Chapter Three

1983 Words
03 'NAY, TULUNGAN mo ako!' Bakit ba masyado akong emosyunal? Bakit ba ang hina-hina ko? Nanay never taught me to be weak, everytime I cry, she'll always tell me to be strong, to make my weakness become my strenght. But now? I don't think I can do that. I am weak. "Mica, you're really weak." I whispered in the air as I wipe my tears. Slowly, I opened my eyes and was startled by a soft knock coming from my room's door. "Who would that be?" Hindi naman kumakatok ang hari ng mga demonyo kapag pumapasok siya dito. "Iha, gising ka ba? Maaari ba akong pumasok?" Si Manang! I quickly smiled and nodded as if she can see me. Inayos ko muna ang magulo kong buhok. "Gising po ako, Manang! Pasok po!" I replied. Manang entered with a first aid kit? What? Anong gagawin niya diyan? "Manang, what's that?" Kunot-nuo kong tanong. "First-aid kit. Gagamutin kita, naku, sabi ni Max may bubog pa raw diyan sa paa mo at namamaga ang kamay mo. Ano bang pinaggagawa mong bata ka, ha?" Concern na tanong ni Manang. I genuinely smiled at her. "Wala po, naglilinis po kasi ako kagabi ng mga flower vase sa may hagdan kaso nabasag ko po iyong isa at ayun, natamaan itong paa ko ng bubog." Pagsisinungaling ko. Hindi kasi alam ni Manang na ang alaga niya ang may kagagawan nito. "Aba, hindi ka kasi nagi-ingat, napa'no naman iyang namamaga mong kamay?" Usisa pa niya at sinundan ng tingin ang kamay kong namamaga. Nanlaki ang mga mata ko. Ano ba ang pwede kong sabihin? Oh boy, ang hirap pala magsinungaling! "Um...ganun din p-po, sa kamay po muna bumagsak iyong ano...um...iyong flower vase, tapos ayon...nabitawan ko at nalaglag malapit sa may paa ko." Hirap na hirap kong tugon at nag-iwas ng tingin dahil parang hindi na naniniwala si Manang. Wait, bakit ko nga ba pinagtatakpan ang mga kahayupang ginawa sa akin ng alaga niya? Dapat nga sabihin ko na, di'ba? "Iha, parang hindi naman eh. Bakit hindi ka makatingin sa akin? Aba, ganiyan din ang alaga ko kanina, tinatanong ko kung bakit may sugat ka, alam mo ba ang sagot niya? Nalaglag mo daw kasi ang baso nang uminom ka at hindi rin siya makatingin sa akin! Kayong mga bata kayo, ha! Ramdam na ramdam ko na pareho kayong hindi nagsasabi ng totoo." Kunot na kunot na ang nuo ni Manang habang tinatanggal ang kumot ko sa katawan. Napabuntung-hininga na lang ako, dahan-dahan kong ipinakita sa kaniya ang paa kong may sugat at inayos ang pagkaka-upo. Ang kapal din naman ng lalaking iyon! Bakit hindi na lang niya aminin na siya ang may kagagawan nito! "Manang, hayaan mo na. Gagaling din iyan." Maya-maya ay sabi ko. Inayos muna niya ang mga bulak at alcohol sa kama ko bago ako tinitigan na parang nanunuri ng amag sa tinapay. Damn. Nakaka-kaba naman si Manang! "Michaella, hindi ako tanga na malilinlang ninyo. Hindi man sinabi sa akin ni Max kung bakit may sugat ka, alam kong alam niya, at ang alaga ko ang may gawa." Pailing-iling na wika ni Manang. Diniin ko ang hawak ko sa unan dahil bigla niyang pinunasan ng may alcohol na cotton ang sugat ko! Ang sakit ah! "Manang! Dahan-dahan naman po oh! Ang sakit kaya!" Mangiyak-ngiyak kong ipinikit ang mga mata ko at mas lalong diniinan ang hawak sa unan na nasa lap ko. "Talagang masakit ito! Sus, kaya mo iyan, nakapagsinungaling ka nga sa akin." Pabalang na tugon ni Manang. Hindi ko mapigilang sumigaw sa sakit dahil binunot na ni Manang ang bubog at halos mapigilan ko na ang paghinga ko. Damn. Bakit ba parang mga brutal ang nasa bahay na 'to? Pareho pa kaming nagulat ni Manang ng pabalibag na bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang hari ng mga demonyo na humihingal pa! Bakit naman nandito ito? Ano, dadagdagan pa niya ang paghihirap ko? "Manang, be careful!" Padabog nitong wika at hinawi si Manang na naka-upo sa paanan ko. Napalaki tuloy ang butas ng ilong ko sa inis. Gago ba siya? Bakit itinulak na lang niya ng ganun si Manang, pa'no kung napamali ang tulak niya, eh di nakadisgrasya na naman siya? "Hoy! Lalaking 'to! Bakit mo itinulak si Manang!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alintana ang gulat na ekspresyon ni Manang sa likod niya. Marami na talagang kasalanan ang lalaking ito sa akin! "Because Manang isn't careful! I heard you screaming in pain and I was..." Humina na ang huli niyang sinabi kaya naman hindi ko narinig pa. "Ano?" Galit kong sikmat at hinawi ang kamay niyang nakahawak sa paa kong lalagyan na sana ng gauze ni Manang kung hindi lang umepal ang isang 'to. "Nothing! I'll be the one to treat your wound!" Pagalit din niyang sagot. Aba! Siya pa ang galit? Galing naman ng hari ng mga demonyo! "Huwag na! Baka dagdagan mo pa!" Pilit kong binabawi sa hawak niya ang paa ko ngunit mas malakas siya. "Manang, you can go now. I'll be the one to treat her wound. I told you to be careful!" Baling niya sa matanda na naiiling sa likuran niya. Bigla namang tumawa si Manang at binatukan si Isaiah. Hindi ko din napigilang mapabunghalit nang tawa. Si Manang lang pala ang katapat nito! "Manang!" Gulat nitong sigaw. "Itong batang ito! O siya sige! Ikaw na ang gumamot dahil ikaw din naman ang may gawa niyan!" Pasigaw na wika ni Manang at pabagsak ring isinara ang pinto. Pareho pa kaming napatulala ni Isaiah sa ginawa at sinabi ni Manang. Ako ang unang nakabawi at tumikhim para kunin ang atensiyon ng hari ng mga demonyo na pinagkaitan ata ng salitang 'galang'. Kahit matanda sinisigawan! "Alam mo ikaw! Umalis ka sa harapan ko dahil kapag hindi kita natantiya! Lalagyan ko ng pasa iyang mukha mo!" Sigaw ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa paa ko. "What?" Kumurap-kurap pa ito bago nagbago ang emosyon sa mukha. "I'm just being concern here. Baka mabingi si Manang sa ingay mo! You're like a pig ready to cook!" Sikmat nito ng makabawi. Namula ako sa inis at mabilis na sinipa ang mukha niya gamit ang walang sugat kong paa. Napaigik siya sa lakas ng impact at ginamit ko ang pagkakataong iyon na suntukin naman siya sa kaliwa niyang mata. Ha! Ngayon, nakabawi na ako! Praise my 'lakas ng loob' dahil nagawa ko siyang tadyakan at sipain. Siya naman ang sumigaw sa sakit ngayon. Malakas talaga akong sumuntok at manipa. Iyon din ang isang kinakatakutan ng mga tao at kalaro ko noong bata pa ako. "Damn. F*ck. Damn it!" Sunod-sunod niyang mura. "Now, sino nang baboy ang parang lelechonin sa ating dalawa?" I mocked him. DALAWANG araw na ang lumipas matapos kong sipain at suntukin ang hari ng mga demonyo at sa dalawang araw na iyon, hindi ako nakalabas dito sa kwarto ko, tinotoo niya ang sinabi niya na bawal akong lumabas, pati pagkain ko, kontrolado din niya. Feeling ko nga, pumapayat na ako. Kasalukuyan akong naka-upo sa lamesa malapit sa bintana at pinapanood ang pagsayaw ng mga dahon ng puno sa hangin. Watching nature is my peace of mind. I love collecting different kinds of flowers, I love planting and I love doing things about nature. Nakakalungkot lang dahil natigil na iyon nang makulong ako dito, pakiramdam ko natigil din ang pag-inog ng mundo ko. Na kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dati kong sigla. Mag-isa ko lang ngayon, wala si Manang at sa tuwing gigising lang ako, dun lang magkakaroon ng pagkain sa side table ng kama ko at buong-araw akong magtitiis ng gutom kapag hindi ako binibigyan ng pagkain ni Isaiah. Hindi ko nga alam kung saan nakuha ng magulang niya ang pangalan niyang iyon. But maybe, it was from Bible, pero bakit ganito na lang ang ugali niya? Nakontra ata? I sighed heavily and run my fingers through my hair. My wound is now slowly healing. Nilagyan ko na rin ang namamaga kong kamay ng yelo. Nagugulat na nga lang ako dahil sa tuwing paggising ko noong nakaraang dalawang araw, bago na ang gauze sa paa ko at malinis na rin. Baka si Manang lang, alangan naman kasing gawin ito ni Isaiah, baka nga gusto pa niyang dagdagan eh! Likaw ang bituka ng lalaking iyon, malanding lalaki pa! Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Akala ko si Max, but the one and only Isaiah lang pala. "Why are you here?" Malamig kong tanong. I didn't even bother to glance at him. "I need you, baby." Malambing nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya at nacorner na niya ako sa pagitan ng bintana na kani-kanina lang ay dinudungaw ko. "Isaiah!" I shrieked when he suddenly pushed me onto the closed glass window and gripped my waist tightly na para bang ayaw na niya akong bitiwan. "Hmm, I don't know that my name actually sounds sweet until it escapes your sexy mouth." Paos niyang sagot at marahang hinalik-halikan ang kaliwa kong tenga na nagpatayo sa mga balahibo ko sa batok. "A-ano bang binabalak mo? M-magpapakita ka na nga lang, mamanyakin mo pa ako. 'Dun ka sa mga babae mo na mas mapapaligaya ka!" Pilit ko siyang itinutulak. "Jealous baby?" Mapang-akit nitog bulong at halos mapugto ang hininga ko ng bigla niyang sapuin ang mga dibdib ko. "Bastos!" I screamed at the top of my lungs and slapped him hard. "Aww, baby!" Saglit lang siyang natigilan ngunit mabilis din siyang nakabawi dahil bumalik ang mga kamay niya sa dibdib ko at marahang minasahe ang mga ito. My mind is in chaos. Hindi ko alam ang gagawin, papatigilin ko ba siya? My mind is screaming that I should stop him, but my heart is loving what he's doing to me. Mali ito! Patuloy niyang minamasahe ang nga dibdib ko habang marahang hinahalikan at kinakagat-kagat ang tenga ko. "Ummm." I can't help but to moan and grip his shoulder tightly para kumuha ng lakas. "Baby, remember. You have a debt to me, and now I'm claiming my prize. Hmm?" Mas lalong lumambing ang boses niya at natutunaw ako sa mga ginagawa niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at halos dumugo na ang labi ko sa tindi ng pagkagat ko dito para pigilin ang pag-ungol. "Isaiah..." ungol ko sa pangalan niya ng lumipat na sa leeg ko ang mga halik niya. Patuloy ang pagdaloy at pagragasa ng init sa buong katawan ko ng bigla niyang kagatin ang leeg ko. Bampira ba 'to? "Baby. I wanna taste you now." He said huskily. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumuhod sa pagitan ng mga hita ko at mabilis na itinaas ang dress koong suot hanggang sa bewang ko. Hahawakan na sana niya ang garter ng p*nty ko nang mabilis ko siyang napigilan. "Huwag!" Pikit-mata kong sigaw at marahang hinawakan ang mga braso niya para patayuin siya. "S-stand up, Isaiah!" I said. "Hmm, my c*ck's already standing baby!" Mapang-akit nitong tugon habang pinaglalaruan ang garter ng suot kong p*nty. Halos hindi na ako makahinga sa kiliting idinudulot ng mga daliri niya sa katawan ko. "I'm n-not playing j-jokes, Isaiah!" Muli kong hinawakan ang mga braso niya ngunit mabilis niyang hinuli ang mga kamay ko at pinaliguan ng mga halik. Namumula akong nagmulat ng mga mata at halos atakehin ako sa puso nang magtama ang mga mata namin. He's dark black eyes are shining with amusement and playfulness. Bakit para akong nalugi ng hindi ko makita ang emosyong gusto kong makita sa mga mata niya? I want to see his eyes twinkling in...softness and...love? What the? Ano ba itong mga naiisip ko? He's continually giving wet kisses on my hands habang hindi pinuputol ang titigan naming dalawa. Biglang natigil ang pagpapantasya ko nang maramdaman kong mariin niyang pinisil ang pang-upo ko. "Isaiah!" "Yes, baby?" Damn you! Manyakis ka talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD