CHAPTER THREE

1167 Words
Elena Kuyom ko ang mga palad ko na nakapatong sa mga hita ko sa ilalim ng lamesa kaharap ang mga panauhin, walang iba kundi ang mga magulang ko habang si Daddy istrikto ang mukhang nakatingin sa akin, at si Mommy sa as usual, sunud-sunuran sa asawa. Katabi ko sa Alejandro, sinulyapan ko siya ng masamang tingin ngunit saglit lang, muka siyang kalmado na akala mo walang ginawang hindi makatao sa akin kaya lalo lang ako nagsisidhi at ibinalik ko rin sa mga magulang ko ang tingin nang magsalita si Daddy sa akin. “Elena, don't you think it's rude to stare at your husband like that?” He's asking where my manners are when he sees how I look at Alejandro. Gusto kong suminghal at matawa pati ba iyon kailangan pa nitong punahin? “As if you want to stab him using that food knife?” Dinaan lang sa biro para hindi maramdaman ang tensyon pero bigo dahil kanina pa talaga tensyonado ang paligid pag-harap ko pa lang sa kanila. Nasa hawak kong food knife ang tingin nila at kitang-kita ang pamumutla ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak ko rito nang mag-salita na naman si Daddy at tumawa para ibsan ang nakakabingingg katahimikan. “Pagpasensyahan mo na ang panganay ko, Mayor Alejandro. Natural na ang kawalan niya ng respeto sa harap ng hapag kainan at ewan ba namin nitong si Lucille, pinalaki naman namin siya ng maayos pero lumakingg b*stos…” Namuo ang galit na luha sa mga mata ko, wala pang naibubuka ang bibig ko ang dami na agad nitong nasabing kasiraan sa akin. Gusto ko sanang isipin na sana nga ampon ako baka matanggap ko pa kung bakit ganito ito sa akin, ngunit hindi, halo ang mukha nila ni Mommy sa akin, I am their mixed version. “William,” tipid at malumanay na saway ni Mommy dito at hinawakan sa bisig para patigilin. “Nasa harap tayo ng asawa ng anak mo, don't embarrassed her—” “I am not.” Nagawa pang humalakhak ni Daddy. “I just want Alejandro to be aware of her behavior so he will know what kind of discipline she needs—” “It's on me how I will handle my wife, Mr. Tan,” matatas na sinabi ni Mayor Alejandro bilang putol pa pagsasalita nito habang kalmado at pormal na kumakain batid na ayaw niyang tinuturuan siya o pinapangunahan. Malamig ang tingin iginagawad ko kay Daddy nang manaig sa isip ko ang mga sinabi niya, he's telling those not to embarrassed me but for Alejandro for a f*cking discipline? Ngayon ko napatunayan na may nagkaroon ako ng amahing baliw, masaktan man ang anak niya, bugbugin man ako parang ayos lang sa kanila? Mga sira ulo… Nang biglang tumawa ako ng malakas kaya natigilan sila at napatingin lahat sa akin, si Alejandro na sanang iinom ng juice natigilan din at pinagmasdan ako ganoon din sina Daddy na ang tingin sa akin mukang nababaliw. “Sinasabi niyong b*stos ako, eh kanino lang ba ako nag-mana?” sarkastiko kong tanong sa kanila na ikinalaki ng mata ni Daddy at dahil tisoy siya ang bilis niyang mamula sa galit. “You always blaming my action, but you can't see how you treat me all…” Pinanlakihan ko sila ng mata isa-isa habang nangingilid ang luha sa galit sa kanila. Mom gave me her pity and sympathy look but I don't pay attention to it, sa asawa niyang katabi niya tumagal ang tingin ko na namumula sa galit sa akin ngayon sa akin. “Bakit ganyan mo ako tingnan, Daddy? Bakit ka galit?” natatawa ko pang tanong na may pang aasar habang hindi nagbabago ang panlalaki ng mata ko sa kanya. “You were the one who started this, you think I'm rude?” patuya ko pang dagdag. “Edi sige, tototohanin ko na lang tutal kailanman hindi na magbabago pa ang pananaw niyo pagdating sa akin.” Pati mata namula sa galit sa akin hindi inaasahan ang mga sinabi ko at wala na rin naman na akong dahilan para umaktong santa hindi kaulad noon na sinusunod ko naman lahat at naging magalang ako pero mainit talaga ang dugo nito sa akin. Hindi nito nakikita ang mga paghihirap ko simula bata pa hanggang pag-laki umayon lang sa gusto nilang panlasa, all my effort just for him to see me as his good daughter, na masabing may silbi rin akong anak, but it was all useless. Wala pa rin akong silbi sa kanila. Kaya wala nang rason para umaktong mabait dahil kahit ano namang gawin ko para patunayan ang sarili ko baliwala, ako lang ang nagdudusa sa huli. Akmang meron pa sana akong sasabihin nang manlaki ang mata ko sa gulat nang inambahan ako nitong babatuhin ng babasaging baso pero maagap na nag-salita si Mayor Alejandro. “Kung ako sa iyo, ibababa ko iyan…” Natigilan si Daddy at parang nahimasmasan pero hindi agad naibaba ang hawak na baso na akmang gusto pa rin ibato sa akin. Hindi nagbigay galang sa pananalita si Alejandro na tila kaaway na ang nasa harapan hindi na biyenan at nang mag-angat siya ng mukha rito ginawaran niya ng matalim na tingin. “She's now my wife so you better know how you act in front of his husband.” Tumaas pa ang isang kilay niyang may peklat. “And also remind yourself, Mr. Tan that she's no longer your controlled daughter, but mine to control.” The corner of his lips raised. Sa loob-loob ko napasinghal ako sa hindi ko malamang mararamdaman ko, matutuwa ba ako na ipinagtatanggol niya ako kung sa kabila naman nito hamak na mas malupit siya rito? I'm his to control… what he said keeps on replaying inside my head. Why do they love controlling a girl like me? What is this, power tripping? Just because they think I have no power they thought I have no value kaya gagawin na lang nila ang magustuhan nilang gawin sa akin? Nakakalimot ata silang tao ako, may pakiramdam. They are all f*cking suffocating. “Do you understand, Mr. Tan?” pukaw niya sa Daddy ko na halatang nahintakutan kaya hindi nakatugon sa mga sinabi niya at maagap lang tinakpan ng agarang pag-tawa. “O-Oo naman, Mayor Alejandro! I apologize for my behavior.” Inilapag na nito ang basong ibabato sana sa akin buhat ng nangangatog na kamay. Mag-biyenan na sila, pero naroon pa rin ang pagiging pormal na paggalang sa isa't isa. Alejandro didn't bother himself to call him Dad too even Daddy is now his father in law, ganoon din si Daddy na madalas Mayor pa rin ang tawag. Tumitig ako sa baso, paano kung tumama nga sa mukha ko at nasugatan ako ng mga bubog? Ano kayang gagawin niya? Will he hurt Daddy just because I was hurt? Nakakatawa lang isipin na handa niya man ako ipagtanggol sa gustong manakit sa akin dahil asawa niya ako, ngunit siya naman ang numero unong animal kapag kami na lang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD