She hardly bit her lower lip habang pinapanood ang cctv footage mula sa laptop. Pakiramdam niya ay muli siyang nagbalik sa gabing iyon. Mula sa pagdating ng sasakyang ginamit ni Henry nang kunin siya nito ay kuhang kuha sa video’ng iyon. Sunod-sunod ang naging paglunok niya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang tutok na tutok ang mga iyon sa laptop. Pumasok ang sasakyan sa isang malaki at may kalumaang gate. Madilim ang paligid at natatanglawan lang iyon ng liwanag na nagmumula sa isang poste na may malamlam na ilaw na nakatayo sa may ‘di kalayuan sa gate. Tingin niya ay ilang metro pa ang binaybay ng sasakyan bago ito tuluyang tumigil sa harapan ng isang malaki pero mukhang abandonadong bahay mula sa gate na iyon. Lumabas mula roon si Henry habang madilim ang mukha nang b

