Chapter 49

1684 Words

Nakangiwing isinuksok niya sa bulsa ang hawak na cellphone saka itinuloy ang paglalakad patungo sa cabin na inoukupa ni Duncan pagkatapos niyang kausapin ang pinsang si Claire. Nasa Manila daw ito at medyo matatagalan bago makauwi. May kailangan lang daw itong asikasuhin na ipinagtataka niya. Ang alam niya kasi ay nagpaalam ito para makipag-usap kay Lester tungkol sa aksidente. ‘Ganoon ba katagal ang negotiation ng mga ito para matagalan siya roon?’ napakunot ang noong tanong niya sa sarili. Tumigil siya sa tapat ng pinto ng cabin ni Duncan saka kumatok. Inulit niya iyon nang wala siyang narinig na sagot mula sa loob. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras doon. Alas sais pa lang naman ng hapon. Hindi naman kaya natutulog na ito? Isang katok pa ang ginawa niya at naisip niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD