Tinitigan siya nito na tila ba kinakabisa ang mukha niya saka bumuntong hininga. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya saka ginawaran ng halik ang noo niya. “I’m sorry if I never got by your side when you needed me. I’m sorry dahil napakarami kong pagkukulang sa inyo ni Lyke lalo na sa ‘yo...At hindi kita masisisi kung pakiramdam mo ay hindi mo na ako kailangan.” Tumigil ito sandali habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatuon sa mga mata niya. “I always blame myself for what you’ve been through, and I always will for sure. Kaya gusto kong burahin sa alaala mo ang lahat but I know it’s impossible. It will always be a scar in your past. Kung hindi kita itinaboy noon, hindi sana nangyari ang lahat ng ito. I’m sorry, babe. I’m really really sorry.” Napalunok siya habang tinititigan ito.

