Unti-unting iminulat ni Alena ang mga mata habang nararamdaman niya ang marahang paghaplos sa buhok niya. “Duncan, gising na si Alena.” Narinig niyang sabi ng katabi niya. Boses iyon ng mayordoma sa mansion. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isang bote ng tubig at pilit siyang pinainom. Nilingon siya ni Duncan. Saglit lang iyon pero nakita niya na tila nakahinga ito nang maluwag nang makitang gising na siya saka muling ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho. Bigla niyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. “Si Lyke? Nasaan si Lyke?” Muling kumabog ang dibdib niya. Kitang kita niya ang walang malay na katawan ng anak niya na nakahiga sa kalsada. “Asan ang anak ko?!” naghihisteryang tanong niya. “Papunta na sila sa ospital, iha,” maagap na sagot ng mayordoma. Napail

