Magkahawak ang mga kamay nila ni Duncan habang nakaupo sa malaking leather sofa sa VIP lounge ng hospital kung saan matiyaga nilang hinihintay si Lyke na kasalukuyang may one on one conversation sa doctor nito. Lyke undergoes psychological tests for more than a week now. She took different kind of tests that she willingly participated into which caused Alena to become more proud of her daughter. Dati rati ay nahihirapan sila ng Mama niya sa pag-iisip kung paano ito hihimukin na pumunta at kausapin ang doctor na isa sa mga dahilan kung bakit tumatagal ang gamutan na nauuwi sa madalas na pagkansela ng session nila pero ngayon ay ito pa mismo ang nagpapaalala sa kanya ng oras ng appointment nito sa doctor. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa mas advance strategies na ginagamit ng bagong

