Hindi ko pinansin si Josefina pagsampa ko sa van paalis na ng mansyon. Masama ang loob ko sa kanya. Ayos naman kasi ang plano niya para kay Elle pero pa'no naman sa'kin? Sinong magbabantay sa'kin? Walang galit kay Elle ang senyorito pero sa'kin mayroon. Pa'no kung tuluyan na kong patayin ng senyorito sa susunod? Hindi niya 'yon naisip. Napabuntong hininga ako. Ang hirap ng sitwasyon ko. Ako mismo ang naglalagay ng isang binti ko sa hukay para lang sa ikapapanatili ko sa trabahong 'to. Habang ipinagmamaneho ako ni Edgar papunta sa tahanan ng mga Angustiado ay napagdesisyunan kong tingnan na ang binigay na piraso ng papel sa'kin ni Josefina kanina no'ng nasa kwarto ako; phone number pala ang nasusulat do'n. Kaya pala sabi niya ay tawagan ko 'yong numero kapag nasa panganib ako. Kaninong

