02
MABIGAT ANG pakiramdam ko ng nagising ako. Tatlong oras na pala akong tulog. Pero mas lalong sumakit ang sugat ko sa paa. Hindi ko pa kasi nagagamot.
I'm starving too. Kagabi pa ako hindi kumakain hanggang ngayon, tanghali na at maraming oras pa ang hihintayin ko para makakain.
Hindi lang naman ito ang unang beses na hindi niya ako pinakain. Unang beses niyang ginawa ito nang nakipag-usap ako sa isa sa mga kaibigan niya.
Ipinilig ko ang aking ulo at mabigat na bumuntung-hininga.
In the first place, why am I here? Why am I suffering to his ruthless hands?
Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako, hindi na ba talaga mauubos ang mga luhang ito?
Pagkatapos niya akong iwan kanina, hindi ko na siya nakita pa, maybe he went to some of his women to satisfy his needs. Malandi talaga ang lalaking iyon.
Looking back to my childhood life, napaka-swerte ko sa Nanay. Maybe, binawi lang ng kapalaran ang swerte ko at ipinalit ang kamalasang ito?
Ilang araw na ba ako dito? Buwan o taon? I lost track of the time because of being caged, punished, and even hurt physically in this 'dungeon' of him. Kailan ba niya kasi ako pinalabas ng bahay na ito? Wala akong matandaan.
Isang araw pagkatapos mawala sa akin si Nanay, nagising na lang akong nandito na. It's like a nightmare, and I wish, magising na ako at makatakas sa masamang panaginip na ito.
Noong bata pa ako, halos hindi ako padapuan sa mga insekto ni Nanay, everything I want, she'll give it without hesitation. Maayos niya akong napalaki, walang sino man ang nakapanakit sa akin noon, kahit ang mga kalaro ko, takot kay Nanay.
I missed her so much. Her smile, laughter, her face, everything in her. I wish she'll come back to me again, telling me everything will be fine.
I flinched when my window made a screeching sound. Natigil ang pagkakatalungko ng aking ulo sa mga tuhod ko at tamad na tamad na tumayo.
Sino naman ang babato sa bintana ng kwarto ko?
Marahan kong hinawi ang manipis na kurtina at muntik na akong mapasigaw ng biglang lumitaw ang alagad ng hari ng mga demonyo. Ito iyong naka-usap ko dati na naging dahilan ng pagkagutom ko.
Mabilis na uminit ang ulo ko. Siya na naman?
Gutom na nga ako at makikita ko pa ang unang dahilan kung bakit ako pinarusahan ng gutom ng demonyong iyon.
Matalim ko siyang tiningnan.
Hindi ko sana bubuksan ang bintana ngunit nakita kong may dala siyang...plato?
What? Akyat-bahay nga ata itong lalaking ito.
I opened the window. Marahang hampas ng hangin ang tumama sa aking mukha at ang aroma ng pagkaing nasa platong hawak niya.
"Ano iyan?" Masungit kong tanong at inirapan siya.
He genuinely smiled to me.
"For you, I know na hindi ka pa kumakain, tinanong ko si Manang, sabi niya hindi ka pa daw bumababa." Nakangiti niyang sagot.
"Nandito si Manang?"
Na-excite ako bigla. Si Manang lang ang pwede kong kausapin dito eh.
"Hmm-mmm." He hummed while nodding.
"So, bakit ikaw ang nandito? Malay ko ba kung may lason iyan?"
Nakanguso siyang umiling. Bakit ba ang cute ng lalaking ito?
What? Ngali-ngali kong tampalin ang sarili ko sa naisip. I should not praise this man. What if he's a monster like his friend?
"I just want to give this to you. Hindi mo ba ako papapasukin?" Nakanguso pa rin niyang tanong.
Umiling agad ako. Baka maabutan siya.
"Ganun ba? Okay, just accept it. I cooked that for you. Hope you'll like it." Mabilis siyang dumukwang sa akin at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
I automatically raised my hand to slap him but he's more active to notice my next action dahil mabilis siyang humakbang paatras.
"Why did you do that?" Matalim kong tanong.
"To ease your pain. My mom told me that kissing women in forehead means ginagalang mo siya, but for my own definition, para pagaanin ang pakiramdam niya. Alam ko namang hindi maayos ang kalagayan mo dito." He looked so cute while saying those words.
My hands stopped in the air. Na-touch ako sa mga sinabi niya. Bakit ba ang bait ng lalaking ito?
"Akin na nga iyang pagkain. Gutom na ako. Nasaan nga pala si Isaiah?" Tanong ko habang inaabot ang dala-dala niyang pagkain.
"Ah! Iyong lalaking iyon? I don't know. Bakit na naman ba hindi ka pinakain ng lalaking iyon?" Sagot niya.
"Dahil hari siya ng mga demonyo!" Sikmat ko.
Para bang tinubuan na rin ako ng sungay gaya ng demonyong iyon. Mabilis na rin akong mairita.
I heard him chuckled.
"Don't mind him. Dito lang ako habang kumakain ka, okay? Para hindi naman malungkot." He said while chuckling.
"Talaga? Okay, dahil mabait ka, pwede kang pumasok." Nakangiti kong wika at inilapag sa center table ang pagkain.
Narinig ko pa ang pagsinghap niya sa gulat.
"Wow, really? Alright!" He replied immediately and hurried to enter. Pero dahil malaki siyang tao, nahirapan pa siyang pumasok sa bintana.
"Aww!" He shrieked in pain. Nakarinig pa ako ng kalabog at halos maluha ako sa tawa dahil nga naipit ang damit niya sa nakausling bakal at napatimbuwang siya kaya ayun, nadapa ang mokong.
"Baby, why are you laughing? Help me!" Nakangiwi siyang tumingin sa akin.
Bigla ko naman siyang sinamaan ng tingin. Baby huh? Mga paraan ng chickboy.
"Hoy! Hindi mo ako baby! Bahala ka diyan!" Nguso ko sa kaniya at dumampot ng fried chicken sa plato.
In fairness, ang sarap ng luto ng mokong.
"Pretty please?" Ungot pa niya.
"Jusko, Max. Kaya mo iyan." Natatawa kong tugon. "Malaki ka na."
Patuloy ako sa pagkain habang siya naman ay naghihirap alisin ang damit niyang sumabit.
"Michaella! Tulong naman oh!" Maiiyak na ata ang mokong.
"Oopps. Bakit walang tubig?" Baling ko sa kaniya.
"Okay, I forgot. Help me here, I'll get you a glass of water." He plead again.
Napanguso ako.
"Kaya mo iyan! May sugat ako sa paa at kumikirot pa! Ayaw kong gumalaw ng gumalaw!" Tugon ko.
Lumaki naman agad ang mga mata niya sa sagot ko at mabilis na tumingin sa mga paa ko.
"F*ck! What happened?" Natataranta niyang tanong.
And I don't know how he managed to get hurriedly at me. Kaya naman pala niyang alisin ang sumabit niyang damit eh.
"What happened to your foot? Is this one of Isaiah's punishment to you? Did he do this?" Sunod-sunod niyang tanong.
Inilapag ko ang buto ng kinakain kong fried chicken at mataman siyang tinitigan.
"Max, does Isaiah always do this to one of his women? Like, kapag hindi nasunod ang gusto niya, sasaktan niya kaagad?" I asked him.
"Hindi nasunod? Nobody declines him. Everyone will do what he'll say. Why, hindi mo ba ginawa ang gusto niya kaya ganito?" Sagot niya at inginuso ang paa kong may sugat.
"Because he wants me in his bed!" I blurted out.
Bigla tuloy akong nahiya dahil sa mga sinabi ko. I can feel my cheeks reddened.
"What?" Parang hindi makapaniwala niyang tanong.
"Ayaw mo atang maniwala eh!"
"No! It's not like that, baby." Mabilis niyang hinawakan ang mga balikat ko nang akma na akong tatayo.
"Baby na naman!" Ungot ko.
Marahan at maingat niyang itinaas ang paa kong may sugat at mariing sinuri.
"Damn Michaella. Hindi mo pa natatanggal ang bubog na bumaon? Are you crazy? Pa'no kung maimpeksiyon 'to!" Galit niyang bulyaw sa akin.
"Masakit kasi kapag hinugot ko. Tapos, dudugo." Naiiyak kong binawi ang paa ko at tumalikod sa kaniya. "A-alam mo namang takot ako sa dugo."
"I'm sorry. Hindi dapat ako sumigaw. It's just too risky. Maari itong magkaroon ng impeksiyon. Let me see." Marahan niyang wika at pilit akong pinapaharap sa kaniya.
But my tears are just so damn traitor. Patuloy na naman sa pagbuhos. Dahil ba ito sa pagsigaw niya o dahil sa sakit na sumigid sa kalamnan ko ng mabilis kong binawi ang paa ko sa hawak niya?
"Michaella? Please, let me see it." Paos niyang pagpipilit sa akin.
"I d-don't want. You can go now." Umiiyak kong tugon at pilit nilalabanan ang paghikbi.
"A-are you crying? S-sorry baby. Dahil ba sa pagsigaw ko?"
"Hindi. Please, y-you can go n-now. K-kaya ko n-naman ang sarili ko." Mariin kong paki-usap at hinarap siya.
Umiling-iling siya sa akin at mabilis na hinuli ang mga kamay ko.
"Your hand, its swollen. Kailangan din nating gamutin ito." He said.
He caresses my swollen hand with so much gentleness and softness na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"Max, hindi mo ako obligasyon. Gagamutin ko ang sarili ko." Sagot ko at pilit iniiwas ang tingin sa kaniya.
I heard him sighed heavily na para bang problemadong-problemado sa akin. Naiinis kong ginulo ng malaya kong kamay ang mahaba kong buhok.
"Max? Please lang, wala kang obligasyon sa akin, okay? I can take care of myself. You don't need to worry about me. In the first place, Isaiah, your friend is the main reason of all these sh*ts!" Pagpapatuloy ko dahil parang wala siyang balak na bitiwan ang kamay ko.
"Michaella, I don't care if he's my friend. You're a woman, you should be treated nice." Nahahapo niyang tugon.
"Then, tell that to your kind-hearted friend." Sarkastiko kong saad.
He sighed heavily again.
"Okay, I'll stop bothering you once your wound and swollen hand has been taken care of, all right?" Mahinahon at kalma na ang boses niya na para bang inaalo ako.
Lumuhod siya sa harapan ko at tumingala sa akin. He showed me his genuine smile and spoke.
"Michaella, please don't make me this worried, okay? And please, intindihin mo sana si Isaiah, he's not like this before. Make him realize your worth, be patient to his demon-like attitude, I'm not saying these because I am his friend, I'm saying these because you're both important to me. I care for you two."
Mahina akong napabuntung-hininga. Bakit ba ganito ang mga lumalabas sa bibig ng mokong na ito?
"He ruined my life, Max. He's continually ruining it! I can't live my life like before! I'm already orphaned and the only wish I've got? That is to have a peace of mind and to have my freedom that was robbed by Isaiah! I can't forgive him! I hate him, he's a heartless man that I ever knew! Nasasabi mo lang iyan dahil kahit kailan hindi mo naranasan ang mga pasakit na ipinararanas niya sa akin! One time he's sweet, one time he's mad! I can't understand him anymore, I felt like a piece of trash Max, and all that was because of him!" Lumuluha kong saad.
Napatulala siya sa akin. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para maka-alis sa harapan niya. Tinungo ko ang aking kama at umiiyak na isinubsob ang aking mukha sa unan.
Sana talaga masamang panaginip lang lahat ito. Sana magising ako na katabi si Nanay at kayakap siya. Missed na missed ko na ang Nanay.
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakasubsob at hindi pa ako titinag kung hindi ko pa narinig ang boses niya.
"Mica." Saad ng isang baritonong boses na kilalang-kilala ko. Hindi na ako naga-abalang alisin ang takip na unan sa aking mukha.
Bakit hindi ko naramdaman ang pagdating niya? Lagot, baka madagdagan pa ang parusa ko dahil kay Max. Nasa'n na ba ang lalaking iyon?
Pasimple kong inilibot ang aking paningin at nang makitang wala namg anino ni Max, hinayaan kong magtatalak ang hari ng mga demonyo.
"Who gave you food? F*cking answer me!"
Mariin kong ipinikit ang nananakit kong mata. Bakit kilangan pa niyang sumigaw? Nakakabingi.
Sinulyapan ko siya at nakita kong nanalilisik na naman ang mga mata niya.
"You don't care!" Sagot ko at muling ipinikit ang mga mata.
"Damn it! Don't make a fool out of me, Mica. Can't you obey me, huh? You really love to piss me off!"
Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman kong inalis niya ang unan na nakatakip sa akin. What the?
"Ano bang problema mo? Oo na, aaminin kong kumain ako, but I won't tell you who gave me foods! Now, what's your punishment?"
"Mica! Ah! Damn you, woman! From now on, you will not leave this f*cking room."
"Okay." Bale-wala kong sagot kahit natatakot na ako.
"Aba't...damn it!" Naiirita niyang sigaw at ibinagsak pasara ang pinto ng kwarto.
Iyan, diyan naman siya magaling, layasan ako at pagbagsakan ng mga gamit dito sa bahay niya.
Hindi ko na tuloy napigilang mapahagulhol.
'Nay? Tulungan mo ako!'