“S.. si Devi?” Nakakunot ang noong napatingin siya sa malayo habang inaalala ang may-ari ng pangalang iyon. Pumikit siya at napahawak sa kanyang noo. Isang tao lang ang nakilala niya sa ganoong pangalan at hindi siya nagkaroon ng malalim na ugnayan sa babaeng iyon. “S.. si Devi ang natagpuan niyong patay?.. P..papaanong nangyari na inakala niyo na ako siya?.. A.. anong kinalaman niya kay Henry at Crystal?” nauutal na tanong niya. “May atraso rin ba siya sa kanila? “Hi.. hindi ko siya nakita noon.” Nahaplos niya ang sariling noo. Kahit anong pilit niya na alalahanin ang posibleng presensya ni Devi nang gabing iyon ay wala siyang maalala. Ano pa ba ang maaari niyang matuklasan tungkol sa pangyayari ng gabing iyon? She was so full of that night. Sobrang nakakagulat para sa kanya ang

