Tutok ang mga mata niya sa laptop habang nagsi-search ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ng Tita Lenlen niya na parehong kaibigan ng Mama niya at Mommy ni Claire. Sa isang luxury hotel daw ito nagta-trabaho bilang general manager sa California at ayon sa Mama niya ay pwede raw itong ipasok bilang cook helper sa umpisa at siya naman ay pwedeng mag-apply sa mga bakanteng posisyon doon. Syempre, empleyado rin lang naman ito roon kaya kailangan pa rin niyang dumaan sa tamang proseso ng mga aplikante. Sa kaso naman ng Mama niya ay ito na raw ang bahala na ipasok ito sa kumpanya. “Couz, tingnan mo oh! Ang sosyal pala ng pinagta-trabahuhan ni Tita Lenlen. Hindi kaya ako mahirapan mag-apply dito?” seryosong tanong niya kay Claire na ang mga mata ay hindi inaalis sa harap ng laptop. Mabilis na

