Halos wala pang tatlumpung minuto ang paghihintay nila sa gate ay tinawag na sila ng airport staff na nakahanda na ang private plane na gagamitin nila. Nakangiting tumayo si Duncan na agad na binuhat si Lyke pagkatapos ay nilingon siya at niyayang lumabas. Inabot nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon at sabay na naglakad. Tahimik siyang sumunod dito habang buhat buhat nito si Lyke na hanggang ngayon ay manghang manghang nakatingin sa mga eroplanong nakahanay sa malawak na airport ramp. Naguguluhan at kinakabahang tumigil siya sa paglalakad nang malapit na sila sa tingin niya ay ang eroplanong sasakyan nila. May apat na staff doon na lahat ay nakalingon sa gawi nila na tila sadyang naghihintay sa kanila. Dalawang babae na tingin niya ay stewardess at dalawa rin lalaki na a

