bc

Alva, Ang Ulilang Suprema

book_age18+
40
FOLLOW
1K
READ
revenge
shifter
kickass heroine
mystery
werewolves
vampire
small town
rejected
special ability
passionate
like
intro-logo
Blurb

Alva, Ang Ulilang Suprema

Sa loob ng mahigit labing-pitong taon, kinagisnan na ni Alva ang mamuhay nang payapa sa Isla Pangil. Ngunit sa pagtuntong niya sa ikalabing-walong taong gulang ay marami siyang madidiskubre hindi lang sa totoo niyang katauhan, bagkos ay sa kung ano ang tunay na dahilan ng pananatili nila sa Isla Pangil. Kaakibat ng pagtuklas niya sa sarili ay ang pagdating ni Daniel na hindi lang nagpagulo sa nananahimik niyang mundo kundi nagdulot ng sala-salabit na emosyon sa kaniyang damdamin.

Paano pa niya matatakasan ang nakaraang dahilan ng kung nasanaroon sila ngayon at dahilan ng pagkawala ng magulang niya?

Paano niya matatakasan si Daniel na una niyang pag-ibig at kaniyang kahinaan subalit nakatakdang tumapos sa kanilang salin-lahi?

Makaya niya kayang talikuran ang tatak ng pag-ibig na hindi pa man siya ipinanganganak ay itinakda na ng tadhana sa kaniya para maprotektahan ang pangkat na kumupkop sa kaniya mula nang isilang siya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
PAGTILAOK ng manok ang gumising sa akin kasunod ng panunuot ng aroma ng kape sa aking pang-amoy. Napangiti ako at saka tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga ko sa banig na nakalatag sa papag. Pagkatayo ko’y itiniklop ko ang kumot, inirolyo ang banig at sininop sa ulunan ng higaan bago ako walang ano man na lumabas ng silid ko. “Apo,” bati sa akin ni Tata Simon mula sa kusina na nasa kaliwang bahagi paglabas ng silid ko. “Halika’t kanaw na ang kape mo. Maghahain na rin ako ng agahan,” anyaya niya pa sa akin na hindi ko naman tinanghihan. “Si Kuya Dolpo po?” tanong ko kay Tata Simon patungkol sa pinsan ko na kasama namin sa kubo habang papalapit ako sa lolo ko. Hindi ko kasi maramdaman ang presensya niya sa paligid. “Nauna na sa bukid kasama nina Joaqin at Cesar para maaga raw makatapos ng tanim,” sagot ni Tata Simon habang naghahain. Kaibigang matalik ni Kuya Dolpo sina Kuya Joaqin at Cesar. Ilan lang naman kasi kami sa isla, wala pa yatang apatnapu at lahat ay magkakakilala at magkakalapit na parang isang tunay na pamilya. Napasamyo ako at napangiti nang sumalubong sa pang-amoy ko ang aroma ng pritong isda at ginisang kangkong nang ilagay iyon ni Tata Simon sa lamesa. “Ano po ‘yan, tulingan?” tanong ko patungkol sa isda. “Tamabakol, apo,” pagtatama ng lolo ko habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. “Hayan, kumain ka na,” sabi pa niya saka ko narinig ang paghigop niya ng kape. Kumurot ako sa tambakol bago ko kinapa ang sawsawan at nilasahan iyon. Toyo na may kalamansi at hiniwang kamatis. Natatakam kong isinawsae roon ang hawak kong isang kurot na isda at saka iyon ipinatong sa kanin ko bago ako sumubo ako gamit ang kamay ko. Malinamnam! Habang ngumunguya ay kinapa ko naman ang ginisang kangkong at isinubo iyon. Bagama’t walang halong ibang sangkap bukod sa bawang, sibuyas, kamatis, at bagoong-isda lang bilang pampalasa, ay napakasarap pa rin ng pagkakaluto ni Tata Simon sa ginisang kangkong. Palibhasa’y sariwa at bagong pitas kaya malutong at manamis-namis. Kaya nga kahit na paulit-ulit na iyon ang niluluto ni Tata Simon, hindi talaga ako nagsasawa. “Dalawang araw na lamang at ikalabing-walong kaarawan mo na, apo,” mayamaya ay sabi ni Tata Simon pagkalapag niya ng tasa ng kape sa lamesa. Bahagyang nangunot ang noo ko nang mabanaag ko sa tono ng salita niya ang magkahalong saya at lungkot. “Eh, bakit po kayo malungkot, Tata Simon?” natatawang tanong ko. Pakiwari ko’y tulad ng ibang matatanda, nalulungkot siguro siya na isa na akong ganap na dalaga. Ilan na rin sa mga nakatatandang dalaga na nagsipagtuntungan sa labing-walong gulang sa isla ang nangagsipag-asawa na. Bagama’t tagaroon din naman sa isla ang mga napangasawa ay natural na wala na sila sa poder ng mga magulang nila. Marahil ay iyon ang pinangangambahan ni Tata Simon para sa akin. “Aba’y paano mo naman nalaman na malungkot ako, aber? Kumain ka na jga lang,” kambyo ni Tata Simon. Narinig ko pa ang pagkuha niya ng gulay, halatang may nerbyos at nais na iligoy ang usapan. “Lolo, bukod po sa wala akong kasintahan, wala pa rin akong balak pang lumagay sa buhay may asawa, kung iyon po ang pinangangambahan ninyo,” paniniguro ko sa kaniya bago pa man siya magkaila. Napaubo siya at napangiti ako. Kinapa ko ang baso at sinalinan iyon ng tubig matapos kong makapa ang pitsel at nagmamadali iyong ibinigay sa kaniya. Sa makatuwid ay tama nga ang sapantaha ko. “Napakabilis lang kasi ng panahon. Parang kailan lang, eh, karga-karga pa kita at inihehele. Samantalang ngayon—” “Tata, may parating po,” putol ko sa sintimiyento niya nang may maramdaman akong papalapit sa kubo namin. Panandaliang nanahimik si Tata Simon at nakiramdamn. Hindi naglipat-sandali ay umalingawngaw na ang pagtawag sa pangalan ni Tata Simon mula sa unahan ng bahay namin. “Tata Simon! Tata Simon!” “Paanong—” nagtatakang tanong ng lolo ko nang muli akong nagsalita. “Si Tata Ben po,” tukoy ko sa bisita namin at para na rin hindi na mag-usisa pa si lolo. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Tata Simon bago muling kumibo. “Siya’t lalabasin ko muna. Tapusin mo na ang pagkain mo,” sabi niya bago tumayo mula sa pagkakaupo at lumakad papalabas ng kubo. “O, napadalaw ka? Madilim pa, ah,” sabi pa ni Tata Simon nang mapagbuksan si Tata Ben. “Mangyari, eh, may natanaw kaming mangingilaw sa laot ‘di kalayuan dito sa isla…” ang narinig kong paunang sabi ni Tata Ben sa lolo ko. “Teka’t doon tayo mag-usap,” yaya ni Tata Simon na nakapagpakunot ng noo ko. Mukhang ayaw ni lolo na marinig ko ang usapan nila ni Tata Ben. Nitong mga huling linggo at araw parating ng kaarawan ko ay mas sumisidhi ang lakas ng pakiramdam ko. Ipinanganak akong pinagkaitan ng paningin ngunit habang lumalaki ako ay naging malakas ang ilang bahagi ng pandama ko. Pero mas dumoble o triple yata lalo ngayon na dalawang araw na lang ay sasapit na ang ikalabing-walong kaarawan ko. Kung dati ay rinig ko pag-uusap ilang metro mula sa kung saan naroon ako, ngayon, kahit pa isang kilometro o higit pa ang layo ay dinig ko na ultimo yabag man lang. Maging ang pang-amoy ko ay mas lumakas din dahil kahit ang pagkain mula sa kabilang bahay na may ilang metro ang layo mula dito sa kubo namin ay naaamoy ko na rin. Nagpatuloy ako sa pagkain at pilit na inignora ang pag-uusap ng dalawang matanda na dinig ko pa rin kahit na mahina at halos nagbubulungan na lamang sila. “Hindi kaya may kinalaman ang nalalapit na kaarawan ni Alva sa mga mangingilaw na iyon?” sabi ni Tata Ben, bagay na pinagtakhan ko. “Matagal nang burado ang pangkat natin mula nang mamatay ang pamilya ni Uno. Protektado rin ang isla para tayo manatili sa seklusyon,” wika naman ni Tata Simon. Mas pinahina pa niya ang boses niya at may pag-iingat ang mga salitang binitiwan niya. “Wala ka pa rin bang balak sabihin kay Alva ang tungkol sa magulang niya? Tingin ko’y ito na ang tamang panahon para malaman niya ang lahat ng tungkol sa pagkatao niya at ang dahilan kung bakit naririto siya sa isla,” suhestyon ni Tata Ben. Awtomatiko akong napatigil sa pagnguya nang marinig ko ang sinabi ni Tata Ben. Impormasyon patungkol sa pagkatao ko na noon ko pa gustong marinig mula sa bibig ni Tata Simon. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko sa antisipasyon. Hindi ako humihinga sa takot na baka hindi ko marinig ang sasabihin niya. Halo-halo rin ang emosyon ko sa sandaling iyon. Kaba, pangamba, saya at pananabik. “Darating ang panahon at malalaman din niya ang totoo, Ben. Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang pagbabago sa kaniya. Mas makabubuting hindi na muna niya malaman ang tungkol sa magulang niya. Ayokong magkaroon ng pagkamuhi sa puso niya, Ben,” pagtanggi at katwiran ni Tata Simon na nagpalungkot sa akin pero sa isang banda ay nakapagbigay ng panibagong tanong sa isip ko. Putok ba ako sa buho? Kriminal ba ang magulang ko at inabandona ako para kamuhian ko? At anong pagbabago ang tinutukoy ni Tata Simon? Pagbabago ng ugali ko? Ng pagkatao ko? Bata pa lang ako, alam kong kakaiba na ako. At kinumpirma iyon ni Kuya Dolpo nang minsang tanungin ko siya kung bakit nangingilag ang ibang mga bata sa akin at naluha pa nga ako dahil sa pag-aakalang dahil bulag ako kaya ayaw nilang makipaglaro sa akin. “Espesyal ka kasi, Alva. Takot lang sila na masaktan ka nila. Kapag nangyari iyon at gumanti ka, baka mas masaktan mo sila,” iyon ang paliwanag ni Kuya Adolpo sa akin na sa batang gulang ko ay itinimo ko na sa isip ko. Kaya tinanggap ko na siya, at sina Kuya Joaqin at Kuya Cesar lang ang bukod-tanging maaaring makipaglaro sa akin dahil bukod sa nakatatanda sila sa akin ay mga lalaki pa sila. At siyempre, hinding-hindi nila ako sasaktan kahit kailan. “Hindi ko alam kung sasang-ayon ako sa pasya mo, Simon. May sapantaha ako na iba ang layon ng mga mangingilaw na nakita namin sa dagat—” “Aaahhhh!!!” walang ano-ano ay hiyaw ko nang biglang sumirit ang nakangingilong hapdi sa sentido ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko at saka naikuyom ko nang mahigpit ang dalawang kamay ko. “Aahhh!!!” muli kong sigaw. Pakiramdam ko ay biglang may pumupok ng kung ano sa ulo ko at may tumarak na kampit sa puso ko. Sobrang sakit! At bago pa man ako lubusang panawan ng ulirat ay mabilis akong nasambot ni Tata Simon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.6K
bc

The Sex Web

read
133.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook