Nagpaspas ng pinausukang dahon ng anahaw si Josefina pagpasok sa kuwarto bilang pantaboy sa masamang espiritu. Nabuhayan ako ng loob sa pagdating niya. Nandito siya para iligtas ako, siya pa na napakasungit sa'kin at wala nang ginawa kundi paalalahanan ako pero sinuway ko pa rin. Pagkakita ng senyorito kay Josefina ay napabalikwas ito na parang teenager na nahuli ng magulang niyang nanonood ng p*rn. Hindi ko inaasahan bigla siyang magkakaganito. Lihim akong natawa nang mahulog pa siya sa kama, natatarantang tinatakpan ng unan ang p*********i niya na hiyang-hiya siyang ipakita sa matanda kahit invisible naman siya. "What?" iritable niyang baling sa'kin pag-akyat uli sa kama. "Anong what?" "'Wag kang tumawa." Napakagat ako sa labi. "Hindi naman, ah." "D*mn you, woman." "Siguro si J

