Elena
Dinapuan ako ng malubhang lagnat, hindi ako ganoon kalakas para indahin lahat.
Muka lang akong nangangagat kapag galit ngunit ang totoo, mahina ako…
Ilang araw na simula noong huli niya akong pinuntahan at kinausap, sinabi ko sa mga kasambahay na wag sabihin na may sakit ako dahil ayaw ko siyang makita.
Kaya pinagbigyan nila akong wag ipaalam tutal hindi naman ako nito pinupuntahan ilang araw na..
Dahil sa awa rin, sinunod naman nila ako. Pero hindi na sa pagkakataong ito.
Sinabi na rin nila kay Alejandro at pauwi na raw ito galing munisipyo kasama ang isang family Doctor.
Nanginginig na ako sa ginaw kahit gaano pa kakapal ang kumot na nakabalot sa katawan ko at naka-off na rin ang air condition, nagmistulan na rin akong cocoon ngunit wala, ang lamig pa rin.
Naalala ko na inabot ako ng ilang oras sa pagkakababad sa ilalim ng tubig sa bathtub matapos nang nangyaring iyon sa namin ni Alejandro.
Maasyado ako nagdamdam hindi ko namalayan ang oras, at iyon ang isa sa dahilan kung bakit ako ginaw na ginaw at sipon na sipon.
Idagdag pa na walang pahinga ang utak ko kaiisip kaya wala akong naging maayos na pahinga.
Walang maayos na tulog mag-mula nang maikasal kami at dito niya itinira sa bahay niya at hindi pa kagandahan ugali niya.
“Mayor Alejandro…” Nahihintakutan na tawag ni Fiona sa asawa kong magaling na bagong dating nang bumukas ang pinto.
Kasalukuyan ako nitong pinupunasan ng basang bimpo sa noo at napatayo ng tuwid ngunit aligaga.
Kabado ito dahil alam na pagagalitan sila sa hindi agad pagsasabi. Kasalanan ko wag niya sana silang pagalitan.
Pumasok siya buhat ng seryosong mukha kasama ang isang may edad nang Doctor na lalaki, at tumabi ang kasambahay para bigyang daan sila nang ganap nang nakalapit sa akin si Alejandro.
My eyes are half close, mainit at may hingal ang bawat paghinga ko sa sama ng pakiramdam ko at naninilaw din ang paningin ko.
Napapikit ako nang hipuin niya ang noo ko ng kamay niyang himala… naging kay gaan.
Nang mag-mulat ako naabutan ko siyang lumambot ang mukhang pinagmamasdan ang mukha ko.
Nanghihina at inaapoy ng lagnat, saka niya binalingan ang kasambahay na alam kong tatanggap ng pagalit.
“Kailan pa siya may lagnat?” galit niyang tanong dito.
Akmang sasagot na sana ito nang hawakan ko ang kamay niya kaya siya natigilan at muling napabaling sa akin.
Umiling ako sa kanya batid na wag niya silang pagagalitan. “Wag mo silang pagalitan—”
Napaubo ako kaya lalong bumalatay sa mukha niya ang pagaalala sa akin and he helped me get up at isinandal ako sa headrest ng kama nilagyan ng unan ang likod ko.
"They just did what I told them…” inako ko ang pagalit niya sa kanila at sa akin niya na lang ibunton, ayokong mawalan sila ng trabaho dahil lang sumunod sila sa akin.
“I told them not to tell you because I don't wanna see your face,” I said frankly without thinking what his reaction would be, because I know he won’t hurt me in my condition.
Narinig ko ang pigil na tawa ng Doctor kaya umigting ang panga ni Alejandro pasimpleng sinamaan ng tingin kaya tumikhim ito at bumalik sa pagiging seryoso.
Ibinalik niya rin ang tingin niya sa akin. “You chose to tolerate sickness for days just not to see my face, huh?” There is a little hint of... uh I don't know...
Disappointment? Dinaan niya na lang sa pagak na pag-tawa ang iritasyon niya, o hindi kaya Inaasahan niya ma-mi-miss ko siya?
In his dreams.
“Naging abala lang ako kaya hindi kita napupuntahan pero ngayon, araw-araw mo na akong makikita,” malamig niyang sinabi na ikinaungot ko ngunit hindi niya na ako pinansin inutusan na ang Doctor na tingnan ako.
Hindi siya umalis, pinanuod niyang i-examined ako, may mga gamot na ipinainom sa akin meron pang ituturok pero bago pa lang itutusok napa-aray na agad ako!
“Aray!” Kahit wala pa naman.
“Wala pa, Elena..." sita niya habang kunot ang noong pinagmamasdan ang itsura kong nanlalambot na nakasandal sa headrest ng kama.
“Doc,” ungot ko na ikinatigil nito sandali.
“Sa kanya niyo na lang kaya iturok iyan para matanggal ang sakit niya sa utak," nahihirapan kong pag-ayaw dahil takot ako sa karayom siyang tawa naman ni Doctor Francisco.
“Pasalamat ka may sakit ka…” pagpapalagpas niya sa pambubwisit ko sa kanya pero halatang pikon siya kaya hilaw akong natawa habang pinapawis na dahil sa gamot na mabilis umepekto.
“Bakit?” matapang kong tanong na tila naghahamon buhat ng namumungay kong mga mata.
“Kung wala akong sakit, sasaktan mo na naman ako?” Nanginit at nanunubig ang mga mata kong tiningnan siya habang nakatingala sa kanya.
Nanaig ang katahimikan at tanging galit na mga mata niya lang na nakatingin sa akin ang naitugon niya habang prente siyang nakapamulsa.
Ang pagtikhim ni Doctor Francisco ang bumasag sa katahimikan upang basagin din ang namumuong tensyon sa pagitan naming mag-asawa.
“Violence is not the way to a woman's heart, Alejandro…” biglang payo nito na ikinatahimik ko lalo ni Alejandro waring nalaman na rin kung paano ito sa akin.
Nang biglang napasinghap ako dahil walang sabi-sabing tinurukan ako ng Doctor na ikinaawang ng bibig ko sa gulat kasabay ng panlalaki ng mata.
“Doc! Hindi pa ako ready!” reklamo ko gayong tapos na awang ang bibig sa gulat.
“Tapos na nahuli na ang pag-inda mo, hija.” Tumawa ito kaya napakurap akong napatitig sa tiklupan ng braso at bisig ko kung saan bumaon ang karayom at nilagyan na agad ng bulak.
Halos hindi ko naramdaman...
Ang galing.
Namangha ako. “Ang galing niyo naman mag-tusok ng karayom hindi ko ho halos naramdaman…” Ngumiti ako sa gaan ng kamay nito kahit nag-mukha akong inosenteng aliw.na aliw.
“Sana lahat ng nakakatusok hindi masakit…” wala sa loob kong nasabi kaya nangunot ang noo ko nang marinig kong natawa si Mayor Alejandro.
“Meron pang mas malaki na masakit pa sa karayom lalo kapag unang beses at wala pang karanasan ang tutusukan," malaman niyang sinabi na hindi ko kaagad nakuha nang napatawa ng malakas ang Doctor.
“Silly, Alejandro… your wife seems too young for that joke.” The old man chuckled.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila at huli na bago ko pa nakuha ang ibig no'n sabhin, tinawanan niya na ako kaya ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko nang mapagtanto.
“B-B*stos ka!” bulalas ko at.pinanlakihan pa siya ng mata kasabay ng paghawak ko ng mahigpit sa kumot.
Pulang–pula ang magkabilang pisngi ko hindi niya na naisip na may ibang taong kasama kami rito.
Tumaas ang isa niyang kilay. “I didn't say anything rude, Elena… it's just your dirty mind.” He chuckled and shook his head.
Hindi naman ako t*nga para hindi ko makuha ang ibig niya sabihin. Matagal nga lang bago ko… ah basta! Palibhasa alam niyang v*rgin pa ako!
Sinamaan ko siya ng tingin. “Asa ka namang patutusok ako sa iyo?" Biglang sambit ng bibig ko na ikinawala ng tawa niya sa mukha.
"Hinding-hindi, Mayor Alejandro kahit pa kumulubot ito hindi ko ipatutusok sa iyo 'to!” sigaw ko.
Nanlaki ang mata nila sa gulat sa walang preno kong bibig sabay nagtakip na ako ng kumot at umayos ng higa at mabilis silang tinalikuran.
Kahiya-hiya man ang sinabi ko pero siya naman ang.una! Nainis ako nagawa niya rin naman akong pagkatuwaan.
Quits lang.