Elena
Pagalit na akong tumayo, wala akong pakialam kahit hindi pa tapos ang pagkain o kahit hindi man lang ako naka-isang kutsara umalis na ako sa harapan nila pero patungo pa lang sana ako sa b****a ng pintuan ng dining room nang magsalita si Alejandro.
“Where do you think you are going, young lady?” Tinaasan niya ako ng isang kilay na ikinataas din ng isang kilay ko nang lingunin ko siya na hindi sila ganap na hinaharap.
“Wala kang pakialam,” malamig kong sagot kaya kita ang gulat sa mga mukha nila lalo na sa mukha mga kasambahay maliban sa kanya na napangisi ngunit walang bahid ng tuwa at nangislap ang mga mata.
Alam kong ginalit ko siya pero mas matimbang ang pagsisidhi ko nagawa kong sabayan ng alis, mabilis ako naglakad palabas doon para wag nang makita ang mga mukha nilang nakakasuka.
Hindi ako nag-abala lumingon dire-diretso lang ang lakad ko patungong hagdanan at galit na pumanik sa itaas.
Pagpasok ko ng kwarto nayanig ang bisagra ng pintuan nang galit kong isinalampak ang pinto at agad akong sumigaw mag-mula sa baga ko at ibinuhos ko sa pag-sigaw ang galit na nararamdaman ko sa kanilang lahat!
“I don't deserve this kind of life and your f*cking treatment! All of you are sick!!”
Sa galit ko at pagkawala sa sarili dahil sa bugso ng damdamin kinuha ko ang mga unan pinagbabato ko, dinampot ko ang lampshade at ibinato ko sa dingding at pati mga sapin sa kama halos punitin ko at ibinalibag kung saan.
Dinig na dinig sa labas ang malalakas na katok ng mga kasambahay marahil may napadaan, lumingon lang ako sandali buhat ng namumula at nanlalaki kong mga mata, nakakita ako ng silya sa tabi ng isang study table lumapit ako at kinuha.
“Ma'am! Buksan niyo ho!” pakiusap ni Fiona ang kasambahay na nag-silbi sa akin kanina.
“Ano hong nangyayari diyan?” Panay sila pihit ng door knob pero dahil ni-lock ko, hindi nila mabuksan.
Naging mabilis ang paghinga ko at lumapit sa bintanang pinto ng balkonahe, malakas ko binuhat ang silyang may kabigatan buong lakas kong itinapon sa salamin nito para mabasag at nagtagumpay ako nang nag-kalat ang ang mga bubog napaiwas ako ng mukha nang magtalsikan sa banda ko.
Lalong nataranta ang mga nasa labas nang makarinig nang nabasag, lumabas ako sa pintuang panay bubog na lang sa sahig kaya sumalubong sa aking ang sariwang hangin kaya wala sa loob kong napangiti nang humampas sa mukha ko.
“MAYOR, SI MA'AM NAGBABASAG SA LOOB!” Narinig kong takot na sumbong nila sa kapapanik lang na si Alejandro man ako ngunit nagawa ko pa magngitngit nang marinig ang kalansing ng mga susi.
Napaatras ako at hinarap ang batong barandilya ng balkonahe, ikalawang palapag ng bahay ang kinaroroonan ko at may kataasan din kumpara sa karaniwang second floor dahil mansion ang bahay niya kaya hindi ako sigurado kung anong mangyayari sa akin, wag lang mauuna ulo ko nito kundi tapos ako.
Humawak ako barandilya at tumingin sa baba, nalula ako…
“Kung may lakas ka ng loob, tumalon ka…”
Nanlaki ang mata ko nang marinig mula sa likuran ko si Alejandro kaya pagharap ko sa kanya ay napasandal at napahawak ako sa barandilyang bato at pigil hininga ko siyang tiningnan.
Nakapamulsa siya habang mataman nakatingin sa akin, may laman ang titig niya, may sinasabi ang nangungusap niyang mga mata… tumatama pa sa kanya ang bahagyang liwanag ng araw kaya kita lalo ang kagandahang lalaki niya… seeing him right now in brightness… he's very beautiful man and pure masculine wearing his baby blue polo dress tuck in his black slacks wearing a black leather shoes.
Ang hangaan ang panlabas niya sa puntong ito hindi ay dapat, lalo na siya ang kalaban ko, siya ang kontrabida sa buhay ko! He's the reason why I suffered much more than before.
“Wag kang makalapit sa akin Mayor ka!” Sinamaan ko siya ng tingin, ang boses ko punong-puno ng galit at pagkamuhi sa kanya habang lumuluha.
“Kasalanan mo ‘to lahat!” sigaw ko pa at tuluyan nang napaiyak kasabay ng pag-iling.
“You… make me suffer even more… you monster—”
“Paano ko naging kasalanan lahat?”
Natigilan ako. Ang isang kamay niya inalis sa bulsa kinamot ang isang kilay at napangising tiningnan ako.
“Falling in love with you is not a sin, baby.” He chuckled sexily and he bit his lower lip and what he called me just now made my face reddened.
“Kaya kung hindi ka tatalon bumalik ka rito, bumalik ka sa akin at yakapin ako…” He opened and offered his hand—no, his arms for me to hold it and embrace him?
Yakapin siya? He's funny.
“If you say sorry for making a mess and breaking my things, I'll forgive you...” he said in his very calming voice, encouraging me to walk closer to him.
Umiling ako. “I know that's a trap! Kapag lumapit ako sasaktan mo ako—”
“No, what happened between you and your family was enough for today so I won't,” he cut me off with a promise na hindi ko alam kung may katotohanan o kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.
“Come on, baby… come here…” He smiled charming and sweet as he can like I'm some kind of kitten at kung titingnan akakalain mo maginoo na ililigtas ka sa gitna ng kapahapamakan.
“Magkukusa ka o ako ang lalapit?” Pinapili niya na ako kasabay nang biglang pagtalim ng mga mata sa kawalan agad ng pasensya.
He's short tempered. “If I walk closer to you I can't promise what I can do to you, so you better come to me to avoid yourself from trouble.”
There's still a threat…. sumulyap naman ako sa baba sa likuran ko, gusto kong tumalon at kita niya ang binabalak ko kaya binantaan niya ako ng tingin.
“Pareho lang din naman ng mangyayari sa akin, hindi ba…” Ngumiti ako at umiiyak na tumawa.
“Kung tatalon ako mula rito masasaktan din ako, lalo na kapag nahawakan mo ako kaya dito na lang ako, sa siguradong hindi na ako magigising.”
Nanlaki ang mata niya nang talikuran ko siya at humarap ako sa barandilyang may kataasan kaya kinailangan kong mabilis na maisampa ang isang binti ko para ganap na makatalon pero masyado akong mabagal para sa kanya kaya napatili ako nang mabilis niya akong nahila sa paa na ikinatili ko!
Marahas niya akong inilayo at hinawakan ako sa baywang at yakap ako ng mahigpit habol hininga ako dahil katapusan ko na… sa mga kamay niya.
Lalo na ng hawakan niya ako sa leeg habang nasa likod ko siya pagkatigil niya pareho kami habol ang aming hininga sa kaba.
Kaba ko sa kanya, kaba niya para sa akin na tatalon nga talaga ako.. nakasandal ako sa malapad at malaki niyang katawan hawak niya ang tiyan ko ng isang kamay at malaki niyang bisig at siniguradong hindi na ako makakawala...
“You are not fast enough.” He chuckled darkly and what he said next made me shiver in fear.
He whispered using his mad hoarse voice near my ear. “Now… my baby, it's my turn and you should face your f*cking consequences.”