CHAPTER TWO

1307 Words
Elena Gumising ako na wala na sa pinagkulungan niya sa akin kagabi at bumungad sa akin ang malaking silid, maaliwalas na at may malaking pintuang bintana, daan palabas ng balkonahe… Bahagya pa itong nakabukas kaya isinasayaw ng hangin ang puting kurtina… napaungot ako nang salakayin ako ng sakit ng katawan at naalala kung paano ako napunta rito, yeah right sinaktan niya lang naman ako. Tiningnan ko ang sarili, iba na ang suot ko puting mahabang bestida na na aabot na ng talampakan. Did he change my clothes? Kung oo, ang kapal ng mukha niya tingnan ang katawan ko. Ang isipin na siya ang nagpalit ng damit ko nabubuhay lalo ang galit ko. Bumangon ako sapo ang mukha ko, I was being hit last night, duda akong nagsisi siya sa ginawa niya, dahil kitang-kita ko ang galit at kawalan niya ng konsensya bago pa ako mawalan ng malay. Umalis ako sa kama, nag-tungo ako sa door window susubukan ko sanang buksan para sana makasagap ng sariwang hangin nang biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon ako. “Ma'am! Gising na pala kayo!” Kasambahay ang pumasok at dali-dali akong nilapitan. Nangunot ang noo ko nang sundan ko siya ng tingin may kinuha siyang susi sa bulsa ng maid uniform niya at mabilis na ini-lock ang bintanang pinto kaya napaawang ang bibig ko… para hindi ako makalabas? “Why did you lock it?” may katarayan kong tanong habang salubong ang dalawang kilay. “Inutos ba niyang ikulong ako rito? Palagay ba niya tatalon ako diyan sa balkonahe na iyan?” Pinanlakihan ko pa siya ng mata. Halatang nahintakutan ito sa akin at napaatras. “M-Ma'am pasensya na, nasunod lang ho kami sa utos ni Mayor…” hinging paunmanhin nito kaya unti-unti lumambot ang mukha ko. Maling pag-buntunan ko ang ibang tao. “Sorry, I yelled at you…” Nalaglag na lang ang magkabilang balikat ko na tumingin sa labas ng bintana nang hawiin ko ang kurtina at tumingin sa labas. “This place is f*cking suffocating,” I said in a murmur while my eyes brim in tears. This maid looked at me with sympathy. “Ipinaguutos po na maligo na kayo at mag-bihis darating daw po ang mga magulang niyo… at…” Tumingin siya sa pisngi ko. Hindi ko pa nakikita ang sarili sa salamin kaya malamang bakat ng kamay ang tinitingnan niya. “I'll cover it, bring me some make up. Tell him,” I said coldly. Nahulaan ko na ang sasabihin niya na tatakpan ang pasa ko sa pisngi kaya kung ayaw niyang ipaglandakan ko ang ginawa niya, ibili niya ako ng kailangan ko dahil lahat ng gamit ko nasa bahay pa ata hindi ko na nadala. Tumango ito at bahagyang nag-bow. Akmang aalis na nang magtanong ako. “Anong oras daw ang dating nila?” tukoy ko sa mga magulang ko. “Alas Diyes na po kayo nagising dapat kanina po pero sinabi ni Mayor na nagpapahinga pa kayo kaya in-adjust ng lunch,” magalang nitong sagot na ikinatango ko na lang and I dismissed her. Umalis na ito at naiwan akong tulala sa labas. “Sana, masaya kayo…” bulong ko sa hangin at tumalikod na mula sa labas at pumasok sa banyo. Humarap ako sa harap ng salamin. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-singhal… dinala ko ang kamay ko sa pisngi ko bakat ang kamay, kaya napaawang ang bibig ko at napa-tiim bagang. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-hubad na pero ang mas nakapagpa-windang sa akin ay ang mga marka sa dibdib ko malapit sa collar bone. He… kissed me… even though I was unconscious? Even his kiss leaves not just kiss marks but bruise bite marks. Nahigit ko ang pag-hinga ko laglag ang panga, walang marka sa leeg dahil marahil pinigilan pa niya ang sarili at magiging madalas ang pag-harap niya sa akin sa tao. Wala siyang patawad… napaiyak na lang akong sumalang sa shower, natapos na ako lahat-lahat maligo saka lang ako tumahan dahil naibuhos ko na habang naliligo. Pag-labas ko ayos na ang kama, may nakalatag na damit at pares ng pampaa rito na nasa box pa at ang make up kit na hinihingi ko. Nag-tungo ako sa closet, binuksan ko naghanap ng underwear siguro naman ipinadala niya sa mga tao niya ang mga personal kong gamit galing sa bahay. Panay gamit niya ang nasa kabilang bahagi, nang buksan ko ang kabila narito nga ang mga gamit ko at kumuha na ako ng pares ng panty at bra at lumabas na ng room closet pero pinagsisihan ko rin na sana dinala ko na lang ang damit ko at doon na nag-bihis. Mataman siyang nakatingin sa akin habang nakaupo sa dulo ng kama, nayakap ko ang katawan kong nakatapis lang at inilagay ang magkabilang kamay sa ilalim ng kili-kili ko. “Anong ginagawa mo rito?” matapang kong tanong. Natawa siya at napakamot sa kilay. “Baka bahay ko ‘to?” pamimilosopo niya na ikinatiim bagang ko. Ngunit napaatras din nang tumayo siya at humakbang papalapit sa akin habang nakatitig sa mukha ko at masama naman ang tingin iginagawad ko sa kanya hanggang wala na akong naatrasan kaya na-corner niya ako sa may pinto ng closet. Tumigil siya sa harapan ko, itinuon ang isang kamay niya sa gilid ng kinasasandalan ng ulo ko at inilapit ang mukha niya sa akin.Napa-iwas ako ng mukha ngunit napasinghap ako nang hawakan niya ang panga ko, hindi na masakit at hindi na kasing higpit ng hawak niya kagabi. Iniharap niya ako sa kanya at halos maduling ako sa lapit ng mukha niya. “Does it hurt?” tukoy niya sa pinsalang ginawa niya. Kusang nanginit ang mga mata ko at muling nagbabadya ang luha. Biglang lambing niya at biglang nagkaroon ng pakialam? “F*ck you…” tanging nasambit ko dala ng galit at sama ng loob kaasabay ng pag-igik ko nang malipat ang kamay niya sa leeg ko at ito ang hinawakan ng mahigpit dahil hindi nagustuhan ang sinabi ko. “I am asking you nicely… so I think I deserve a proper answer?” he whispered right on my face, he's mad but he remains calm and his voice is still giving me goosebumps. “Proper answer?” patawa kong untag sa kanya. “Do you think treating your wife like this is proper too, huh?” may gigil kong tanong at pagak pang natawa. “You're such a crazy dumb*ss.” And the next thing I knew wala na sa sahig ang mga paa ko, nakaangat na at hindi na ako makahinga dahil biniyabit niya ako at idiniin sa pinto. Nagpupumiglas ang katawan at mga paa ko pero masyado siyang malakas at malaki sa akin. Gusto kong sumigaw ng tulong hindi ko lang magawa dahil sakal-sakal niya ako. Tutuluyan niya na ata ako. I already felt the pressure on my face na pulang-pula na habang hawak ko ang isa niyang kamay na gamit niya sa akin pilit kong iniaalis. “P-Please… I can't breathe…” pakiusap kong tigilan na niya kahit hirap na hirap akong bigkasin hanggang tuluyan na niya akong napaiyak. “Kanina lang matapang ka… what happened Elena?” He chuckled without any hint of pity and he put me down a little so his face could reach me. “You can't be consistent with your braveness, huh?” he asked with a mock and laughed. Idiniin niya ako sa pinto ganoon din ang katawan niya, inipit niya ako. “Hindi mo pa rin talaga ata naiintindihan na akin ka na…” bulong niya sa tapat ng tainga ko at pilit kong iniiwas ang mukha ko. “At kahit gaano ka pa manlaban, wala ka nang magagawa, mapapagod at masasaktan ka lang." Binitiwan niya na rin ako kaya napasalampak ako sa sahig at nag-sunod-sunod ang pag-ubo ko at malalang paglanghap ng nawalang hangin sa baga ko. Napaka-h*yop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD