Chapter Eighteen

2112 Words
THE NEXT two hours was a pure torture. Traffic sa EDSA, kailan ba kasi nagkaroon ng hindi maluwag na trapiko dito? Magaalas-otso na. Our family dinner is supposed to be in 8:30. Para hindi maboring sa traffic, binuksan ko na lang ang car stereo at nagpatugtog. Luckily, medyo nabawasan ang pagka-inip ko, but being stucked in a traffic jam like this, not a chance, talagang mas gugustuhin mo na lang umuwi ng madaling-araw dahil sa oras lang na 'yun ang kakaunti ang mga sasakyan. Naagaw ng pansin ko ang sticky note na inilagay ko pala sa dashboard. Pinasadahan ko ito ng tingin, may mga maliliit at cute na flower design ito. Hindi ko pa pala nababasa ang nakasulat. Mariin kong kinagat ang aking labi at inabot ito. It has a very beautiful handwritten on it. 'I miss you.' I knotted my forehead and read it loud. Hindi nagbago ang nakasulat. I just shrugged my shoulder and focused on the road. Kung sino man ang nagdikit niyan, wala akong pakialam. The past years in my life was a pure bliss. Nawalan man ako, may dumating naman. Nakakatuwa. Pagkatapos kong manganak, pitong buwan kaming nanirahan sa Oregon ng baby ko, siyempre kasama sila Dad at Mom. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako napunta kay Nanay. After a week nang mangyari ang pagkakakilala namin ng pamilya ko, nabisita ko na ang puntod niya, kasama ang asawa niya, pero hindi ako nagagalit sa kaniya, katunayan, nagpapasalamat pa nga ako dahil inalagaan niya ako in absense of my true parents. She is a true hero for me. Mom and Dad are still looking for a trusted person to investigate about my case, nagulat pa nga ako noong umiyak sa akin si Mom, hindi ako naniniwala. But they did a DNA exam, the result was 99.9%. They are my true parents. Hindi ko sila tinatanong kung paano nila nalaman na ako nga ang hinahanap nila dahil palagi nilang iniiba ang topic. I was suddenly disturbed by a phone ringing. It was my cellphone. Kunot-nuo kong inabot ito sa dashboard at tiningnan ang caller. Patay, si Mommy. Magi-eight thirty na pala. I cleared my throath. "Mom, hello." The other line was so loud. Parang may naga-away. Nag-choppy pa ang line at ng bumalik sa static ay malinaw na ang boses ni Mommy. "Anak, where are you? Na-traffic ka ba?" Malumanay ang boses niya sa kabilang linya. I sighed. "Yes, Mom. Missed ko na ang baby ko, tapos gutom na din ako." Mom chuckled. "Bakit, hindi ka ba kumain kanina?" "Kumain, kaso kulang. Missed ko na kasi ang mga luto mo." Naririnig ko sa background ang malakas na boses ni Kuya Malik na parang nagmamayabang na naman. "Hmm, mabuti naman. Nagluto ako ng mga paborito mo, we'll just wait for you at sabay-sabay na tayong kakain." "Sige po! Pero baka medyo matagal pa." Mom just sighed. "Ganun na nga. Naku, your brother Malik, naiinis na ako dito, lalo na ang dalawa mong Kuya, biruin mo, kinain ang lahat ng pasta na niluto ko. Tapos, siya pa ang may ganang magalit dahil bitin daw, aba. Naku." She sighed again. Humalakhak ako. Si Kuya Malik talaga ang pinakama-takaw sa amin. Pero minsan, nalalagpasan ko ang katakawan niya. "Alam mo Mom, hintayin niyo ako, ako ang bubugbog diyan, pasta is my favorite!" "Tsk. Nagluto pa naman ako anak. Sige na, mag-focus ka na sa pagmamaneho. Naku..." biglang tumigil si Mom sa pagsasalita at narinig ko ang matinis na sigaw ng anak ko. "Mommy ko!" I chuckled. "Yes, my baby?" "Mommy, uncle Malik pinched me!" Parang maiiyak na ang boses nito. "Oh, my poor baby. Where did he pinched you baby?" Paglalambing ko. Sa wakas, malapit na ako sa mansion. Natatanaw ko na ito. "My cheeks. It hults."(hurts) "Aww. Cute kasi ng pisngi mo baby." Lalo namang parang maiiyak na ang anak ko. Inagaw na naman ata niya ang phone kay Mom. "Mommy! Bully!" "Hindi na po baby ko. Sige na, ako na ang bahala kay uncle, 'kay? Malapit na si Mommy." Pang-aalo ko. "Sige na, give the phone to lola, bawal sa'yo ang humawak ng matagal sa phone." "Okay. Missed you, Mommy ko." The other line died. Nabawasan na kahit papaano ang pagkainis ko dahil sa traffic, narinig ko na ang boses na baby ko. Nang makapasok sa loob ng mansiyon ay halos takbuhin ko na ang dining room. Mabuti na lang talaga kanina pag-alis ko ay walang guard, hindi ko na kailangang magkunwari na may pilay. Tumatakbong bulilit ang sumalubong sa akin. Binuhat ko kaagad ito at pinaghahalikan sa buong mukha. Namumula nga ang kaliwa nitong pisngi. My baby is wearing a very cute black and pink baby dress. May cute na clip din sa side ng ulo nito. "Mommy ko! Kanina po, kinagat ako ng langgam, 'di po ba sila mamamatay?" Inosente itong tumitig sa akin. I knotted my forehead. "Kinagat ka ng langgam? Saan?" Maingat kong sinipat ang buo nitong katawan habang naglalakad papasok sa dining. My baby made a very cute sound. "Sa paa po. Hindi po ba sila mamamatay?" "Bakit naman sila mamamatay?" "Kasi nga po kinagat nila ako." "Baby, ants won't die if they bit you, pwera na lang kapag pinatay mo sila gamit ang kamay mo." "Ahh. Ganun po? Baba na po ako, Mommy!" Tinapik pa ng maliliit nitong kamay ang braso ko. Natatawa ko itong ibinaba. "Careful, don't run. Baka madapa ka." Pahabol ko ng bigla itong nauna sa akin. Nakangiti lang itong lumingon sa akin at nagpatuloy sa pagtakbo. When I successfully entered the dining, all eyes were set at me. Pinanliitan ko sila ng mga mata. "Hey, people!" Masaya kong saad. Dad just smiled while Mom hugged me. Ang mga kuya ko naman ay halos masasama ang mga tingin sa akin. I arched my brow. "What?" Kuya Chase tilted his head. "Tagal mo kasi. Gutom na ako." Napahakhak ako. Yes, familiar ba ang Chase na pangalan? Well, he's the former men in black in the past. Kasama si Kuya Mike. Nagulat nga talaga ako ng malaman ko 'yun, halos mahimatay pa ako. "Alam niyo. Dapat kasi kumain na kayo." Sarkastiko kong saad. Mabilis namang umawat si Mom dahil alam niyang magbabangayan na kami. But it was just for fun, hindi naman totohanan. "So, how's the opening? Maayos bang natapos?" Maya-maya ay tanong ni Dad. "Pasensiya na anak, I'm so busy kaya hindi na ako nakadaan." Sumubo muna ako. "Of course it end well. Ayos lang 'yun Dad, eh itong si Kuya Malik nga, hindi man lang ako hinatid kanina sa venue." Kuya Malik choked his food. "A-ako? Pinagalitan kasi ako ni Mommy." Uminom muna ito ng juice at nagpatuloy. "Tapos, may ginawa pa ako!" "May ginawa? O nakipag-usap lang sa mga babae mo?" I murmured. "Dami mo pa namang babae." Kuya Mike interfered. "Dad, Mom, I'm leaving the country tomorrow. Some business." The dining room suddenly became quiet. Natigil din sa paghagikhik ang anak ko. "Why so early? Akala ko ba next week pa?" Nagtataka ang boses ni Mommy. "Mommy, hayaan mo na 'yang si Kuya, alam mo na, sa ngalan ng pag-ibig." My lips formed a thin line at what Kuya Malik said. "Mike, you are the eldest, siguro tama nga iyang desisyon mo. Mana ka talaga sa akin, uunahin ang pag-ibig. Don't worry, sagot ko na ang ticket mo." Biro ni Dad habang sumusubo ng dessert. "Tsk. Alam mo, Frank paano magmamana sa'yo iyang mga batang iyan eh maganda at guwapo, bakit guwapo ka ba?" Singit ni Mom. We all laughed. "Lola, don't be so bad to Lolo, he's my favorite Lolo." Pagtatanggol ng bulinggit kong anak kay dad na ngayon ay naka-nguso na. Naku, parang binata pa kung umasta. "Oo nga naman, honey ko." Naglalambing na sang-ayon ni dad. "Guwapo kaya ako kaya nga pinakasalan mo." The whole dining became noisy and my daughter can't seem to get tired talking dahil ito na ang nangunguna sa pagsasalita. After an hour, we are now heading to our rooms. Karga-karga ko na ang tulog kong anak. Akala ko hindi tatablan ng antok ang batang 'to. Sinulit lang daw niya dahil aalis na bukas ang uncle Mike niya. Hindi ko alam kung anong meron sa love life niya basta ang alam ko, ate Kacy, his ex-girlfriend was in US. Maybe he's going to follow her there. Nakakainggit. Sana ganun din sa akin, susundan din ng taong gustong-gusto ko. Kaso hindi eh. Hindi ganun ang lahat ng lalaki. After setting my daughter to our bed, I took a quick shower and wore my black silk bathrobe. Tulog na tulog pa rin ang anak ko. Inayos ko na muna ang kumot at unan nito bago hinalikan sa nuo. I went to get my laptop and sat on the side of the bed. I need to settle some things for now. Maraming nagre-request nang meeting sa akin, wala akong sekretarya kaya naman lahat ng trabaho ay akin, but I enjoy it. Wala akong pinagsisisihan, I manage my own business without the help of anybody. I started this flower business after I gave birth to my daughter. Sa Oregon ko dapat talaga balak unang magtayo, but then, I realized na mas magandang dito sa bansa na lang mag-business. Nakipagsapalaran ako, and luckily, I suceeded. Nothing is impossible if you just believe in yourself. I opened the WiFi connection of my laptop and connected it to the mansion's WiFi. Maraming notifications agad ang dumating. Mostly from my email in my business. Matapos mag-reply sa lahat ng email ng mga clients ko, I checked my social media accounts. i********: is where I focus a lot. f*******: is second following by Twitter and Tumblr. Wala namang bago sa Insta. Halos updates lang lahat ng mga pina-follow kong mga cooking shows at mga celebrity. I was about to log out my i********: when a message pop out. It was from an unfamiliar username. From profile328: how are you? Napakunot ang nuo ko. Mariin kong tinitigan ang mensahe. I examined its profile but it was all black. Kagagawa nga lang ata ng account. micaliela: i'm fine. may i know who is this? are you one of my clients? profile328: nope! just one of your admirers! you look so beautiful in your latest update. I knotted my forehead. Tiningnan ko ang profile ko at na-realize na ang tinutukoy nito ay ang picture ko sa may likod ng mall kahapon. It was taken by Kuya Malik. "Aww. Talaga namang maganda ako, sabagay." I murmured. Hinayaan ko na lang ang last message nito at in-off na ang laptop ko. Inaantok na rin kasi ako. It is almost midnight now. Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagsampa ng maliit na katawan ng anak ko sa akin. This is my daughter's favorite position kapag nagigising ito at hindi ako nakayakap sa kaniya. "Hmm, baby ko?" I murmured and brushed her soft hair. "Hungry? Want some milk?" Umungot lang ito at hinigpitan ang yakap sa akin. My eyes are still half closed. "Mommy." "Hmm?" I slightly opened my eyes. "Why? Hindi ka ba makatulog? Hindi pa umaga anak ko." My daughter made a very cute sound. "I...I cried Mommy." I quickly opened the lampshade beside our bed. Natutulog talaga kaming patay ang ilaw. May pumapasok namang sinag ng ilaw mula sa mga poste sa labas dahil sa bintana ng kwarto na nakataas ang mga kurtina. I sighed. "Why did my baby cried? May masakit ba sa kaniya?" I used baby talk para naman aluin ang sumisinghot kong anak. I heard her sob. "Kasi po, I dreamed of you...tapos dun po sa dream ko, you left me." Her sobs became louder. Natataranta kong inalis ang umaalog nitong katawan sa akin at muling pinahiga sa kama. I looked at the time beside the right wall kung saan nakasabit ang isang antique na orasan. It is just near dawn. Four-thirty pa lang. Madilim pa sa labas. Anong dapat kong gawin? This is her first time crying in times like this. "Baby ko? Look at mommy, 'kay?" I softly carress her reddish cheeks and looked at her black orb eyes. It is twinkling in sadness. "Mommy will never ever leave her pretty baby. Always remember that." "But, it...it looks real. It feels real." "It was just a dream. Mommy will stay at her baby's side. Hindi kita iiwan." Malambing kong bulong. "I love you." "Love you too, Mommy ko." My little daughter mouthed. "Sleepy." Natatawa ko itong kinarga at idinuyan. Worth it ang puyat ko kapag ang anak ko na ang usapan. Tumigil na rin ito sa pag-iyak at bumibigat na rin ang paghinga. "Mommy?" "Hmm? Baby ko?" "Daddy, want daddy." I almost choked my breath. s**t na malagkit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD