon ay parang tangang naka-ngiti.
"Hi, sweetheart."
Ngali-ngali kong busalan ang naka-ngisi nitong labi.
"Dapat pala, pinabayaan ko na, ano? Para mabawas-bawasan ang mga manloloko at traydor sa mundo." I murmured.
Nag-iwas ako ng tingin kay Isaiah at nanghihinang umupo sa katabi nitong steel bench. Nakatunghay naman sa amin ang mga kaibigan nito.
I don't know how to act, how to talk, or even how to breath. Parang bumabalik iyong pakiramdam ko? Bakit parang tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko?
Damn! Masyado na atang nawili ang puso ko sa panonood ng mga korean dramas na ina-adapt na din nito.
Tinapik-tapik ko ang hita ko at kinakabahang napa-lingon sa pintong pinanggalingan ko ng bigla itong bumukas.
"Mommy! Pagod na po ang eyes ko!" Matinis na sigaw ng anak ko habang hawak-hawak ang tablet na iniwan ko dito.
Shit.
"Uh, anak. Balik ka muna sa loob." I said with an awkward smile. "May bisita lang si Mommy."
Masunurin naman itong tumango.
I sighed in relief. "So, where were we? Ah, gusto mong ako ang gagamot sa'yo?" I grinned. "Okay, sugatan ulit kita at gagamutin ko."
I wonder why Isaiah remained silent but when I looked at his eyes, I saw him looking at my exposed legs.
"What----"
The words I'm saying halted when he suddenly looked at my eyes and gently bit his lower lip.
Bastos pa rin pala.