Nakangiti siyang lumabas mula sa kusina patungo sa harap ng beach kung saan naglalaro sina Lyke at Duncan habang dala dala ang mga prutas na request ni Lyke nang bigla siyang napatigil sa paglakad. “Alena?” Napaawang ang labi niya habang nakatitig sa babaeng sumalubong sa kanya. “Oh my God!" bulalas nito. "Besh, ikaw nga!” Halos mapaatras siya nang salubungin siya nito ng yakap habang umiiyak. Yumakap din siya rito at hinayaang bumagsak ang dala dala niyang mga prutas nang madanggi nito iyon. “Thanks God, buhay ka nga!” Tumango siya habang mahigpit silang magkayakap at hindi na rin niya napigilan ang mga luha na agad bumalong mula sa mga mata niya. Miss na miss niya ang matalik na kaibigan. Si Lulu lang ang naging kaibigan niya at kakampi sa mahabang panahon kaya hindi niya mapig

