Biglang nag-ring ang doorbell sa gate. "Sino ba 'yon? Ang aga-aga." ungot ni Josefina. Tatayo sana siya para labasin ang bisita pero nanakit ang tuhod niya't hindi siya nakalakad. "Ako na po. Ihahatid ko na lang siya rito." ako na ang nagpresintang lumabas. Hindi talaga siya makahakbang kaya sumige siya't pinaalis na ko. Sa laki ng mansyon kahit ako mismo ay hiningal pagtakbo mula sa opisina niya hanggang sa tarangkahan. Napansin ko ngang nalalanta na ang ilang mga halaman sa yarda. Madalas sigurong sumpungin ng rayuma ang mayordoma kaya hindi niya na nadidiligan ang mga 'to. Nainip na ang tao sa labas at naging maya't-maya na ang pagpindot niya sa doorbell. "Sandali lang po!" full speed ko na siyang tinakbo kahit kakakain ko lang ng agahan. Pagbukas ko sa pagkabigat-bigat na gate

