Tutok ang mga mata niya sa gawi ng beach kung saan madalas maglaro si Lyke at halos takbuhin niya ang daan patungo roon nang hindi niya matanaw ang anak. Sunod sunod ang paglunok niya hanggang sa tuluyan nang makarating doon. Wala roon si Lyke. Iginala niya ang mga mata sa paligid pero hindi niya ito makita. May ilang guests ang naglalangoy at ang iba naman ay naglalaro sa buhanginan. Sa bandang kanan kung saan mayroong net ng volleyball ay masayang naglalaro ang grupo ng mga guests nila na pawang mga kabataan. Nagtatawanan ang mga ito at nagkakantyawan. Lumampas siya sa mga ito at tinungo ang ilang batang naglalaro. Wala roon si Lyke. Hindi naman ito nakikihalubilo sa ibang bata pero nagbakasali pa rin siya. Nagtatakang tumingin sa kanya ang batang pilit niyang iniharap sa kanya. Hu

